CHAPTER 54

859 34 0
                                    

CHAPTER 54

THIRD PERSON'S P.O.V

NAPAPIKIT si Arissa nang makaranig ng malakas na ingay mula sa loob ng kwarto. Tila nagwawala ang taong nasa loob niyon at nagpupumilit na makawala sa kadenang nakagapos dito.

Inabot din ng ilang minuto ang tinagal ng malakas at marahas na kaguluhan sa loob ng kwarto, bago ito nawala na parang hanging dumaan lang.

Dahan-dahang naglakad si Arissa palapit pa sa pintuan.

"T-travis?"

Walang ingay na maririnig maliban sa mga yabag ng paghakbang n'ya papalapit.

Nakapagtataka.

Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa ika'tlong palapag ng mansion. Sa sobrang tahimik ay tila nakakabahala at nakakatakot. Katahimikan na para bang nagsasabing pagkalipas nitong isang hindi pangkaraniwang ingay na naman ang magaganap.

Natatakot man si Arissa, tinatagan n'ya ang loob para sa dalawang taong pinakamamahal n'ya. Ang lalaking nahihirapan ang sitwasyon na nasa loob ng kwarto, maging ang munting anghel na nasa loob ng kanyang sinapupunan na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.

Kailangan n'yang iligtas ang lalaking pinakamamahal, kahit na ang maging kapalit nito'y kaparusahang naghihintay sa pagsuway niya.

Ang katahimikang namamayani ay biglang nabasag dahil sa malakas na kulog at kidlat. Sunod sunod ang naging pagkidlat na nagsasanhi ng pagkakaroon ng pagliwanag sa madilim na palapag. Ang sumunod na pagkulog at pagkidlat ay mas naging malakas kumpara kanina. Kasabay niyon ay ang marahas na pagkawasak ng pintuang nasa harapan ni Arissa.

Gulat at panginginig ng katawan ang dinulot niyon sa dalaga.

Madilim ang kwarto ngunit dahil sa liwanag na nagmumula sa mga pagkidlat, naaninag ni Arissa ang dahilan ng pagkawasak ng pintuan.

Rinig n'ya ang mabibigat na paghinga ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan, hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan. At dahil din sa liwanag na mula sa labas, naaninaw n'ya ng maayos ang itsura ng lalaking ito.

Puno ng kalmot ang braso at maging katawan ni Travis. Dahil din sa pagkalmot nito sa sariling nagkapunit-punit ang suot nitong puting long sleeve, at humahalo na rin sa suot nito ang dugo mula sa mga kalmot sa katawan. Magulo ang buhok at nagngangalit ang pulang mga mata. Kitang kita rin sa mata nito ang pagnanasa at uhaw nang mapatingin ito sa kanya.

Malalim na bumuntong hininga si Travis at hindi pa rin humuhupa ang paghingal. Tila pagod na pagod ito sa ginawang pagkawala sa nakagapos na kadena sa braso't paa. Nagawa rin nitong sirain ang matibay na pinto at ang mga nakaharang na bakal at kadena.

Nanginig sa takot si Arissa nang makita ang kabuuan ng binata.

"T-travis..."

"I told you, don't go near here, right? Pero ginawa mo pa rin. Ang tigas talaga ng ulo mo. Dapat iniwan mo na lang ako. Dapat umalis ka na lang din katulad ng dapat na gagawin ni Ianna sa akin."

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Travis sa buong palapag.

"Magagaya ka rin sa kanya."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Arissa habang umiiling.

"Hindi ako katulad ni Ianna na kaya kang iwanan matapos ang lahat ng nangyari. Kung s'ya naduwag na harapin ang sumpang bumabalot sa lalaking mahal n'ya, pwes ako hindi! Halimaw ka man sa paningin ko ngayon, pero ikaw pa rin ang lalaking minahal at minamahal ko. Ikaw pa rin ang ama ng dinadala ko. Kaya hindi ako aalis dito hangga't hindi ka bumabalik sa dating kaanyuan mo."

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now