Chapter 5: Unexpected

1.3K 77 1
                                    

"Shemz,ang gagaling talaga nila,eehhh.Sayang nga lang dahil malayo tayo sa intablado."

Dumaan muna sila sa malawak na plasa ng Capitol.Umupo sa bench habang nakatanaw sa mga batang immortal na naghahabulan at nagtatawanan.Halos lahat ng mga immortal ay usap-usapan ang Royal Battle kung gaano ito kagaling,makapangyarihan at kahusay.Bukod sa taglay nilang mala-diyos ang kahusayan sa pakikipaglaban hindi mawala-wala sa pag-uusap kung gaano din ang mga ito kaganda at kakisig.Hanggang ngayon ay marami paring hindi maalis-alis sa kanilang isipan ang mga imahe ng mga prinsesa at prinsepe.Isa na dun sina Orla at Eathel na bukang bibig parin ang Royal Battle.

"Oo nga Orla."sang-ayon naman ni Eathel.Totoo naman ang sinabi niya,bihasa sa pakikipaglaban ang mga Royalties.Pero hindi parin maalis& Ali's ang isang katanungan sa kanyang isipan mula pa nung nasilayan niya ang mga ito.Hindi niya matiis itanong kay Orla na ngayon ay bukang bibig ang mga prinsepe.

"Ang gwapo talaga ni Prinsepe Azrael at Prinsepe Feno,ah basta silang lahat mga gwa--."

"Orla?"tanong niya kaya napahinto si Orla sa kakadada nito.Lumingon ito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"Ooh?Bakit?"tanong nito,nagdadalawang isip siyang magtanong pero sa huli mas pinili niyang itanong ito dahil gusto niya itong malaman.

"Si Prinsepe Zach--"hindi natapos ni Eathel ang dapat itanong nang biglang tumili si Orla sabay takip ng bibig habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.Iba seguro ang nasa isip nito kaya napailing-iling siya sa kaibigan.

"Mali yang nasa isip mo Orla."malumanay niyang sabi dito dahan-dahan namang ibinaba ni Orla ang kamay na nasa bibig niya at pinatong sa hita.Tumatawa ito at umiiling-iling.

"Hahahaha,akala ko kasi hahahahaha.Ehem,sige ipagpatuloy mo."

Bumuntong hininga siya at tinignan ang kalangitan na kung saan nakikita niya ang imahe ng dalawang pares nang mata ng prinsepe.

"Bakit magkaiba ang kulay ng mga mata ng prinsepe?"tanong niya at lumingon kay Orla.Nakita niyang napaayos ng upo si Orla at sumeryoso ang mukha nito.Nakapagtataka dahil ngayon lang niya itong nakita na seryoso ang mukha,ganito ba talaga ka importante ang kanyang sasabihin?

"Nung una Isabella ay nagtataka din ako pero nung nalaman ko ang mga sabi-sabi mula sa matatanda naniwala na din ako.Pero nalilito pa din ako kung saan sa kanila ang tama.Sabi kasi ng mga wizard kaya daw ganon ang kulay ng mga mata ng prinsepe dahil sumisimbolo ito kung gaano siya kalakas at makapangyarihan.Normal na daw ang mga kagaya ni Prinsepe Zachary pero yun nga iba ang sa kanya.Tapos ang sabi-sabi naman ng matatandang lobo at bampira kaya ganon ang mga mata ng prinsepe dahil nakatakda na daw ito sa babaeng immortal.Ang isa daw na mata ng prinsepe ay ang kulay ng mata ng babaeng itinakda nito.Kaya daw ganon ang mga mata ng prinsepe dahil nga mate with someone na siya."

"Hindi bat mga lobo at bampira lang may itinakda?" Tanong ni Eathel

"Yun nga ang ipinagtataka ko eh pero sabi ko nga sabi-sabi lang yan ng mga matatanda.Pero ang mga maharlika ay naniniwala sa mga sinabi ng mga wizard alam mo naman siguro ang kasaysayan ng mundo natin,di ba?Hay naku,hanggang ngayon dala-dala pa rin hindi talaga maka-move on yang mga maharlika,jusko."

Biglang kinabahan si Isabella sa huling sinabi ng kanyang kaibigan.Hindi nga talaga nila ito kinalimutan,bigla siyang nalungkot sa nalaman.Ang akala pa naman niya ay malaya siyang mamumuhay sa Anfreileon pero kung pipiliin niyang manahimik lamang at mamuhay ng simple,walang mangyayaring masama sa kanya.

"Hala naku,magtatakip silim na pala.Malayo-layo pa ang atin, kailangan pa nating mag-hanap ng pegasus."Tumayo si Orla at inayos ang kaputsa,tinitigan muna niya ang kaibigan bago siya tumayo habang inaayos ang kanyang kaputsa ay napatingin siya sa kalangitan na kung saan ay makikita ang mga ibat ibang hugis ng bituin kahit hindi pa masyadong madilim.Nakita din niyang nagsiliparan na ang mga may pakpak na maliliit na nilalang sa himpapawid.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon