Chapter 22: Huling araw (Nestle)

966 59 0
                                    

Lumipas ang mga araw, ngayon ay ang huling labanang magaganap.Sa loob ng mga araw na lumisan,marami akong nasaksihang maganda at mahusay na labanan.Mga nilalang na hindi ko lubos akalaing may ibubuga pala ang mga ito.Ipinakita nila kung gaano sila kagaling at bihasa sa paggamit ng abilidad at kapangyarihan,hindi lang yun kundi pati rin sa paghawak ng mga ibat ibang klase ng sandata.Kahanga-hanga subalit akala ko'y ordinaryong immortal lang ngunit hindi pala.

Mula sa aking inuupuan,katabi si Nestle na tahimik lang habang nanonood ng labanan sa intablado.Tinig mula sa nagsagupaang sandata,pagsabog na kanilang nilikha,kapangyarihan at abilidad na pinalabas,mga salitang binitawan sa isat-isa at hiyawan galing sa kontinenteng kanilang kinabibilangan.Dalawang magkaibang kontinente ang siyang naglalaban at nagpapakitang gilas hindi lang sa manonood at kasali kundi sa tagapagpasiyang nasa kanilang upuan na lumulutang.Sa loob din ng ilang araw,hindi pa rin kami tinawag at ako'y nababahala baka hindi kami nasali ngunit bakit naman hindi?Nakita ng aking mga mata ang aking ngalan gawa sa itim na tenta hawak ng prinsepe? Baka'y maya-maya ay tatawagin na ako pati si Nestle.

Natapos ang kanilang labanan,nag wagi ang sirena laban sa fairy at parehas silang nagpalit ng anyo.Ang sirena ay nakaupo sa lumulutang na tubig habang may nakapalibot sa kanyang mga braso na tubig at perlas.Ito'y nakatingin sa immortal na may pakpak nakahandusay sa sahig ng intablado habang sinubukan nitong ipagaspas ang mga pakpak ngunit hindi na kaya ng kanyang katawan sa malaking pinsala dulot ng sirena.Mabilis lumapit ang mga mang-gagamot na mula sa kontinente ng Atreia at kaharian ng Agua.Tinulungan nilang tumayo ang fairy gamit ang tubig at wand na kanilang mga hawak.Pagkatapos nila itong ginawa,nagpalit ng anyo ang sirena,nawala ang kanyang buntot at ito'y bumaba sa sahig ng intablado habang siya'y pinalibutan ng tubig at perlas.Nang ito'y nawala,napalitan ng magandang kasuotan,may palamuting perlas at kaliskis,ito'y yumuko sa madla. Naghiyawan naman ang mga immortal,nangingibabaw ang mga sirena at sirenong nanonood o kasali sa labanan.

Ako'y napangiti't pumalakpak ng mabini ganon din ang aking katabi ngunit may kasamang hiyaw.Umalis ang sirena sa intablado at pumalit ang tagapagkilala kung sino ang susunod na lalaban.Ako'y napaayos ng upo gayun din si Nestle parehas naming inayos ang sumbrerong suot at inayos ko din ang aking salamin,pinakinggan ng mabuti ang tagapagsalita at ganun din ang mga immortal na sabik na sabik kung sino ang susunod na lalaban.

"Astrid Mallan from Pyros Kingdom."

Pagkasabi ng tagapagsalita'y isang babaeng may kulay dalandan ang naglalakad tungo sa intablado,suot nito'y maong hanggang ibabaw ng kalahati ng hita,damit nitong hapit sa katawan kulay pula habang nakalantad nito ang puson, sapin nito sa paa'y may mataas na takong at may ningunguya nito sa bibig.Nagsihiyawan ang mga Pyrosian ng ito'y nakaapak na sa intablado habang nakahawak sa bewang.Mukha nitong mataray,mga matang inilibot sa madla,nakataas ang gilid ng labi at ito'y tumawa pagkatapos.Ako'y napakagat labi sa kanyang ipinakitang ugali.

"vs.

Nestlecia Olga Westbrook from Atreia Continent."

Napalingon ako sa aking katabing waring natigilan sa kanyang narinig.Hinawakan ko ang kanyang balikat,lumingon naman ito sa akin gamit ang kanyang mga matang nanlalaki at nakabuka ang bibig.

"A-Ako na,darling."Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.Humugot siya ng hininga at lumingon sa intabladong may isang babaeng naghihintay sa kanya.Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at tumitig sa kanyang mga matang alam kong may kaba.

"Kaya mo to Nestle,malakas ka."Pagpalakas ko ng kanyang loob ngumiti ito at tumango. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya ako'y napatulala sa harap niya.Tumayo ito,taas noong tumungo sa intablado habang inayos ang sumbrero at buhok nitong mahaba na may kulot sa dulo.Napakurap-kurap akong napuno ng hiyawan ang arenang magkaharap ang dalawa sa gitna ng intablado.May malawak na ngiti ang nakasalpak sa mukha ni Astrid habang tinitigan si Nestle mula ulo hanggang paa.Napatingin ako kay Nestle,seryoso ang mukha nitong nakatingin sa isang Pyrosian,binalewala nito ang ibang klase ng titig na pinukol dito sa kanya.

Nang humudyat ang tagapagsalita upang simulan ang laban ay nakiramdaman sila sa isat-isa.Hinintay kung sino ang unang susugod sa kanilang dalawa subalit sa dulo ay nagpalabas ng maraming bolang apoy ang kalaban ni Nestle at ito'y itinira papunta sa kanyang kinaruruonan.Siya'y umatras,ipinilabas ang wand sa kaliwang kamay,ito'y itinutok sa mga bolang apoy na papalapit sa kanya't bumigkas.Tumigil sa ere ang mga bola,nagsimulang maglaho at pumalit ang kulay asul na alikabok papunta sa kalaban.Mabilis kumilos ang kalaban upang makagawa ng harang sa harapan gawa ng manipis na apoy kasabay ng kanyang paglikha ng harang,silang dalawa'y pinalibutan ng apoy at ito'y lumaki ng lumaki dahilan upang mapaluhod si Nestle.

Ako'y napatayo sa aking kinauupuan at tumingin sa kanya gamit ang aking mga matang nag-aalala. Hindi ko siya lubos makita sapagkat ang kapal ng apoy na ginamit ng kanyang kalaban halos sila ay kinain na dito.Nagsihiyawan lahat ng immortal sa kanilang nasaksihang labanan,may ibang nagpalabas ng kapangyarihan at ito'y pinasabog sa ere. Nababahala naman ang taga Atreia kung ano ang mangyari sa kanilang ka-angkan,nasisiyahan naman ang Pyrosian lalong lalo na ang kanilang Prinsepe napatayo pa ito sa kanyang upuan habang may malawak na ngiti sa labi sa mukha.

Ngunit ito'y nawala,natahimik ang lahat lalong lalo na ang Pyrosian,pumalit ang taga-Atreia nang makita nilang naging yelo ang apoy na pumapalibot sa kanilang dalawa. Sa pagbasag nito'y tumayo ng maayos ang aking kaibigan,tinitigan ang babaeng may kulay-dalandang buhok habang mukha nito'y galit na galit sa kahihiyan.Itinaas niya ang kanyang wand sa ere't itinutok sa langit,lumabas ang kulay asul na alikabok papuntang langit at matuling bumalik sa kanilang kinaruruonan.Ito'y sumabog,naglikha ng makapal na usok,nang ito'y naglaho napalitan ng nyebeng sila lang ang pinaulanan.

Apoy laban sa Nyebe

Nagsisimula na ang totoong labanan.

Gumawa agad ng ibong apoy ang kanyang kalaban,lumipad ito sa ere't matuling tumungo sa kinaruruonan ni Nestle.Umayos siya ng tayo at hinintay ang ibong  lumilipad papalit sa kanya.Nang ito'y malapit na sa kanya'y inilabas ang isang ahas gawa ng nyebe gamit ang hawak niyang wand.Ang dalawa'y naglalaban habang bumubuga ng apoy at yelo sa mga bibig,ang dalawang nagmamayari ay nagbabatuhan din ng kapangyarihan at sila'y lumipad sa ere.Doon nila ipinagpatuloy ang labanan,gamit ang walis ni Nestle nahabol niya ang kanyang kalabanan na may pakpak gawa ng apoy.Malaking pagsabog ang naganap sa intablado kung saan ang dalawang nikha'y unti-unting naglaho.Huni ng napakalakas ang ibon nang ito'y nakagat ng ahas sa leeg at ito'y naging yelo bago sila naglaho ng sabay.Ito'y napansin ni Nestle kaya'y napatigil siya sa paggawa ng malaking pwersa upang patamaan ang kalaban ngunit bago siya nitong ilamon ng malaking apoy,nakagawa agad siya ng bilog na harang at siya'y nasa loob nito.

Pigil hininga ang aking nagawa sa aking nasaksihang labanan,hindi ko alam kung sila ba'y magpatayan?Malaking pwersa at napakadelikado ang kanilang ginawa.Ako'y napa-angat ng tingin ng nagpalit ng kasuotan ang may apoy na kapangyarihan,may baluting kulay dalandan itong suot at sa kabila nitong kamay may hawak itong nagliliyab na sandata.Ang kanyang mga mata'y nagliliyab ganon din ang kanyang buhok.Sa kanyang tinatayuan,may bakas na apoy pumupulupot sa kanyang buta hanggang hita.

Nakakamangha,nakakamangha ang kanyang pinapakitang taglay na kapangyarihan at anyo.Hindi ko mawaring malalakas sila subalit nabibilang lang ang mga ito sa middle class.Mula sa tinatayuan ng aking naging matalik na kaibigan muli niyang itinaas sa kalangitan ang kanyang hawak na wand.

Humangin ng malakas,muling bumalot ang kadiliman at kumulog kasabay ang nakakapangilabot na mga kidlat. Ako'y napahawak sa aking sumbrerong halos tangayin na ng hangin.Napaangat ng tingin at tinitigan ang babaeng pinalibutan ng kulay kalangitan.Kasabay ng pagtaas nito tungong langit at matuling bumaba,nakita kong gumawa ng napakalakas na pwersa ang kanyang kalaban.

Mabilis kumilos ang may apoy na kapangyarihan habang hawak nito ang nagliliyab na sandata patungo ni Nestle.Itinaas ang wand na kanyang hawak na kung saan ang kulay kalangitan na kapangyarihan at ito'y kanyang itunuro tungo sa immortal na apoy ang kapangyarihan.Kasabay ng pag sanipwresa ng kanilang kapangyarihan,malakas na pagsabog ang naganap. Makapal na usok at unti-unting bumalot ang liwanag sa kapaligiran.Nang mawala ang makapal na usok mula sa dalawang naglalaban,ako'y napaayos ng tayo sa aking nakita.Mga mata'y hindi makapaniwala at namamangha.

"It's a tie."

Nagising ako sa aking malalim na pag-iisip ng aking marinig ang boses mula sa taga pagsalita.Muling tumingin sa intablado na kung saan ang dalawa'y parehas naka tayo habang habol-habol ang kanilang hininga.Muling bumalik ang tunay na wangis ang may apoy na kapangyarihan kahit marami itong sugat sa katawan at ganun din si Nestle.Tumayo siya ng matuwid at inayos ang kanyang butas na sumbrero sa kanyang ulo.Ako'y nabigla ng ito'y lumingon sa akin habang may ngiti sa labi kaya'y napangiti na rin ako't pumalakpak.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon