Chapter 16: Lady Orla

1K 61 0
                                    


Mga ibong sumasabay sa amin sa paglipad,ulap na may ibat ibang hugis,hanging sumasayaw na kay sarap namnamin at sa lupa'y kita ang mga kabahayan at ibat ibang nilalang habang nakasakay sa tangkay ng walis.

Hindi lang kami ang nasa himpapawid,meron ding mga mangkukulam,taong may paru-parong pakpak,taong-ibon,immortal na sakay ng pegasus at marami pa.Iisa lang ang daang tutunguhan,ang Centro o Capitol City.Babalik na naman ako dun,hindi nga lang dahil sa Royal Battle kundi pagpupulong ang dahilan upang kami ay pupunta.

"Tingnan mo,darling.Yumuko ka sa ibaba,ang ganda noh?Kahit ilang beses ko ng nasilayan ang ganda ng Elementum Kingdom,hindi pa rin nagsasawa ang mga mata ko sa ganda nito,hhaayy."

Tama siya,ang mga nakatayog na bahay gawa ng makintab na bakal,mga puno at bulaklak sa tabi ng daan,mga tulay nakakunekta sa ibang bayan habang may malinaw na tubig at nagsisiyahang mga sirena,mga immortal na may kanya-kanyang ginagawa at nag-iinsayo,mga bundok na may bahaghari't nagliliparang unicorn at pegasus,at ang palasyo ng Elementum na nagniningning dahil sa gawa ng mga dyamante at kristal habang may kulay bahaghari papuntang kalangitan,mga bandilang sumisimbolo sa kanilang kapangyarihan sa tutok ng tore, sumasayaw sa hangin at may malaking tarangkahan habang may mga tore sa magkabilang gilid.

Ang ganda ng kanilang kaharian paano pa kaya sa makaratig kaharian at kontinente?Gusto ko tuloy libutin ang mundo ng Anfreileon.

"Nandito na tayo,yohoo."

Lumiko muna si Nestle bago niya ibinaba ang direksiyon ng tangkay ng walis ng matulin.Ako'y napangiwi sa kanyang paraan kung paano bumaba.Gagayahin ko ba siya?Di bale na.

Ginaya ko siya ngunit pagdating ko sa lupa ay ako'y nahilo.Umapak ako ng dahan-dahan sa lupa at hinawakan ang tangkay ng walis habang nakalutang pa din.Ginaya ulit si Nestle kung paano ilaho ang tangkay ng walis.Pumitik sa harap at ito nga'y naglaho kasabay ang makapal na alikabok kulay asul na pinaglahong itim.

"Wow,ang galing mo na,darling."

"Darling?Kagabi pa yan,Nestle."Kunot noo kong tanong dito.Tumawa naman ito sa akin at ako'y inakbayan,naglakad kagaya ng aming nasabayang mga ibang nilalang.

"Ano ka ba,Darling? Endearment tawag dyan,Isabella,Darling.Hehehehehe"Napailing na lang ako sa kanya.

"Don't cha worry,tuturuan kita ng englisc.Excited na ako,hehehehe."Englisc?Oo nga pala,bahagi na ako ng Middle Class simula nung ako'y binigyan ng kwintas,bumuntong hininga nalang ako.

"Bago tayo pupunta sa arena,pupunta muna tayo sa bulletin board."

Pumunta nga kami don.Pagdating namin ay maraming nagsiksikang mga immortal kahit ganon ay sumulong parin si Nestle habang ako'y kanyang hila.Pagdating namin sa pisara ay maraming nakasalampak na ibat ibang papel.Nagsimulang mag hanap si Nestle kaya ako'y napatulala.

Ang dami nito at ano ang kanyang hinahanap?

Hindi sinasadyang napa-angat ang aking tingin at doon ko nabasa kung ano ang nasa mga papel.

' Name of the Passes '

' Welcome to AWA,new born WARRIORS '

Ako'y napanganga sa aking nabasa.Ito ang nakapasa?Ang dami nila.Napatingin ako kay Nestle,nasa dulo na ito ng pisara at ganon parin may hinahanap.

Paano ba ako makakapunta sa kanya?Ang daming immortal,baka magagalit sila kapag ako'y dadaan.

Bumuntong hininga ako at sumulong sa mga immortal nasa unahan kagaya namin,narinig ko pa ang ibang nagrereklamo.Humingi nalang ako ng paumanhin sa kanila hanggang sa makarating ako kay Nestle na laglag ang mga balikat.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon