Chapter 20: Duel Battle

996 59 0
                                    


Sumbrerong matulis na kung tawagin ay witch hat,nakalugay ang mahabang itim na buhok,hapit na damit kulay dark blue kita ang puson habang may kwelyo,paldang hanggang kalahati ng hita na may sinturon,boots na may takong at malaking salamin sa mga mata,ito ang aking nakikita sa aking kaharap na hugis-itlog na salamin.

Ito na ang unang araw ng Duel Battle para sa mga immortal at mga nilalang na nais makapasok sa Akademya.Sa arena parin ng Centro gaganapin habang ang mga Royalties ang tagapagpasiya kung sino ang aming makakalalaban at manalo.

Bumuntong hininga ako at inayos ang aking salamin sa mata.Panibagong araw upang makisalamuha sa iba,panibagong yugto sa aking buhay at sana'y hindi ko ito pagsisihan kapag ako man ay mananalo't makapasok sa akademya.Ako'y napangiti bigla ng makita ang imahe sa salamin ang nangyari kahapon,isang babaeng may limang tanda sa amin at isang batang nagyayakapan.

Ang ina niya at si Yvonne.

Iniwaksi ko ito sa aking isipan at lumabas sa kwarto.Masaya ako sa kanilang dalawa dahil magkasama na sila.

Pagdating namin sa Centro,ang dami agad ng mga immortal at nilalang sa paligid.Kanya-kanyang handa para sa labanang magaganap sa loob ng arena.May nakita din akong kumpol ng mga mangkukulam habang ito'y may dala-dalang broomsticks at libro.May nakita din akong taga-Alvarie,Atlanta,Belanor,Caelestia,Faerydae at iba pang kaharian ng Althidon.Halos kaedad namin ay nandidito.

"Tara na darling,kailangan pa nating pumila para malista yung name natin,dali."Mabilis akong hinila at tumakbo sa linyang napakahaba.Hindi ko lubos maisip na marami pala talaga ang sasali higit pa ito sa aking inaasahan.Magkabilaan ang linya at pumwesto kami sa hanay na nabawasan bago kami maunahan ng iba,napaayos ako ng sumbrero nang biglang lumakas ang hangin sa aming pwesto.

"Gosh,madaling araw pala sana tayo pumunta dito edi sana makapila agad,naku naman tirik na tirik pa ang araw."Maktol ni Nestle sa aking unahan.Napatawa naman ako at luminga sa paligid,marami palang nagkalat na kawal,may ibat ibang simbolong nakaguhit sa kanilang kapa.Mukhang karatig kontinente ang iba dito,planado nga talaga ang labanan.

Napabaling ako sa harap dahil mabilis umusad ang linya,kaming dalawa ay nasa kalahati na galing sa unahan.Sumilip ako sa unahan ngunit malayo pa ito sa aming pwesto kaya'y hindi ko makita kung sino ang nasa mesa na aming hanay.Itinuon ko nalang ng pansin ang paligid upang maaliw.

Impit na mga boses ang nagkuha ng aking atensiyon sa unahan at doon ko nalamang malapit na pala kami sa mesa na kung saan ang taga sulat ng aming mga pangalan.Binalewala ko na lang at itinuon ulit sa paligid, nakakaaliw kasi sila panuurin.

Ngunit malamig na boses ang nagpalingon sa akin sa harapan,naiwan sa ere ang aking ngiti nang aking makilala kung kanino ng galing ang malamig na boses.Magulong kulay itim na buhok,puting polong nakatupi hanggang siko habang nakabukas ang dalawang batones at nakatingin sa papel na kanyang hawak.

"What's your name?"Ulit niya gamit ang kanyang naiiritang boses,napakagat ako ng labi sa kanyang boses na ginamit at napaatras ng isang hakbang nang inangat nito ang kanyang tingin,impit namang tumili ang mga kababaihang nasa aking likuran.Nagkasalubong ang mga kilay nito habang sumalubong sa'kin ang napakaitim niyang mga mata na matiim na nakatitig sa akin.Napalunok ako at napaayos ng tayo,inayos muna ang salamin sa aking mga mata at yumuko sa kanya bago magsalita.

"Claudia,Claudia Lockhart."Umilaw naman ang hawak niyang papel sa aking pagbigkas,doon ko nakita ang aking pangalang gawa sa kulay itim na tinta.Pinatong ang siko ng prinsepe sa mesa at mga daliri nito'y ginalaw waring ako'y kanyang pinaalis na sa kanyang harapan.Bago ako umalis ay iniyuko ang aking ulo sa kanya at mabilis lumisan sa kanyang harapan.Napabuntong hininga akong lumapit kay Nestle na naghihintay sa akin.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon