CHAPTER 8

1.1K 42 3
                                    

CHAPTER 8

NANGINIG AKO sa takot. Sino ang taong nasa veranda? Sino ito?

Si Sir Travis ba ito? Si Tyron? O si Sage?

Pero bakit hindi ko namalayan na pumasok ito kanina? At mas lalong wala akong narinig na dumating kanina. Saka kung ito ang boss ko, dapat tinawag na ako nito pagkarating pa lang n'ya.

Kahit takot at nanginginig ang tuhod ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa nakabukas na veranda.

Bilog na bilog ang maliwanag na si Luna. Gusto ko mang pagmasdan ang buwan ng matagal, hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman.

Ngunit sa sunod kong hakbang papalapit, bigla na lang itong nawala.

Dali-dali agad akong tumakbo papalabas ng veranda ngunit walang tao roon. Ni anino ng lalaking nakita ko kanina ay hindi ko na mahagilap. Para itong hanging bigla na lang dumaan at naglaho.

"OH MY GOODNESS!"

Bulalas ko na patuloy pa rin sa paghahanap. Sumilip ako sa ibaba pero wala. Kahit sa kabilang bahagi kung saan makikita ang mahabang hallway at fountain sa labas ay wala ring bakas ng taong naririto kanina.

Paano ito makakaalis dito nang ganoon kabilis? Mataas ang bahagi ng veranda mula sa unang palapag kaya kung tumalon ito sa ibaba, malamang ay mahihirapan ito. Pero bakit ang bilis nitong mawala?

"May tao nga ba dito kanina? O namamalik-mata na naman ako?"

Pero totoong may tao dito kanina at sigurado akong lalaki iyon. Paanong bigla-bigla na lang itong nawala sa lugar na ito at maging sa paningin ko. Ni hindi ko inalis ang tingin sa kanya habang papalapit ako.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

"H-Hindi kaya.... kaluluwa iyong nakita ko?"

Nanlaki ang aking mga mata at agad na kumaripas ng takbo papasok, pabalik sa aking kwarto.

Kahit ang pakay ko sa aking paglabas ay hindi ko rin nagawa. At mas lalong nakalimutan ko nang isara iyong glass door ng veranda.

"WAAAHHHHHH! Ang malas-malas naman! Paano na ngayon? Wala akong tubig at hindi ko rin naisara iyong pintuan. AAAHHH!"

Ayoko namang bumalik ulit doon baka kung ano na naman ang makita ko.

Napatingin ako sa orasang nasa ibabaw ng bedside table.

"Alas-dies na? Hala naman!"

Pinagsasabunutan ko ang buhok ko dahil sa inis. Nakaka-frustrate pala ang unang araw sa mansion na ito. Kung alam ko lang, sana pala nakiusap ako kay Nanay Wilma na samahan ako ng isa kina Yna ngayong gabi. Nakakainis naman!

Kailan ba kasi darating ang boss ko?

Sana naman ininform nila ako na ako lang pala mag-isa ang tatao sa malaking mansion na ito. At worst nag-iisang bahay pa sa Villa'ng ito?

Unang araw sa trabaho naging horror film ang ending?!

"Ano nang gagawin ko?"

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago nakaisip ng idea. Mabuti na lang fast thinker ako, agad akong nakaisip ng gagawin para ilayo ang thought ko sa nakakatakot na pangyayari kanina.

Mabilis kong kinuha ang aking phone sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko rin ang maliit na bluetooth speaker ko sa aking bag saka iyon kinonect sa aking phone.

Magpapatugtog na lang ako, mabuti pa nga.

Iwas negative thougths and negative vibes sa paligid. Tutal ako lang naman mag-isa dito, wala akong mabubulahaw na ibang tao.

Tinali ko rin sa aking bewang ang speaker para secured ako.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon