Chapter 3: Capitol City and the Royal Battle

1.5K 72 1
                                    

Pagdating nila sa Capitol City ay namangha agad si Eathel sa kanyang nakita ibang-iba ito sa Zamoria.Naglalakihan ang mga gusali dito,kumikinang kinang sa sobrang kintab ng metal na ginamit nila.Magaganda din ang mga kasuotan ng mga immortal at mukhang mamahalin talaga.Napaka iba talaga sa Zamoria,malinis,marangya ang nandito.May ibang taga Capitol ang napatigil at tumingin sa kanila at kitang-kita sa kanilang mga mukha na nandidiri ang mga ito.May iba din na nagbubulongan at pasimpleng tumingin sa kanila.Napayuko naman ang taga Zamoria sa ipinakita ng taga Capitol sa kanila.May iba din na nilagpasan lang sila o di kaya di sila pinapansin.Binalewala nalang nila ang mga ito at agad tumungo sa arena ng paligsahan.

"Orla,ganon ba talaga sila?"mahinang tanong ni Eathel kay Orla na ngayon ay nawalan na ng gana.Lumingon naman si Orla sa kaniya habang pilit siya nitong nginitian.

"Alam mo,Isabella?Iisipin ko na talaga na taong-gubat ka ay di pala tao kundi immortal-gubat,ay ang panget naman di bale na nga.Ganyan naman talaga ang buhay Isang,alam mo namang may tatlong klase ang buhay sa Althidon hindi lang sa Althidon kundi sa buong Anfreileon.May Upper Class,Middle Class at Lower Class.Uunahin natin ang Lower Class,Isang which is tayo,naks umi-englisc na naman ako,di bale yun nga mga immortal na alipin,naghahanap ng trabaho at pera para mabuhay.At ang lugar ng mga Lower Class or shoddy ay ang? hulaan mo kung saan dito sa Althidon? Hahahahaha walang iba kundi ang Zamoria City, yehey.Sa Middle Class or the nobles naman ay yung may kaya katulad ng the councilors,servant sa palasyo,mga asawa ng mga kawal,mga pinuno,mga maestro at maestra basta may kaya yun na yun may ranggo sa mundo.At ang huli,Upper Class or the Elites ay ang mga may dugong bughaw,royalties,monarchs,dukes,duchesses,priests,prietesses at iba pa basta mga immortal na nagsusuot ng korona.Kaya ganon yun sila dahil sa Middle Class ang mga yun na bibilang at para sa kanila tayo ay mahihina at pabigat lang sa lipunan.Unfair diba?Pero ano bang magagawa natin ito na ang batas ng mundo natin."Napatango nalang si Eathel sa salaysay ni Orla.Ang unfair nga talaga ng buhay dito kailangang may mataas at may mababa pero hindi naman masama.Dahil hindi maging balanse ang takbo ng buhay ng mga immortal kung walang mababa pa sa kanila.Pinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad kasama ang ibang taga Zamoria nung malapit na sila sa arena ay rinig na rinig nila ang hiyawan ng mga immortal sa loob.Napaangat ng tingin si Eathel sa nakita niya.Napakalaking bulwagan ang bumugad sa kanilang pagpasok at halos lahat ng immortal dito ay nagsitayuan.Napakalawak ng arena hindi niya akalaing ganito kalaki at kalawak ito.Napatingin ulit siya sa himpapawid dahil may imahe ang lumabas dito.Napakunot ang noo niya sa nakita.

"Hala magsisimula na,bilis Isang maghahanap pa tayo ng mauupuan."Hinila siya ni Orla habang nakatingin parin sa imaheng nasa ibabaw.Ano yun?

Nakipagsiksikan sila sa mga immortal wala na silang paki alam kung mga Middle Class ang mga ito.

"Ouch"

"Hey."

"Watch out,slave."

"Shit,my feet."

Yan ang madalas na daing na naririnig nila mula sa mga immortal.Taga Middle Class nga.Nakahanap sila ng lugar subalit malayo sa intablado.

"Okay lang yan Isang,kita mo yang nasa ibabaw?Yung lumulutang na imahe?tawag dyan ay hologram.Gawa yan ng mga councilors galing noh?At mga estudyante ng AWA.Mas okay kung nasa harap tayo para malinaw na makita natin ang Royalties kaso nasa pinakaibabaw tayo ng arena wala tayong magagawa kundi pagtiisan silang makita sa hologram na yan."linta ni Orla habang nagpalinga-linga ng tingin.

'Oo nga naman sa hologram nalang kami manonood ng labanan.'-sabi ni Eathel sa kanyang isipan.At tumingin siya sa hologram.Gusto pa naman niyang makita sa malapitan ang mga ito pero hhaayyy.

"Good day ladies and gentlemen."Pukaw ng isang napakalalim na boses at puno ito ng awturidad kaya'y lahat ng manonood ay napalingon sa hologram.Isang matandang lalaki subalit makikita parin kung gaano ito kakisig,may suot itong sumbrerong kulay itim na hugis tatsulok at may kapa din itong kulay itim.May mahabang balbas at may dalang tungkod.

' wizard ?' tanong ng isip ni Eathel napatitig siya dito habang hinintay ang anumang lalabas sa bibig nito.

"Oh my gosh,its that Master Michaelis?"

"Ohemgeh." Bulong bulungan ng mga immortal sa kanyang unahan.

"Oo nga Isang si Master Michaelis nga."napalingon siya kay Orla dahil tumitili ito di naman marinig ng iba dahil busy din sila sa pakikipagchismisan sa katabi.

"Ahhmm--"

"I'm Master Michaelis from Atreia Continent,one of the council welcoming all of you to enjoy our show which is the Royal Battle.Are you ready,Anfreileonians?"Nagsihiyawan naman ang mga manonood may iba ay nagpalabas ng kapangyarihan at pinasabog sa himpapawid.Napatawa naman ang immortal na nasa hologram pero agad din itong sumeryoso.

"As you can see,we have a lot of shoddy here.I hope you enjoy the show novice and I'm not mistaken this is your favorite part of the activities in our Capitol.Many princes joined this battle so that you have a great day ahead of you to see the attachment of our beloved princes.Maybe they can choose one of you to be able to you as a princess in their palace but I am not sure if you guys are going to be the next Queen.You're a lower class who don't have a power to rule our kingdoms.If I were you starting today you'll stop imagining things that aren't going to happen."

Nagsitawanan lahat ng mga Middle Class at tinuturo-turo sila.Napayuko nalang silang lahat habang ang iba nagsisimula ng umagos ang kanilang mga luha.Bakit ang unfair ng buhay nila?Bakit ganito sila tratuhin?Sinunod naman nila lahat ng mga batas ng Anfreileon di pa ba sapat yun? Kailangan ba talagang ipamukha sa kanila na wala silang kahit kunting katiting lang na mangarap kahit napaimposible?Kakayahan upang ipaglaban ang kanilang karapatan at panindigan?Napakagat ng labi si Eathel habang napahigpit ang kapit nito sa kanyang bistida sa may hita. Gusto niyang ipagtanggol ang mga Lower Class pero sino ba siya para gagawin yun?Isang simpleng babae lang naman siyang naninirahan sa Zamoria wala sa panindigan niya ang gumawa ng ganon.Wala siyang karapatan na sumali sa kanila.Dahil una palang hindi siya taga Anfreileon.

"Okay ka lang,Isang?Pasensiya kana hah,ganito talaga dito.Alam kung taong gubat ka kaya sinasabi ko sayo ito.Lahat ng taga Zamoria-ang ibig kong sabihin ay lahat ng mga may mababang uri ay may limitasyon wala tayong karapatan para makihalubilo sa kanila,wala tayong lugar upang ipaglaban ang mga karapatan natin bilang simpleng mamamayan.Unfair kung unfair,ganito na talaga ang takbo ng buhay natin."Ramdam ni Eathel ang kalungkatan ng kanyang kaibigan kaya agad niya itong niyakap kung may magagawa lang talaga siya,hhaayyss.

"So much for that,and now we will start our show.Ladies and Gentlemen,please welcome our handsome princes and gorgeous princesses of all continents.HAIL FOR THEM."Ma-awturidad na sabi ng Master napatayo lahat ng manonood ng makitang nagsilabasan ang mga makikisig at nagsisigandahang nilalang na nakasuot ng mararangyang damit na may ibat ibang kulay na kapang sumisimbolo sa kanilang kinabibilangang kaharian o kontinente. Makikitang malalakas ang mga ito dahil sa kanilang mga awrura na nakapalibot dito,taas noong naglalakad ang mga prinsesa habang ang mga prinsepe ay seryoso ang mga mukha at diretsong tumungo sa gitna ng intablado.
Nagpalapakan at naghiyawan ang lahat,pagkatapos ay nagsiyukuan.
 
"Head up,Anfreileonians."at doon nakita ni Eathel ang mga prinsepe at prinsesa sa hologram habang nakasuot ang mga ito ng kabuti at kapa.Maikukumpara ito sa mga kalahi niya dahil sa taglay nitong ganda at kasisigan,napailing siya sa kanyang naisip at lumingon kay Orla.Nakatulala itong nakatitig sa hologram na may ngiti sa labi.Napangiti na din siya sa nasaksihan niya at tumingin ulit sa hologram.Nagsiupuan sila habang nakikinig sa mga sinabi ng master.

"Before we start let me introduce to all of you our Royalties."

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon