Chapter 37- Ang Unang Engkwentro

828 40 0
                                    

Sa gitna ng aming paglalakbay ay unti-unti namin naramdaman ang kakaibang daloy ng hangin tila nagpapahiwatig na may masamang nilalang sa aming paligid. Tahimik naming tinahak ang daan tungo sa tinawag na isa sa mga delikadong tulay sa buong Anreileon.

Huminga ako ng malalim at tahimik na nagmamasid sa aming paligid. Pinagmasdan ko ang nasa unahan namin. Sa aking nakita ay isang madilim na bahagi ang naghihintay samin kung saan ang daan patungo sa delikadong tulay. Ako'y napakurap kurap ng magsimulang maramdaman ko ang kakaibang enerhiya nagdudulot ng kilabot sa aking katawan. Ramdam ko ang nakakatakot nitong atmospera. Habang kami ay papalapit dito tila kami ay nabigtan sa paglalakad sa sobrang bigat ng pakiramdam. Pinagmasdan ko ang aking kasamahan kahit seryoso ang kanilang mukha ramdam ko rin ang takot nila.

Mahigpit na kumapit sa aking braso si Nestle na ngayon ay naging tahimik sa aking tabi. Huminga ulit ako ng malalim at aking inayos ang suot kong salamin pati na rin ang nakasabit sa akong likuran habang papalapit na kami sa lugar.

Sa pag apak ng aking mga paa kung saan ay tila may nagmamasid samin at mas lalong bumigat ang atmospera di ko mawari kung anong nilalang ang naghihintay sa amin sa dulo nito.

"Damn! So scary." Rinig kong bulong mula kay Tamara na ngayon ay nasa likuran na ni Cynthia habang pinagmasdan ang paligid namin at may apoy na kapangyarihan sa kanyang kaliwang kamay na aming ginawang ilaw sa madilim na lugar.

"I think malapit na talaga tayo." mahinang sambit ni Cynthia na ngayon ay siya ang ngunguna samin. Mabilis bumitaw si Nestle sa akin at lumapit kay Clythia nang marinig niya yun. Sinabayan niya ito sa paglalakad dahil ako'y nasa hulihan ay ninanais ko rin sumabay kay Tamara.

Ibat ibang tunog mula sa hindi ko alam na kung anong mga klaseng nilalang ang mga ito. Nakakatakot at nakakatinig balahibo.

Ako'y napatingin sa malalaking kahoy niisang dahon ay wala. Mahamog ang lugar at mula dito ay mga mga mapupulang mata ang aking nakikita habang nakamasid sa amin. Tila hinihintay nila kung ano ang aming gagawin upang mag udyok sa kanila na sugurin kami.

"Nakakatakot naman dito. Grabe! I don't know talaga kung bakit di manlang sumilip dito ang sinag ng araw. Eh! Wala namang mga dahon ang mga kahoy dito." bulong ni Nestle na sapat lamang na marinig namin ito.

Gayun din naman ang aking pagkatataka kung bakit madilim ang bahagi dito habang doon naman ay nasisikat ng araw. Kung iisipin ay tila nahati sa dalawang bahagi ang kagubatan.

"Tumahimik ka na kang dyan sapagkat may mga nilalang ang nakamasid sa atin kung anuman ang ating gagawin." aniko. Kahit di siya lumingon sa akin ay alam kung sumama ang mukha nito dahil sa aking paraan ng pagbigkas.

" Ayan ka na naman sa pananalita mo." usal niya na agad rin sinaway ni Cynthia.

"Sshh! Hayaan mo nalang yan."

Wala akong narinig na pagtutol mula kay Nestle kaya hinayaan ko na rin ang manahimik.

Nang marating namin ang dulo ng kagubatan ay pigil hininga ang aming ginawa ng makita namin kung ano ang sumalubong sa amin. Ilang segundo ay sabay kaming huminga ng malalim. Kahit natatabunan ito ng makapal na hamog na nag dudulot rin ng kilabot ay alam namin na may halimaw nakatira doon. Ang hininga niyang sobrang malalim na nagpadagdag ng hamog sa buong tulay ay nakakasindak.

Bigla naman akong nagtaka kung bakit napaatras si Tamara na tahimik lamang sa aking tabi. Nilingon ko siya at kita ko sa mukha niya ang pagkagulat habang may tinitigan ang mga mata niyang bumabalot ang takot dito.

Nakakunot ang aking noo habang sinundan ang kanyang tinitigan. Napaawang ang aking labi ng mapagtanto kung ano ang tinitigan niya. Isang malaking buntot na nag mamayari ng isang halimaw na di ko mawari ang wangis nito. Sinundan ko ang buntot at ito ay nagmula sa hamog. Nagsimula itong maglikot dahilan upang mawalan kami ng balanse sa sobrang lakas nitong hinampas ang lupa na alam kong normal lang ito sa isang kagaya niyang halimaw.

Kung ganun ay hindi pangkaraniwan ang nilalang.

Ako'y napalunok dahil sa aking naisip at ito rin ang unang beses kong engkwentro sa isang halimaw na kagaya niya habang nasa ibang anyo ako. Alam ko rin na hindi pa ako perpektong bihasa bilang isang witch pero gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya.

"Be alert." paalala sa amin ni Cynthia na ngayon ay hinahanda ang kanyang pana.

Dahan dahan kaming naglalakad tungo sa tulay habang nagmamasid sa paligid. Pahinto hinto ang aming ginawa kapag gumagalaw ang halimaw. Dahil sa sobrang kapal ng hamog ay halos di namin mahagilap ang tulay. Di ko alam kung ano ang ginawa ni Nestle dahil until unting nasilayan namin ang tulay. Agad namin itong tinungo at nang naapakan namin ito ay biglang gumawa ng tunog na kinatigil naming apat. Mariin akong humawak sa tulay at pinagmasdan ang anino ng halimaw na ngayon ay unti unting gumalaw tila hinahanap ang pinanggagalingan ng ingay.

Halos pigil hininga ang aking ginawa nang dumaan ito sa aking likuran. Ako pa naman ang nasa hulihan. Sinundan ko ang anino ng halimaw habang pinagmasdan ko ito napansin kong maaahalintulad ito ng isang dragon ngunit walang pakpak pero lumulutang sa ere. Malaki ito at mahaba.

Dahan dahan ulit ang ginawa naming hakbang habang inihanda ko ang dala kong sandata. Hindi ko alam pero ramdam kong matinding labanan ang gagawin namin dito sa tulay.

Napahinto naman kami ng biglang tila may naapakan ang nasa unahan namin upang gumawa ng ingay. Napakurap kurap ako at inilibot ang tingin. Hinahanap ng aking ang mga mata ang anino sapagkat hindi ko ito mahagilap.

Tinuon ko ang aking paningin sa unahan ng biglang may papalapit samin. Napaatras naman ako dahil sa sobrang bilis nito hanggang sa nagsi iwasan ang hamog na tila may buhay at nakita namin ang halimaw na nakatitig samin habang nakalutang sa ere papalapit sa kinaroroonan namin.

"Oh my gosh!"

"Lintek na!"


Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon