CHAPTER 41

914 30 0
                                    

CHAPTER 41

"ARAY!" Daing ko nang magising ako mula sa malalim na pagkakatulog.

Nasa langit na ba ako?

Napahawak ako sa aking ulo dahil para akong pinupukpok sa parteng iyon. Medyo nahihilo rin ako nang imulat ko ang aking mga mata.

"Bakit ang sakit ng ulo ko? Anong nangyari? At saka... nasaan ako?"

Nang ilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto ay doon ko lang kasi narealize na hindi ito ang kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi rin naman pamilyar sa akin ang lugar na ito.

Ang naalala ko'y nasa hallway ako—ah, no. Kasama ko ang tatlo sa hallway bago ako...

Nahulog pabagsak sa first floor ng mansion!

Mygoodness! What am I doing in here?

Pero hindi iyon nangyari dahil sinalo ako ni Travis. Speaking of Trav—

"You're finally awake now. How are you feeling, Dollface? May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka ba? Kailangan mo ba ng tubig?" Sunod-sunod na tanong ng lalaking nagsalita from my back.

Gulat na napalingon ako roon. At doo'y natagpuan kong nakaupo sa single sofa si Tyron. Nakahalumbaba ang baba sa palad habang nakatukod ang mga siko sa tuhod. Nag-iisa lang ito at walang bakas nina Travis at Sage sa paligid.

"Bakit ako napunta rito?"

Sumimangot s'ya. "Hindi mo maalala ang nangyari? You know..." Pinatunog n'ya ang dila dahilan para gumawa iyon ng nakakairitang tunog. "You almost killed yourself Dollface. Mabuti na lang to the rescue ang pinsan ko. Kung hindi, nagkalat na siguro sa first floor ang dugo mo pati na rin ang walang buhay mong katawan. Tsk, tsk, tsk!"

Iniling iling pa n'ya ang ulo, sinyales na hindi nito nagustuhan ang nangyari.

Kahit ako man ay hindi rin gusto iyon. Hindi ko ini-exoect na end na pala ang inaatrasan ko.

Sino bang may gustong magpatihulog sa second floor paibaba? Mababa man iyon kung titingnan, hindi pa rin nangangahulugang hindi ka mamamatay kapag bumagsak ka. For goodness' sake semento ang babagsakan. Kung hindi mababagok ang ulo mo, sigurado namang bali-bali ang mga buto mo sa katawan.

Pero kung ganoon ang nangyari, totoo nga na niligtas ako ni Travis mula sa pagkakahulog.

Niligtas na naman n'ya ako mula sa kamatayan.

And then here I am, takot na takot sa kanya. Na halos ipagtabuyan na s'ya huwag lang akong malapitan.

Malalim na huminga ako bago muling tumingin kay Tyron. I composed my self not to trembled and show fear infront of him—of them. Pero bago pa man ako makapagsalita, inunahan na n'ya ako.

"You know what Dollface?! Kung masama man kaming tao lalo na si Travis tulad ng iniisip mo, matagal ka na naming pinatay. Unang tapak mo pa lang sa Azula Hotel hindi ka na sana nakabalik pa sa pamilya mo. But no, you're still here, breathing and doing fine."

Tumayo si Tyron saka naglakad palapit sa kamang inuupuan ko.

"Halimaw ba talaga kami sa paningin mo?"

Bigla akong napayuko dahil guilty ako. Tagos hanggang buto lahat ng sinabi n'ya.

Bumalik sa ala-ala ko lahat ng nangyari. Simula sa unang pagtapak ng mga paa ko sa Azula Hotel, isa sa business ng mga Cordova, hanggang sa matanggap ako sa trabaho na ngayon nga'y naririto ako sa mansion nila. Ang pagsusungit ni Sir Boss sa akin at maging ang mga panglalait n'ya na dati ay kinaiinisan ko pero ngayon, tinatawanan ko na lang because I know na kahit ang sama n'yang magsalita, he's a good man.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon