Chapter 32-Cafeteria

908 48 1
                                    

Ako'y napalinga-linga sa ibat-ibang sulok ng marinig ang boses.Wala along makitang kakaiba upang mahanap kung saan iyon nanggaling.Nagsimulang nagtayuan ang taga-Alverian at mga nilalang na may matutulis na tenga.Sila'y tutungo sa Circle Arena upang suportahan ang kanilang panig.
Nakita kong nagsi-alisan na din ang iba. Ako'y napalingon sa aking likuran at sumilip sa mga Royalties na ngayon ay umorder ang mga kalalakihan habang ang kababaihan ay umupo sa kanilang mahabang mesa para sa kanila.

"Make it fast,Rence.I'll watch the battle."

"Tss.Oh,kainin mo lahat yan."

"I'll just bring my snack. I'll go ahead."

"Bye,Nyxl."

"How about you,Luella?"

"Si Alasdair ang pupunta doon."

"Ah,okay."

Masaya silang nag-uusap habang sila'y nakasuot ng kanilang uniporme maihahalintulad lang naman ito kagaya sa amin ngunit ang kaibahan nga lang ay may kapa silang suot na sumisimbolo sa kanilang kaharian at kapangyarihan.Kahit inaasar sila ng mga prinsepe hindi makukupas ang pagiging matalik na magkakaibigan.

Nilagayan ng pagkain ang prinsesa ng Faerydae sa kapwa nito prinsesa na si Princess Saethel sa pinggan nito.Nakita ko ding may nagbabangayan at tumatawa sina Prinsepe Rex,Prinsepe Terence at Prinsesa Luciana.Kung titigan ay parang normal na estudyante lamang.Napabaling ang aking tingin sa babaeng naging matalik kong kaibigan habang kausap nito ang prinsesa ng Karagatan na si Lily.Nakisali din sa kanila si Prinsepe Feno at Prinsepe Azkael ngunit patango-tango lang ito kapag tinatanong.Sa katabi naman ito ay ang Prinsepe ng mga bampira at lobo habang tahimik na kumakain.Napatingin naman ako isang maharlika nakapikit ang mga mata at ang mga braso nito ay nasa bandang dibdib habang katabi ang prinsesa ng kalawakan na ngayon ay kumakain din ngunit kinakausap ang katabi.

Napatingin ulit ako sa katabi nitong ganon parin ang ginawa parang walang katabi at walang narinig.Nanlaki ang aking mga matang bumukas ang kanyang mga mata kaya dali-dali akong napa-iwas ng tingin at itinuon ang atensiyon sa pagkain.Napakurap-kurap muna ako bago nagpatuloy sa pagsubo ng kanin.

"Darling."Umalingaw-ngaw ang matinis na boses sa buong sulok ng cafeteria kaya nabulunan ako dahil dun.Mabilis kong kinuha ang baso at inubos ang tubig.

"Susme,kanina pa kita hinahanap nandito.ka.lang pala.I'm sorry your highnesses."Rinig ko mula sa aking likuran.Hinintay ko lang kung ano ang susunod na mangyari mula dito.

"Hmm,it's okay."Mahinhin na boses ang aking narinig.

"Thank you,Princess Primrose and once again I'm sorry for being noisy."Napalingon naman ako don.At nakita kong papalapit siya sa akin habang nakaawang ang mga labi.Parang hindi makapaniwala sa nangyari.

Agad niya akong binatukan ng dumating siya sa aking tabi.Napaangat naman ang aking tingin sa kanya habang napasimangot.Ako dapat babatok sa kanya eh.

"Tara let's go,darling.Punta tayo sa Circle Arena.Ano ba yan nandito pala ang Royalties,I'm embarrassed."Umupo ito sa aking harapan at humalukip-kip.Kumain na lang ulit ako habang pasulyap-sulyap sa kanya.

"Hay naku.Ano na?"Biglang tanong nito.Naibaba ko naman ang aking kutsara sa pinggan at nagdadalawang isip kung pupunta ba ako o hindi?

"Ayaw ko.Ikaw na lang."Napanganga naman siya sa aking sagot at di makapaniwalang tingin ang pinukol sa akin.Pagkatapos ay pinaypayan ang sarili waring naiinitan.

"Gosh,nilibot ko ang akademya at tinahak lahat ang daan para hanapin ka,tinakbo ang pasilyo papuntang silid-aralan mo at dito sa cafeteria.At yan ang isasagot mo?Sayang effort ko,darling.Sayang na sayang talaga.Dugot pawis ang ginawa ko para mahanap ka lang."Madrama nitong sabi sa aking harapan.Umiiyak-iyak pa ito habang nagkukunwaring pinahiran ang kanyang luha sa pisngi,wala naman.Napailing-iling nalang ako sa kanya.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon