01. MTFLTL

52 1 0
                                    


SHAN.

More than friends, less than lovers.

I smile widely at the boy playing, wearing jersey number 19.

"Go Brent! You're number 19 pero number 1 ka sa puso ko!"maingay na pagsisigaw ni Acel, pinsan ko.

"Okay lang naman mag-cheer diba? Friends lang naman kayo?"tanong pa nito sa akin.

Friends.

"Oo naman,"tugon ko.

Muli siyang nagtatalon at bumalik na naman sa pagsisigaw. Napapailing nalang ako sakanya hanggang sa natapos ang laro.

"Hi Brent!"lumapit agad si Acel kay Brent para mag-abot ng tubig pero dumiretso ito sakin.

Laking gulat ko ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi habang abot tenga ang ngiti.

"Hi, love. Panalo kami."he whispered softly.

Yes, love. Yan ang tawagan namin sa isa't isa pero hindi kami. Nabuo kasi ang tawagan na yan dahil sa kabaliwan namin noong bata kami kaya nakalakihan na rin namin.

Tumayo na ako at inabutan siya ng tubig bago sinimulang punasan ang pawis sa mukha at leeg niya. Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang pasimpleng buntong hininga ng iba.

Brent bend a bit to whisper in my ear. 6'0 kasi siya at 5'4 lang ako."Ang galing ko diba? Wala bang reward dyan?"tinuro niya ang pisngi at nanghihingi ng halik.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso at inilingan."Tara na nga, naghihintay na sila Deo oh."turo ko sa mga pinsan niyang kasama niya rin sa varsity.

"Kiss muna,"pang aasar na naman niya kaya winalk-outan ko siya.

Sumunod naman siya sa akin habang tawa ng tawa kaya binatukan siya ni Deo.

"Inaasar mo na naman si Shan e,"

"Normal lang naman yan sa mga taong in love, diba nga love?"pang aasar sa amin ni Timothy, isa rin sa pinsan niya.

"Of course, right love?"mabilis naman na sang-ayun ni Brent at bumulong pa ulit sa'kin.

"Ewan ko sa'yo. Mabuti pa lumakad na tayo at baka naluto na yung mga sisig."tanging nasabi ko dahil nakakabanas na ang pang-aasar ni Brent.

Pagkatapos ng laro ay sa bahay agad ang diretso namin. Nakahiligan na kasing mag-ihaw ni Mama ng sisig tuwing alam niyang bibisita sila Brent.

Ilang lakad lang naman ang bahay namin galing sa open court ng Baranggay. Hindi katulad sa bahay nila Brent na ilang kanto pa ang dadaanan kaya nagdadala sila ng sasakyan.

Ilang minuto lang rin ay nakarating kami. Naabutan nga namin si Mama kasama si Auntie Faye na nag-iihaw sa labas. Nagmano ako sa kanilang dalawa at sumunod naman si Brent at dalawang pinsan niya.

"Osya't pumasok muna kayo sa loob. Ipapatawag ko nalang kayo kapag naihaw na 'to."si Mama na abala sa ginagawa.

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Where stories live. Discover now