CHAPTER 5

1.3K 45 2
                                    

CHAPTER 5

BINIGYAN ako ng isang araw para asikasuhin ang mga papers ko para sa transfer. Kailangan ko kasing manatili sa Villa dahil iyon ang nasa kontrata. Hindi naman pwedeng babyahe ako papunta ng San Roque para pumasok sa school tapos byahe na naman patungong Villa para gawin ang trabaho ko.

Masyadong hassle iyon at aksaya sa oras.

Kaya naman kailangan ko rin lumipat ng school. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral dahil two years na lang graduating na ako.

Mabuti na lamang at may malapit na University sa Villa, doon ako pinalilipat ng pag-aaral. Doon rin siguro pumapasok si Sage.

Nagresign na rin ako sa Ministop na pinagtatrabahuhan ko.

Masyadong malayo ang ang Villa ng mga Cordova sa San Roque kung saan kami nakatira, kaya heto kailangan ko munang magpaalam pansamantala sa lugar na kinalakhan ko. Kailangan ko kasi talaga ng trabahong ito para maibigay ang mga pangangailangan ng dalawa kong kapatid.

Dahil nga sa trabahong ito, nabayaran ko na ang mga utang namin. Pati na rin tuition sa school nina Moneth at Ranz ay nabayaran ko na rin.

Nag-advance kasi ako ng sahod kay Boss Travis. Mabuti na lang pinagbigyan ako dahil sa tulong na rin ni Sage at Mr. Hanz Smith.

At heto na nga, maaga pa lang nakagayak na lahat ng mga kailangan ko at mga damit na dadalhin papunta sa Villa, kung nasaan ang Mansion ng magiging Boss ko.

Naalala ko pa kung anong nangyari kahapon sa opisina nito. Akala ko talaga hindi ako tatanggapin. Pero para bang isang himala dahil nagbago na lang bigla ang isip ng Young Master at napapayag na magkaroon ng bagong sekretarya.

Siguro, sadyang sinuwerte lang ako that time...

FLASHBACK

"Who is she?"

Galit na tanong ng lalaking pumasok sa pintuan ng opisina.

Para akong napako sa kinauupuan ko. Tanging sa magagandang mga mata lamang ng lalaki nakatuon ang paningin ko at ayaw itong lubayan. Pakiramdam ko ay hinihipnotismo at hinihigop nito ang lakas ko.

Nakakapanghina ng tuhod.

Kasunod na pumasok ng lalaki ay ang nag-aalalang si Mr. Smith.

"Young Master Travis..."

Natutop ko ang aking labi. S-SYA? S'ya ang Young Master? Ang lalaking ito ba ay ang magiging boss ko? Oh em gie!

Dumako ang tingin nito kay Sage na walang pakielam na nagbabasa lang.

"Sage."

Umangat ang tingin ni Sage ng tawagin s'ya ng pinsan.

"What?" Iritableng sagot nito.

"You know that I don't want any human being entering my office, right?"

Human being talaga? Hindi pa sila human being kung makapagsalita naman ito.

At saka hindi ko naman dudumihan ng opisina n'ya. Hindi rin ako magnanakaw. Para namang may allergic ito sa ibang tao. Psh!

"Uh-huh!"

"So anong ginagawa ng nilalang na ito sa opisina ko? And why you we're with her?"

Napasimangot ako.

Eto ba ang magiging Boss ko? Sa loob ng apat na taon?

Para namang may nakahahawa akong sakit o ang baho-baho ko dahil sa tono ng pinagsasabi nito. Kaya ba walang nakakatagal na secretary sa lalaking ito dahil sa ugali nito?

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon