Chapter 26: Landas

957 52 0
                                    


Kasalukuyan kaming naghahanda sa anumang panganib na paparating kung meron man. Sa paraan pa lamang ng kanyang pagtitig, alam kong may mangyaring hindi kanais-nais.Walang bakas na emosiyon ang mga mata kong nakatitig parin sa kanya.Hindi ininda ang kabang kanina ko pa nararamdaman.

'Anong ginawa niya?Anong hinintay niya?Hindi ba niya kami aatakihin?'

Tila'y napahinto ang nag-aawitang mga ibon at nagsisiyahang diwata sa bawat sulok ng kagubatan ng maramdaman ang tensiyon ng dalawang panig.Daplis ng hangin na may kasamang babala at lamig nito'y maiwawangis sa isang mabangis na nilalang habang naghihintay ng malalapaan.Mga espandang nagmula sa kanilang mga kamay,tila kami ay nilulunod ng kanilang salamangkang ginamit.Mga espandang nakatutok sa amin waring hinintay kung anong hakbang na aming gagawin.Mga matang matatalim kung tumingin,mga mukhang walang bakas na emosiyon at mga bibig nitong nakatikom kahit alam kung maraming tanong.

Ang kagubatan ng Utopia ay tila na pahinto at ang mata ng mga puno'y napatitig sa amin.Nakiramdam kung ano ang susunod na hakbang ng mga immortal habang hawak ang espanda.

Ang maharlikang umakyat sa puno'y nasa harapan ngunit nakapamulsa lamang habang kami ay kanyang tinitigan gamit ang mga matang mapanuri.Ang kabang kanina ko pa naramdaman ngayon ay waring hinabol ng mababangis na nilalang.Pigil hininga akong napatayo ng tuwid kahit ang mga tuhod ay nanginginig.Ramdam kong ganon din ang aking katabi subalit tila walang pakialam.

Ilang minuto kong tinitigan ang kanilang mga espandang nakatutok sa aming leeg habang ang mga kamay ay mahigpit ang hawak dito.Nakuha pang magtaray ang mga dilag at ang iba ay marahang nakatagilid ang mga ulong nakatitig sa amin.

"What the hell are doing here,ladies?"Mariin na tanong nito.

Nangangatal ang aking labi upang ibuka.Nagdadalawang isip kung sasabihin ba ang aming pakay kung bakit kami nandito.Ngunit sa kisap-mata'y tumilapon ang isa dulot ng aking pag-sipa.Nanlaking mga matang  napatingin sa akin ang iba kaya'y mabilis akong tumalon paitaas upang makalaya sa kanila.Yakap ang hangin,mabilis akong nakapunta sa ibang bahagi.

Napapikit akong umapak sa lupa kasabay nito ang aking pagdilat na kung saan ay bumugad sa aking mga mata ang pagsasagupaang sandata nina Nestle.Sila'y nasa tinatayuan parin namin kanina at kita kong nahihirapan ang aking kaibigan kung paano siya makakatakas sa mga kamay ng mga maharlikang immortal.Mabilis kong inilabas ang aking punyal nakatago sa aking buta.Marahan akong napabuntong hininga habang ito'y aking tinitigan ng mariin.Ito lamang ang aking sandata.

Taas noo kong itinapon ito sa kanilang banda.Lumipad ang isang espanda ng matamaan ng aking punyal ang kamay ng nagmamay-ari nito.Dahil dito'y napalingon ang iba sa akin.Napaatras akong makita ang nakakatakot na tinging pinako nila sa akin.Narinig ko pang napamura ang lalaking nasipa ko kanina ganun din ang babaeng nahagisan ko ng punyal.

Itinaas ko ang aking kamay upang tawagin ang aking punyal nang aking makitang paparating sa aking kinaruruonan ang ibang maharlika.Kasabay ng pagtapon ng kanilang mga sandata,mahigpit kong hinawakan ang punyal na dumaop sa aking kamay.Mabilis akong umikot upang iwasan ang sandata na ngayon ay dumaan sa aking mukha.Ngunit sa aking pagharap,isang sandatang lumilipad sa ere patungo sa akin.Nanlaki ang aking mga matang napatingin dito.Napataas ang aking kamay na kung saan ang aking punyal at agad ko itong iniwasiwas dahilan upang ang sandata ay mapatirik sa katawan ng puno.

Ngunit sa isang iglap ay tumama ako sa katawan ng puno dulot ng pag-sipa ng isang maharlika sa aking likuran.Nabitawan ng aking kamay ang punyal at agad itong nawala sa aking mga mata.Napadaing ako sa sobrang sakit ng tumama ang aking tiyan dito.Napapikit akong pinakinggan ang samot-saring daing ng mga maharlika sa aking paligid.

"Tangina,ang sakit ng likod ko sa ginawa niya.Buti nalang sinipa ni Kamahalan akala ko pa naman panunuorin lang niya tayo."

"Buti nga."

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon