Chapter 19: Training and New Zamoria

950 56 0
                                    


Malawak na lugar,nakatirik ang araw at mga huni ng ibong lumilipad,hawak ko ang aking biniling wand habang may dalawang kilometrong distansiya mula kay Nestle.Katulad ko ring may hawak na wand,naghahangos,nakahawak sa tuhod at tinitigan ako ng masama. Ako'y napangiwi at tumayo sa lupa.

"Grabeh,wala ka talagang patawad,darling.Pero,wow believe na talaga ako sayo.Hahaha."Umayos siya ng tayo at nagsimula na namang bumabaybay.

"Levity."

Sa kanyang pagbigkas,lumutang ang mga bato sa lupa at ito'y binato papunta sa aking direksiyon.Ako'y napaatras,itinaas ang aking wand at ito'y itinutok sa mga batong lumulutang at bumigkas.Kasabay ng aking pagbigkas,lumabas ang alikabok na kulay asul papunta sa mga bato at ito'y sumabog.

"Bombus."

"Largus pertusiare."Balik niya sa akin.

Sa aking tinatayuan may nag hugis bilog na alikabok at unti-unting nabibiyak ang lupang aking inaapakan.Nanlaki ang aking mga matang tumingin kay Nestle habang ito'y kumakaway sa akin.Sa isang iglap,ako'y nahulog sa butas ngunit agad kong itinaas ang aking kaliwang  kamay waring tinawag ang tangkay ng walis sa labas ng butas.Bago ako mapunta sa kinailaliman,hawak na ng aking kamay ang tangkay ng walis,mahigpit ko itong hinawakan kasabay ang aking pag-angkas at lumipad paitaas sa butas.

Nang ako'y nakalabas sa butas,ako'y dumeritso sa himpapawid sa aking pagdating,ako'y  tumigil ng isang segundo na waring huminto  ang ikot ng mundo at ang hangin,pumikit ako't pagkatapos umikot ere at matuling bumaba.Nang aking nakita ang maliit na pigura ni Nestle sa lupa,hinawakan ko ng mahigpit ang wand sa aking harap at muling pumikit,hangin na waring galit na humahampas sa aking mukha ang aking naramdaman.Sa aking pagdilat ay unti-unting lumalaki ang pigura ni Nestle habang ito'y nakatayo at naghanda kung ano ang aking gagawin.Mabilis kung itinutok sa kanya ang aking wand at bumigkas.Nakita ko pang itinutok din sa akin ang kanyang wand at nagpalabas ng kapangyarihan ngunit ito'y naunahan ng aking alikabok.

Sa aking pag-iba ng lipad palayo sa kanya,malakas na pagsabog ang naganap.Nagsiliparan ang mga ibong dumapo sa punong malapit sa amin at makapal na alikabok ang kumalat sa buong kapaligiran.Ako'y napahinto dahil sa kapal nito,nilingon si Nestle sa kanyang tinatayuan ngunit hindi ko ito makita.Iniwasiwas ang aking isang kamay sa ere upang mawala sa aking harapan ang alikabok.Nang ito'y unti-unting naglaho na,napahanga akong nakita si Nestle sa kalayuan habang ito'y nasa loob ng barrier,hawak ng isang niyang kamay ang lupa at ito'y  nakayuko habang nakataas ang isa niyang kamay na may hawak na wand kung saan ay nagpalabas ng alikabok at siya'y palibutan.Sa kanyang tinatayuan ay malaking bitak ang nangyari.Humingal-hingal siya at napa-angat ng tingin sa akin, ibinaba ang kanyang wand kasabay nito ang unti-unting paglaho ng barrier na gawa sa alikabok na pumapalibot sa kanya at siya'y napaupo sa lupa.

Dali-dali akong tumungo sa kanyang kinaruruonan habang sakay sa tangkay ng walis.Sa aking pagdating,bumaba ako sa lupa at siya'y aking nilapitan.Hinawakan ang kanyang balikat at ako'y lumuhod sa kanyang harapan upang siya'y mapantayan.Sinusuri ang kanyang katawan at mukha baka may sugat o di kaya'y may malaking pinsala akong nagawa.

"Ayos ka lang?"Tanong ko dito,tumingin naman ito sa akin at biglang tumawa.Napatulala naman ako sa kanyang harapan at siya'y tinitigan.

"Hahahaha.. Gosh,muntik na ako dun,ah.Pero grabeh,sumakit katawan ko dun sa moves mo,darling.Turuan mo nga ako dun?"Inalalayan ko siyang tumayo at siya'y aking pinagaling gamit ang wand.

"Mas mukhang witch ka pa sa akin ah,andami mo ng alam."

"Ayos ka na?"

"Oo,ayos na.Thanks."Sabay kaming umalis sa bitak.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon