CHAPTER 53

895 31 0
                                    

CHAPTER 53

NAAALALA ko pa kung bakit ako napunta sa lugar na ito, kung bakit kahit hindi ko pa lubos na kilala ang mga Cordova na pagtatrabahuhan ko, nagbakasakali pa rin ako na baka matanggap ako. At natanggap nga ako sa trabahong ito. Pumasok ako sa kontratang ito, para sa mga kapatid ko, at para sa kinabukasan naming tatalo.

Hindi ko aakalain na sa loob ng ilang taong pagtatrabaho bilang sekretarya ng Young Master, mapapalapit ang loob ko sa kanila—mas lalo na sa kanya. Hindi ko rin napaghandaan ang pagkahulog ko sa masungit na lalaking 'yo. Kaya nga kahit ang utos n'ya na ipinagbabawal, ay nasuway ko dahil makulit nga ang puso ko, 'di ba?

Sa sobrang kulit, hindi ko rin napaghandaan na mangyayari ang bagay na'to.

Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga impormasyong sinabi sa akin ni Tyron. Kaya pala. Kaya pala sa ilang araw na nagdaan, mag weird na pagbabago sa kilos, pananalita, pag-uugali at mga usual na ginagawa ko. Iyong mga weird na cravings at pagduduwal sa umaga. Ang pagkahilo ko at laging pagka-antok na nararamdaman.

Kaya pala! Dahil pal iyon doon.

Bakit hindi ko agad napansin? Last January ay hindi ako dinatnan. Akala ko normal lang iyon dahil may iba naman na ganoon talaga ang buwanang dalaw. Akala ko walang ibang dahilan ang mga nararamdaman ko, iyon pala may munting supling na nabubuo sa loob ko.

Hindi ko pa rin lubos isipin na may munting anghel na sa loob ng sinapupunan ko. At mula pa sa lalaking mahal ko. Sobrang imposible, pero totoo talaga ito. Hindi lang basta imagination lang o pinaglalaruan ako ng isipan ko. Dahil totoo ito.

Napahawak ako sa aking flat na tummy.

"Ilang linggo ka na kaya baby?" Tanong ng isip ko habang hinihimas ng paikot ang aking tiyan. Dapat pala sinunod ko ang utos ng ama mo na magoaconsult sa doctor. Excited na akong mahawakan ka baby ko.

Pero...

Alam na kaya ito ng Daddy mo baby?

Kung si Tyron na pinsan n'ya nga nalaman agad, s'ya pa kaya? Pero bakit hindi n'ya ipinaalam sa akin agad kung alam n'ya kung anong nangyayari sa'kin?

Matatanggap ka kaya ng Daddy mo, baby ko?

Ipinilig ko ang ulo para mawala ang negative thoughts na sumisira sa isip ko. Sigurado naman ako na matatanggap ka ng ama mo, baby. Pero kinakabahan pa rin ako na ipaalam sa kanya. Dahil kahit gaano pa malaki ang positive thoughts na meron ka, kahit napakaliit na negative thought lang ang ikinababahala mo, mas matindi pa rin ang impact nito sa kabuuan ng positive thingking mo.

Natatakot ako sa maaaring maging reaction ni Travis kapag sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa baby namin.

Napatingin ako sa pintuan ng opisina ni Travis ng bumukas ito. Kita ko mula dito sa living room ang pigura n'ya na pababa sa hagdan.

Napangiti ako nang makitang gwapong gwapo ito sa three piece suit na suot.

"Magandang umaga!" Masiglang bati ko kay Travis ng makababa na ito ng hagdan.

Hindi ako nito binati pabalik, kaya napasimangot ako. Mukhang badmood ang Sir Boss ko ah. Hmmm...

"Kadarating mo lang, pero paalis ka na naman? Gusto mo bang pabaunan kita ng kiss?" Ngumuso ako saka tumingkayad para sana bigyan s'ya ng halik sa pisnge, ngunit umiwas ito sa akin.

"Pagod ako Arissa, huwag ngayon." Mahina ang kanyang boses pero mabigat ang pagkakabigkas n'ya ng mga salitang iyon.

"P-pasensya na." Yumuko ako para pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. Nakaramdam din ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa pagkakasabi n'ya niyon.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now