CHAPTER 46

911 32 0
                                    

CHAPTER 46


MABILIS na lumipas ang mga buwan hanggang sa maging taon.

At ang pananatili ko sa mansion ng mga Cordova at ang pagiging personal na sekretarya ng Young Master ay isa sa magagandang nangyari sa akin sa loob ng tatlong taong nagdaan.

Naging maayos ang pagtatrabaho ko sa mansion. Hindi mabigat at hindi rin magaan ang trabaho, pero nakatagal ako. Ginagawa ang trabaho bilang sekretarya sa umaga at nag-aaral naman sa gabi. Nagluluto ng breakfast at dinner ng Young Master at obligadong sundin ang iba pang utos maging ang hindi dapat gawin.

Pero minsan, may mga bagay akong nagagawa na labag sa kautusan.

I'm just being curious. And being that way can kill me. Pero sadyang mabait lang siguro sa akin ang tadhana dahil hanggang ngayon ay buhay pa ako. At ang pagiging curious at reckless ko ay ang ugaling masasabi kong naging dahilan ng pagtagal ko sa lugar na ito.

Naipagawa ko ang bahay namin at napagpatapos ko ng highschool ang dalawa kong kapatid dahil sa trabaho kong ito. At ngayon ay pareho na silang nasa kolehiyo. At ako? Isang semester na lang ga-graduate na ako.

Habang hindi pa dumarating ang araw ng aking pagtatapos. Sinisimulan ko nang ipatayo ang restaurant at coffee shop na imamanage ko pagkagraduate. Si Alexis ang katuwang ko, kumbaga s'ya ang right hand ko sa bagay na ito. Parang kapatid na rin kasi namin ang baklitang iyon eh. At nagpapasalamat ako dahil hindi n'ya kami pinabayaan ng mga kapatid ko.

At syempre, sobra ang pasasalamat ko sa pamilyang Cordova. Dahil kung hindi sa kanila, wala ako sa posisyong ito at hindi ko matutupad ang pangarap ko para sa aking pamilya.

Naging mentor ko rin si Sir Boss. Tinuturuan n'ya ako kung paano magpatakbo ng isang business. Sa una magiging mahirap para sa'yo. Marami kang pagdadaanang balakid sa pagsisimula ng negosyo. But in the end, makakamtan mo ang success basta may tiyaga at pagpupursige ka.

At syempre, tiwala sa sarili at sa Ama na s'yang sa ati'y lumikha.

Marami akong natuklasan sa lugar na ito. Lugar na kami lang nang mga naririto ang nakakaalam. Lugar na nakakubli ang tunay na katauhan sa labas ng mundong ito.

Lugar na mas minamahal ko habang tumatagal pa ako.

Sa loob ng tatlong taon, mas na-attached pa ako lalo sa lugar na ito at maging sa nagmamay-ari nito.

At iyon ang isang utos na sinuway ko.

Pero hindi ko pinagsisisihan na nagawa ko.

Noong una hindi ako sure kung totoo ba talaga ang nararamdaman ko kay Sir Boss. Baka dahil lang sa s'ya ang palagi kong nakakasama kaya ko nararamdaman ito sa kanya. Baka dahil mabait lang s'ya sa akin or something like that. Pero habang tumatagal palalim na ng palalim ang nararamdaman ko. At hindi ko alam kung kaya ko pa bang umahon.

Ngayong mas nakilala ko na si Sir Boss, mas nanaig ang nararamdaman ko para sa kanya.

Iyong dating normal na tibok ng puso ko kapag nakikita s'ya, ngayon nagwawala na kapag nand'yan na s'ya. Kahit hindi ko pa nakikitang papalapit s'ya, basta  presens'ya na lang kilala ko na. Kahit galit o nagsusungit, gwapo pa rin sa paningin ko. Palagi man akong kagalitan dahil sa pagiging pasaway ko, ayos lang basta napapansin n'ya ako at nakatuon ang paningin n'ya sa akin.

At kapag hindi ako pinapansin, nagmamaktol na agad ako. Magkukulong sa kwarto na parang isang batang pinagkaitan ng favorite n'yang laruan.

Mas nagmature rin ako sa lugar na ito. Nakita ko iyong mga kakayahan kong ngayon ko lang nalaman na kaya ko palang gawin. I can be a professional inside the work place and act like a brat child when the work hour is finally done.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now