Chapter 35: Dean Office

1.1K 69 35
                                    


Lahat kami ay nakayuko sa harap ng aming punong maestrado.Ako'y kinakabahan ng sobra sapagkat ito ang unang pagkakataon na ako'y tinawag kasama ang tatlo kong naging kaibigan.Na baka kami ay maparusahan sa aming ginawa subalit hindi kami ang nagsimula.Kung sabagay anong laban namin? Ako ay nabibilang lamang sa mababang seksiyon habang ang tatlo'y sa Section-Crystal.

Ang apat na naging kalaban namin ay nakaupo lamang sa katapat namin at tahimik lamang.Lihim nila akong iniikotan ng kanilang mga mata at itinataas ang kanilang kaliwang bahagi ng kilay.Ganyan ba talaga kainit ang kanilang pakiramdam sakin?Ano ba ang aking ginawa upang magalit sila sakin ng sobra?

"So?I called you because not only that you have done lately,hhhmm maybe slight.I called you because Miss Lockhart and behalf of your friends,I'll sent the four of you in a mission while the four of you coming from Section-Diamond I have a task for you,ladies.And now,you may go out first and I'll call you again later.This is your punishment after what you have done to our field.You almost destroyed the half of our field, ladies."seryoso niyang sambit habang ang mga mata ay nasa amin nakatuon.Ako'y napayuko ng bahagya sa paraan ng kanyang pagtitig tila ba'y kami ay kanyang pinarusahan gamit ang mga mata.

Sa paglabas ng apat ang siyang mas naging seryoso ang mukha ng Punong Maestrado ikukumpra kanina.Kami ay napaayos ng upo at magalang na tumingin sa kanya.Naghintay kung anuman ang kanyang sasabihin samin.

Sa kanyang pagbuntong hininga at pag-ayos ng kanyang suot na salamin ay ang pagbigkas ng mga katagang nagpakunot ng palihim sa aking noo.

"Kailangan niyong pumunta sa katimogan ng Alvarie Continent  upang hanapin ang lila na bulaklak.Matatagpuan ito sa gitna ng kagubatan.Ito ang ibibigay kung misyon sa inyo."seryoso niyang turan.

Ako naman ay nagtataka parin.Anong nangyari?Bakit kailangan niya kaming bigyan ng misyon?

"Though to my respect,headmaster.Bakit kailangan niyo po kaming bigyan ng misyon?We are from lowest section."

Ang tanong na kanina pa sa aking isipan ay nabigyan ng tinig ni Tamara.Tama naman dahil mula kami sa mababang seksiyon lalong-lalo na ako.Kung mula sina Nestle sa Section-Crystal,ako naman ay sa Section-Bronze.Ang pinakamababa.

"I know,ladies.But like what I said,this is your punishment.And if you succeed,you will get to the upper section which is the Diamond or Silver especially you,Miss Lochart.You belong to the Section-Bronze,Am I right?"

Ang mga mata niya ay nakatuon lamang sakin habang binibigkas ang kahulihang tanong.Bahagya akong tumango at tipid na ngumiti.

"So ladies.Start to pack your important things and wait me in the gate around Corona Australis appear.You may go now,ladies."

Sabay kaming tumayo at yumuko sa kanya bago lumabas ng kanyang opisina.Tahimik lang kaming binaybay ang mahabang pasilyo papunta sa aming dormitoryo.Palaisipan parin kung bakit kailangan naming pumasok sa isang misyon.Oo't parusa nga ito ngunit bakit sa paghahanap ng lila na bulaklak ang aming misyon?Sa aking kaalaman madalang ang bulaklak na 'to.

"Wait lang guys.Anong name ng flower na hahanapin natin?"biglang tanong ni Tamara.

"Oo nga."segunda ni Nestle.

Tama silang dalawa.Ang alam lang namin ay ang kulay ng bulaklak.

"Verbena bonariensis.The only flower that's have a purple color."turan ni Cynthia.

Verbena bonariensis?Anong uri ito ng bulaklak?Ngayon ko lamang ito narinig mula noon ako'y umapak sa mundong 'to.

"Osha,kita-kita nalang tayo mamaya sa gate.Corona Australis,don't forget the time when the Corona Australis appear."paaala ni Tamara at pumasok sa kanilang dormitoryo.

Ako'y bahagyang napahinto nang humarap sakin si Nestle gamit ang kanyang seryosong mukha.Unang naglakad si Cynthia papunta sa aming dormitoryo.Hinayaan niya kaming maiwang dalawa.

Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil sa kanyang pinapakitang expresisyon.Bakit may problema ba?May bumabagabag ba sa kanya?

"Punta tayo sa Aurulentus Coelus Gardenia."sambit niya.

Ako'y napatango at sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa harden na kanyang sinabi ay agad kaming lumapit sa isang puno at sa ilalim nito'y doon kami umupo.Malaya naming tinitigan ang buong kagandahan ng harden kung saan punong-puno ng mga ibat-ibang klase ng bulaklak at hindi ordinaryong mga halaman.May mga maliliit na nilalang na malayang lumilipad at nagtatakbuhan sa malawak na kapatagan ng harden.

"Matagal-tagal narin hindi tayo nagkasama ng tayong dalawa lamang."basag ni Nestle sa katahimikang bumabalot naming dalawa.

Tama siya.Sa loob ng isa't kalatahing buwan ngayon ulit kami nagkasama na kami lang dalawa.Masyado kaming naging tutok sa aming mga ginagawa at aralin.Pag-iinsayo at iba pang gawain ng isang estudyante.

"Tama ka."mahina kong sabi.

"Head master sent us on a mission.Ayos lang sayo?"tanong nito sakin.Ako'y napalingon sa kanya at tipid ngumiti.Inayos ko ang aking suot na salamin at muling tinanaw ang mga maliliit na nilalang.

"Oo naman.Makakapunta na ako sa Alvarie Continent."

"Sabagay.Teka!Yung si kamahalan nakilala ka ba niya or nagkasalubong ulit kayo?"

Kumunot ng bahagya ang aking noo sa kanyang tanong.Bakit naman ako makilala ng kamahalan at magkasalubong ang aming landas?

"Huh?Bakit mo naitanong yan sa'kin?"

Umiwas ako ng tingin ng siya'y tumingin sakin at tinaas ang kanyang kaliwang kilay habang may ibang kislap ang kanyang mga mata.Hindi ko mawari kung ano ito.Sinawalang bahala ko nalang ang parte na iyun.

"Wala lang.Simula nung nasa Kontinente ng Faerydae tayo,hindi nawala sa isipan ko ang nangyari sayo.Lalo na yung paraan ng pagsakal niya sayo at yung-teka nga,bakit ka nga pala umiyak nun?Parang iba eh.You cried not for what happened but something had deep meaning."intriga niyang sambit sakin.

Napailing-iling ako sa kanyang tanong.

"Wala lang yun."

"Anong wala?Hhmmpp.Sige na nga di na kita guguluhin but I'll figure it out of my own.Watch and see."natatawa niyang sabi sakin.Napangiti nalang ako sa kanyang kakulitan.Hindi parin siya nagbago.Kalog parin.

"Nestle."sambit ko sa pangalan niya.

"Hhmm?"

"May alam ka ba kung bakit magkaiba ang kulay ng mga mata ng kamahalan?"

____

I'm sorry if  it takes too long I updated this story.Thank you for reading my stories by the way and voting, commenting and following.💙

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon