Chapter 9: Killing Day 1

1.1K 66 1
                                    

Sabugan,hiyawan at iyakan ang aking narinig habang yakap-yakap ang batang aking kasama sa madilim na bahagi.

"Okay ka lang,bata?"mahinang tanong ko rito,napaangat naman ito ng tingin at pinunasan ang butil ng mga luhang umagos sa kanyang mga mata.

"Okay lang ako ngunit ang aking ina." Nagsimula naman itong umiyak kaya pinunasan ko ang tumatakas nitong luha sa kanyang mga mata.Naawa ako sa kanya,ganito ba talaga ang buhay ng Anfreileon?

"Tahan na.Magiging okay rin ang lahat."

Sa gitna ng aming yakapan ay biglang may pagsabog na naganap malapit sa aming kinaruruonan.Mga boses na mababangis pakinggan,mga yapak na waring naghahabulan at mga presensiyang nagsisimulang kumakalat sa kapaligiran ang siyang nagbibigay kaba sakin sapagkat malapit lang ito sa amin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang maliit na kamay ng bata at itinayo siya.Itinago ko ito sa aking likuran ng aking naramdaman ang mga presensiyang patungo sa aming kinatatayuan.Sa isang iglap ay sumabog ang aking dinadaanan kanina,lahat ng mga gusali ay nasira at nagsimulang gumuho.

"Hindi maaari."

Naaninag ko ang mga pigurang sumira sa aming tinataguan,mga matutulis na mata habang may ibat ibang sandata sa magkabilang kamay ang aking nasilayan.Mas itinago ko ang bata sa aking kapa upang hindi siya makita ng mga ito.

"Swerte naman natin.Unahan nalang tayo kung sino ang makakapatay sa babaeng yan." Napabaling ang aking tingin sa nagsalita,isang lalaking may pinta sa kabilang braso at may itim na kasuotan ang agad na tumakbo papunta sa aming kinaruruonan.Sa bilis ng pangyayari ay agad kong tinadyakan ang lupa,sanhi sa pag yanig nito at gumawa ng malalaking bitak papunta sa kanila.Tumilapon ang lalaki palayo habang ang iba ay nahulog sa bitak at napaatras.

Ngunit akala ko'y aatras sila pero kanya-kanya ang mga itong inilabas ang mga kapangyarihan.Bilog na apoy,tubig,hangin at naglalakihang mga ugat ang kanilang ginawa,nakita nilang napaatras ako kaya sila'y ngumiti ng mala-demonyo na hindi naman bagay sa kanila.

Napapikit ako at humugot ng hininga,kailangan kong iligtas ang batang nasa aking likuran na nakatago sa aking kapa.Gusto kong malaman niya ang tunay nakahulugan ng buhay ng isang immortal.Kasabay ng aking pagdilat ang siyang pagbato nila sakin sa kanilang mga kapangyarihan,agad akong humugot ng lakas habang dinadama ang hangin na pumapalibot sa akin.Iniyukom ko ang aking kaliwang kamao at kasabay ng aking pagsuntok sa ere ang siyang pagtigil ng kanilang mga kapangyarihan papunta sa akin gamit ang pwersa ng hangin na aking gabay ay nagsimula din itong nagsiliparan sa ibang direksiyon.Bago sila makagawa ulit ng bagong iitira ay malakas ko ding sinuntok ang lupa at hinawakan ito ng matagal.

Ramdam ko ang pag kasira ng bayan sa aking ginawa,gumuho ang mga gusaling nakatayo pa, may malalaking bitak at butas ang nagawa kong pagsuntok sa lupa.Sa lakas ng aking ginawa ay napayakap sa akin ang bata,tumayo ako sa pagkaluhod at hinawakan ang kamay nito upang umalis sa lugar.

Napabuntong hininga akong napagmasdan ang kapaligiran,sira lahat ang aming nadadaanan.Maraming patay ang nagkalat at nakahiga sa lupa,matutulis na sibat,palaso at sandata ang nakatarak sa mga katawan.Naging abo din ang iba at nasunog.

Natanaw ng aking mga mata ang kumpol ng mga immortal habang naglalaban,waring walang pakialam kung sino ang kanilang matatamaan.Bakit sila'y ganito?Bakit kailangan pang pumatay upang makapasok sa akademya?

"Araw ng pagpatay po ngayon,Ate"Napatigil ako sa aking ginawa at tingnan ang batang nakaangat ang tingin upang ako'y kanyang titigan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Araw ng pagpatay.Ang araw na malaya kang pumatay upang makapasok ka sa nag iisang sikat na akademya ng Anfreileon,ang Anfreileon Warriors Academy.Batas nila ang kailangang pumatay upang makapasok sa akademya at sampung immortal ang kailangan mong patayin dahil nasa ikalimang gēar na tayo ibig sabihin ay naghahanap na ng bagong estudyante ang akademya."

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon