CHAPTER 7

1.3K 43 0
                                    

CHAPTER 7

KATULAD nga ng sinabi ni Nanay Wilma, sinamahan ako ni Yna sa paglilibot sa buong mansion.

"Dito sa unang palapag, naririto ang kusina, dining area at ang lobby. Sa lobby o living area malimit mong makikita si Sir Tyron kapag naririto s'ya. Kung hindi naglalaro ng cards, natutulog naman ito sa sofa."

"Hindi ba uso sa kanya ang kwarto?"

Natawa si Yna sa sinabi ko.

"Kapag kasi nalilibang si Sir Tyron sa paglalaro, minsan nakikita na lang namin na nakapikit na s'ya. Kapag kasi naglaro ito ng umaga, aabutin na ito ng gabi bago matapos."

"Grabe naman."

"At bawal itong istorbohin kapag naglalaro. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag inistorbo mo s'ya sa kanyang ginagawa."

"Bakit? Nangangain ba ng buhay?"

"Oo."

"H-Hoooyyyy!"

"Joke lang."

"Akala ko talaga."

"Pero kakainin ka talaga n'ya ng buhay... sa ibang paraan nga lang. Iyong tipong uungol ka sa sarap."

"YNA!!"

Luminga-linga pa ako dahil baka marinig s'ya ni Nanay Wilma. Baka sabihin pa nitong pinag-uusapan namin ang tatlong Cordova.

Tumawa lamang ito sa reaction kong epic.

Hindi naman sa inosenteng walang alam, pero virgin pa talaga ako. Ngunit dahil nagbabasa rin naman ako ng Romance stories minsan, eh hindi naman talaga iyon mawawala. Medyo awkward lang talaga lalo na at dito sa mansion namin napag-uusapan.

Paano na lang pala kung may cctv pala dito o hidden cameras. Edi buking ang naging usapan namin tungkol sa bagay na iyon.

"Nakakatuwa ka naman Arissa. Wala ka bang boyfriend?"

"Wala. Wala pa."

"Kaya naman pala. So meaning never been kiss, never been touch ka?"

"P-Parang ganoon na nga. Pero huwag na nga iyon ang topic natin. Ipagpatuloy na lang ulit natin ang paglilibot."

"Sige."

Sinabi lahat ni Yna ang mga pasikot-sikot ng bawat sulok ng malaking mansion.

"Kapag nandito na si Sir Travis, s'ya na ang bahalang mag-utos sa'yo. S'ya naman ang boss mo, at ikaw ang sekretarya n'ya 'di ba?! Pero ipapaliwanag ko pa rin sa'yo ang ilang bagay para alam mo na at hindi ka mangapuhap sa dilim."

"Salamat Yna."

"Walang anuman. So, dito sa kusina kapag naririto ang Young Master hindi kami nagpupunta dito, maliban na lang kung ipapatawag kami para maglinis. Tuwing alas-tres ng hapon lang kami pupunta dito pagkaalis nila papuntang Central."

Naglakad kami papasok ng kusina.

May mahabang mesa na may sampong upuan sa kabilang gilid.

"Dito kumakain ang magpipinsang Cordova pagdating ng hapunan."

May dala akong maliit na notebookat doon ako nag chachatdown ng mga informations. Baka kasi may makaligtaan ako, mabuti na iyong handa at nag-iingat. Ayokong magkamali baka masisante pa ako agad.

"Nakalagay sa refrigirator lahat ng mga kakailanganin mo sa pagluluto ng pagkain mo. Sa ibabang bahagi nakalagay ang pagkain at inumin ni Sir Travis. Baka kasi ikaw ang utusan n'ya kapag maraming ginagawang trabaho. Mabuti nang alam mo 'di ba?"

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon