CHAPTER 52

873 36 0
                                    

CHAPTER 52

"ARISSA!"

Napatingin ako sa lalaking nagmamadaling pumasok ng kwarto.

"Baby, are you okay now? May nararamdaman ka pa ba? May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka pa ba?" Sunod-sunod n'yang tanong.

He held my shoulder and to my shock, napapitlag ako nang dumapo ang kanyang malamig na palad sa aking balat. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya.

Napansin n'ya iyon kaya nagtataka nitong inilayo ang kamay sa aking balikat.

"Arissa, is there something wrong? Tell me, baby, please! Pinag-alala mo ako."

Yumuko ako upang itago ang takot at pagkabahala. Bakit ganoon? Bakit naramdaman ko iyon ngayon? Bakit kailangang ipakita ko pa sa kanya na bigla akong natakot sa kanyang haplos? Bakit? Ano ba kasing nangyayari? At bakit ko iyon napanaginipan? Bakit gano'n?

Totoo ba iyon? Mangyayari ba talaga sa akin iyon? At anong ibig n'yang sabihin sa magagaya rin ako sa kanya? Sino s'ya? Sino ang tinutukoy n'ya?

Sobrang daming tanong. Akala ko kapag nalaman ko kung ano ang tunay nilang katauhan, matatapos na ang mga tanong ko. Pero hindi pa pala. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang napanaginipan ko o huwag na lang, dahil ba wala namang ibang meaning iyon.

Pero may part sa isip ko na nagsasabing babala ang panaginip na iyon. Pero para saan naman? Babala saan?

Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam!

"T-travis..."

"Yes baby, tell me, please! I'm worried!"

"Travis... n-napanaginipan kita. Ibang iba ka sa panaginip ko. Parang... parang may kung anong mabangis na hayop na bumabalot sa'yo. Puno ng dugo ang mga kamay mo at punit-punit din ang damit na suot mo. At ako... dumadaloy ang dugo sa aking hita pababa sa binti. S-sobrang daming dugo, Travis. N-nakakatakot."

Mabilis na dinaluhan ako ni Travis at kinulong ng yakap. At doon ko lang naramdaman na nanginginig na pala ako sa takot at paghagulhol.

"Hush, baby, hush! Tahan na, nandito na ako. Walang mangyayari sa'yong masama. Iyong napanaginipan mo, panaginip lang iyon at hindi totoo. Kaya tahan na please, tahan na."

"N-natatakot ako, T-travis. H-hindi mo naman iyon gagawin sa'kin 'di ba? 'Di ba Travis?"

Hindi s'ya sumagot kaya mas lalo lang akong umiyak.

"Travis..."

"Hush, baby! Please tahan na. I can't bare seeing you crying. Hindi ko iyon magagawa sa'yo, kaya nakikiusap ako tahan na. I won't do that to you!"

"Travis, I love you! I'm so inlove with you and I'm not sorry for breaking your rule."

And with that, unti-unti ko nang naramdaman ang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata bago ako muling dinala sa dreamland.

Pag-gising ko'y sobrang bigat ng aking pakiramdam. Inaantok din ako at gusto ko pa ulit matulog pero nakaramdam naman ako ng pagkalam ng sikmura. Kaya kahit inaantok pa at parang umiikot ang paligid ko, nagawa ko pa ring bumangon at maligo.

Pagkatapos kong magbabad sa maligamgam na tubig ay hindi pa rin nawala ang sama ng pakiramdam ko. Gusto ko talagang humiga ulit at matulog, pero sadyang nagugutom na talaga ako.

Pagbukas ko ng pinto'y saktong bubuksan din sana ni Travis ang pintuan kaya nagkagulatan kami. O baka ako lang dahil parang expected na n'ya ang gagawin ko.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now