12. MISSING HOURS

11 1 0
                                    

I look upon the brightest moon at the sky as I heaved a long sigh. The moon seems so happy to celebrate New Year.

I wish I am too.

January 1...bagong taon. Panibagong taon na sasalubungin ko nang hindi siya kasama. Pero kahit ganun, hinihiling kong sana ay makausap siya. Gusto kong marinig ang boses niya.

"Baka busy kaya hindi makasagot,"

Nagkibit balikat lang ako kay Acel dahil sa pang -ilang beses na pampalubag na saad niya.

Tiningnan ko ang cellphone na naka-dial parin sa number niya. Palagi kong sinasabi na baka nagpapahinga lang o may ginagawa.

Pero ilang araw na mula noong umalis siya. Hanggang ngayon wala parin akong text o tawag man lang na natanggap. Nagsimula na nga akong mag-alala pagkatapos sa araw na pag-alis niya dahil hindi siya nagtext kung nakarating naba siya. Kung maayos ba siyang nakarating sa Seattle.

Pero gumaan naman ang loob ko noong sinabi ni Deo na maayos raw na nakarating si Brent. The way I hold my phone tightened.

"Baka nga,"sagot ko kay Acel.

She cares my back."Hayaan mo, baka tatawag yun pag nagkaroon ng oras."

I believed to what she said...and I keep holding onto that. But months already passed by. I am now 3rd year in Dentistry and never did I got the chance to hear Brent's voice again.

That moment, I'm still continue hoping for his call. Maybe he became busy for his internship already and it's understandable for me. Alam kong gusto niyang abutin ang pangarap niya kaya siya sumunod sa Seattle.

Napapakagat labi ako nang minsan kong isiping naroon ang BMW ni Brent sa labas ng aming school habang siya ay nakasandal rito at may hawak na milkshake o blueberry cheesecake sa kamay.

I miss you Brent. I miss you taking care of me.

Akmang magb-book na ako ng grab nang bigla akong kalabitin ni Wyatt.

"Sumabay kana sakin.."sabi nito.

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Ito naman, akala mo di tayo nagkasama sa reporting dati." pabiro niya akong hinampas.

Kaya hindi na ako tumanggi at sumabay na sakanya. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay panay ang kwento niya sa'kin tungkol sa mga ganap sa buhay niya noong Christmas Break.

Saglit siyang huminto sa Trish's dahil may bibilhin raw kaya naghintay nalang muna ako sa loob. Wala pang ilang minuto ay nakabalik na siya agad at may hawak ng paper bag.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin nang inabot niya ito sakin.

"Para sayo. Wala si Brent, kaya ako muna ang bibili."kumindat pa siya sa'kin.

Sumilay agad sa labi ko ang ngiti nang masilip na blueberry cheesecake ang binili niya."Salamat.."I thanked him.

"Miss na miss mo siguro si Brent no?"nagsimulang mang-asar si Wyatt nang papasok na kami sa kanto.

"Hmm, nasanay akong nakabuntot siya lagi e."tinabunan ko ng tawa ang pait sa boses ko.

He chuckled."Walang araw na hindi kayo magkasama e. Hulog na hulog si Kuya.."

"Eh si Paul nag-rereview na para sa Licensure Exam?"tanong ko."Mag-isa ka nalang kasi tuwing nakikita ko."

His smile faded."Oo, tsaka wala na kami nun."he chuckled.

Napaawang saglit ang labi ko. Ang sweet pa nga nila noong mga nakaraang buwan.

"Sorry for asking that,"medyo nahihiya na tugon ko.

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Where stories live. Discover now