CHAPTER 31

925 28 0
                                    

CHAPTER 31

PAGSAPIT ng kinabukasan, sobrang tamlay ng gising ko. Para akong pinagpasan ng isandaang kilo ng bigas dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko, lalagnatin pa ako.

Napagpasyahan kong iligo na lang ang masamang pakiramdam, baka sakaling maibsan no'n ang matamlay kong diwa.

Pagkatapos kong maligo at magpalit ng simpleng maong short na pinaresan ko na lang ng puting t-shirt, ay lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko pang nakatayo sa harap ng kitchen counter ang boss ko. Nakatitig ito sa mga kasangkapang nasa harapan n'ya.

Natawa ako ng mapansing hindi nito alam kung ano ba ang unang gagawin.

Samantalang naka-upo naman si Tyron sa high stool malapit sa kinaroroonan ng aligagang pinsan. Nakahalumbaba ito sa mesa with his usual bored look. Tamad na nakatingin sa gagawin ng pinsan.

"You should do something now, 'couz. Tanghali na oh! Maya-maya lang ay bababa na si Dollface. Isang oras ka ng nakatayo d'yan pero wala ka pang naluluto." Bakas ang pang-aasar sa boses ni Tyron.

Travis looked at his cousin with a dagger in his stare.

"Ang dami mong sinasabi! Ano ba kasi ang kinakain ng tao sa umaga?"

"Hindi mo alam? Hindi mo alam? Saang planeta ka ba naglalagi at hindi mo manlang alam?"

"As if I care?!"

"Tsk! Ikaw ang kasama ni Dollface sa buong maghapon tapos hindi ka manlang nag-oobserve sa paligid mo? Anong klase kang tao? Ah, hindi ka nga pala tao." Then Tyron showed his playfull smirk na mas ikinainis pa ni Travis.

Ano daw?

Hindi tao?

Maybe it is my chance to get some information with them. Maingat na kumubli ako sa may pintuan ng kusina upang hindi nila ako makita.

Kailangan kong makasagap ng balita.

Mariteas Arissa 2.0 mode muna tayo. Habang hindi pa nila ako napapansin, dahil busy sila sa pagtatalo kung ano ba ang gagawin.

"Minsan kasi try mo ring lumabas sa lungga mo. Try to explore the world. Napakalawak ng mundo, 'couz. Hindi lang iikot ang buhay mo sa trabaho."

"Minsan try mo ring manahimik 'no. Ang daldal mo. Para kang babae."

"Tsk! Magluto ka na nga lang."

"Ano ba kasi ang uunahin ko?"

"Bakit kasi ikaw ang nandito. May mas silbi pa si Sage sa'yo when it comes to cooking. Palibhasa kasi sanay kang pinagsisilbihan. Try mo kayang maging normal."

"You know that we're not normal, right? We're immortals and immortals are not normal people."

Immortals?

Ibig bang sabihin hindi nga talaga sila tao?

Kaya ba may kakayahan sila na wala ang normal na katulad ko? At kaya rin ba kaya nilang basahin ang isip ng isang tao dahil may kaoangyarihan sila?

Ngunit anong klaseng immortal?

"Yeah, right! Pero, pwede ka namang makisabay sa mga mortal. Hindi iyong nagtatago ka sa pagiging immortal mo. Gumaya ka sa amin ni Sage."

"As if that's easy. Maraming nakaatang sa aking responsibilidad in the first place. Subukan mo kayang maging panganay nang malaman mo."

"Oo na, oo na. Ikaw na ang dakila. Bakit kasi kailangan pa munang matapos sa pag-aaral si Sage bago ibigay sa aming dalawa ang ibang negosyo. Nang hindi ka na nagmamaktol d'yan. Bakit kasi kailangan pa nating mag-aral? Immortals doesn't need human knowledge. Mas matalino pa nga tayo kung tutuusin kaysa sa kanila."

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now