Chapter 17: Falcon

1K 64 0
                                    


Kaharap namin ang isang pagkainang dinadagsa ng mga immortal at ibang nilalang.Sa tutok nito'y may nakaukit na mga letrang gawa sa dahon at sanga.Mga baging na may dahon at bulaklak ang nakapalibot sa bubong.

' Alfr Restaurare '

Pagmamayari ng mga Elf ang pagkainan.Sumunod ako kay Nestle papasok,sa aming pagpasok ay halos puno ang upuan at mesa.Inilibot ko ang aking paningin sa mga baging nakabitin sa kisame,may ibat ibang bulaklak ito habang nagliliparan ang mga makukulay na paru-paro.Sa gitna ng pagkainan,may punong pinaikutan ng mga maliit na nilalang na may pakpak habang may mga alikabok sa kanilang mga kamay at ito'y hinagis sa puno.Mga mesa at upuang gawa ng kahoy habang ito'y may mga dahon.

"Ang ganda."tanging bigkas ko.

"Yeah.Tara na dun sa table natin."Hinila ako ni Nestle sa table daw namin malapit sa bintana.Umupo siya at umupo din ako,sa aming pwesto'y kita namin ang mga immortal na naglalakad sa labas at masayang nag-uusap,ang daming mga immortal sa bayan na ito.

Ako'y napalingon sa nilalang na lumapit sa amin.May dala itong listahan ng pagkain,ibinigay niya ito sa amin at kami ay nginitian.Pala-kaibigan ang taga Faeydae,yan ang aking napansin sa kanila.

Binuklat ko ang listahan ngunit wala akong napili sapagkat hindi ito pamilyar sa akin.Kaya'y si Nestle lang ang pumili para sa akin.Yumuko sa amin ang engkantado bago ito umalis.

"Gosh,ang ganda talaga dito at hhmm,ang sarap ng hangin.Alam mo,darling?Bukod sa aking Kontinente is gusto ko din ang Faerydae.Ang babait ng naninirahan doon, grabeh.Tignan mo ang piligid,ang daming nilalang na galing sa kanila diba?Mga pegasus,unicorn,fairies at madami pa."

Napangiti ako,yan din ang aking napansin mula noong ako'y bumaba sa mundong ito.Kahit hindi nila ito Kontinente'y ipinapakita nilang sila'y tapat at pinaglilikuran ang Kontinenteng mas mataas pa sa kanila.Ipinapakita nila kung gaano kahalaga ang Faerydae sa ibang Kontinente sa pamamagitan nitong pagbibigay masasakyan ng mga ibang nilalang at nagbibigay buhay ng mga tanim at bulaklak sa paligid.

Ang mabining atmospera sa paligid ay napalitan ng ingay.Sila'y may kanya-kanyang tinitigan sa pintuan ng pagkainan.Hindi ko ito makita sapagkat ako'y nakatalikod sa pintuan habang si Nestle ay nakaharap dito kaya'y kita niya.

Napanganga ito habang may gulat na gulat na mukhang nakatingin sa aking likuran.Mga matang hindi makapaniwala at nalilito.Ako'y napakunot ng noo sa nasaksi mula kay Nestle.

Ngunit nasagot ang aking pagkalitong may nararamdaman akong mga malalakas na presensiya mula sa mga nilalang na pumasok sa loob.Presensiyang nakakapangilabot at nakakasindak.Presensiyang pamilyar sa akin.

"Anong ginawa nila dito?"

"Ang Royalties."

"Ang ga-gwapo nga't ang gaganda pag nasa malapitan."

Rinig ko mula sa kabilang mesa habang tumigil sa pagkain na kanilang binili.Napa-angat ang aking tingin ng may lumapit sa amin.Nakangiti itong nilatag ang aming piniling pagkain.Yumuko ito kaya'y yumuko din ako at nagpasalamat sa kanya bago umalis.

"Nestle,di ka pa kakain?Nagugutom na ako."Usal ko at napakurap-kurap naman ito.

"Ah,oo.Gosh,totoo ba tong nakita ko,darling?Ang Royalties, dito nila na isipang mag-snack?Oh my god,edi sana palagi akong pumupunta dito,hhhayy.Look darling oh,kaya pala may mahabang mesa malapit sa puno dahil sa kanila pala yun.Magkatabi na naman ang dalawa,darling.Iba na to,my gosh."Mahinang bulalas nito.Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagsubo habang sinawalang bahala ang kanilang presensiya at nakikinig kay Nestle labas sa kabilang tenga.

Anfreileon World: Fallen (Book 1 of Goddess Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon