10. WHEN IN BORACAY (2)

10 1 0
                                    


SHAN

"Kung sayo nangyari itong nararanasan ko ngayon, anong gagawin mo?"

Muli kong nilingon ang seryosong si Acel matapos ang saglit na katahimikan kanina. I deep a long sigh and shrug my shoulder.

"Hindi ko alam. Mahal ko kasi e,"

Nakita ko ang munting ngiti sa labi niya dahil sa isinagot ko. Like me, she also heaved a long sigh as she turn her full attention to the sunset.

"I'm happy for you. Bagay talaga kayo ni Brent. Sana kayo talaga hanggang huli." aniya, sinubukang ibaling ang topic namin sa iba.

Hanggang noong oras na nasa pool ako at nagpapahangin, ang mga sinabi pa rin ni Acel ang nasa isip ko. Ayaw akong patahimikin nito. It must be so hard for her to act like she really like Timothy but it's opposite from the truth.

How come a very worthy and deserving man cannot be love by a woman?

Nagkibit balikat muli ako. Hindi ko rin masasagot iyon. At wala naman ako sa kinatatayuan ng pinsan ko para manghusga. She maybe had a reason kung bakit nanatili siya kahit hindi niya naman pala gusto yung tao.

"Malamig rito love,"

I came back to my senses when Brent suddenly put his jacket on my shoulder. Dinaluhan niya ako sa pool. Katulad ko ay ibinabad niya rin ang mga paa sa tubig habang nakaupo sa tiles.

The place was quiet romantic. There were some people around us, enjoying their nights. Kasabay sa kagandahan ng lugar ay ang mga OPM songs na pinapatugtog nila.

Napatingin ako kay Brent nang bigla niyang kinuha ang kamay ko. Ang titig na iginawad niya sa akin ay talaga namang nakakatunaw. He kiss my hand twice.

"Christmas is coming. May gusto kabang puntahan o gawin pagkatapos natin rito?"malambing na tanong niya.

Oo nga pala. It's currently December 18, malapit na ang pasko. Bahagya akong napaisip sa sinabi niya. Since Christmas break naman, gusto kong subukan iyong mga on-air rides katulad ng Zipline. Yung mga challenging na gagawin.

"Tagaytay tayo?"suhestyon ko. Hindi na naitago ang excitement sa boses.

I saw how his lips purse while looking at me."Sure, mahal."he answered right away.

"And after Tagaytay, let's help Mama Sachiel buy groceries for Christmas.."

"Okay!"mabilis na sang-ayun ko.

Hindi naman na bago sa'kin iyon dahil taon-taon namang nagpapasko sa amin si Brent. At hilig niya talagang sumama kapag bumibili na ng kailangan para sa Noche Buena.

I keep on smiling while reminiscing our memories during Christmas. Simula pa noong bata pa kami ay kasama ko na si Brent tuwing pasko. Ang Mama niya kasi ay nakatira sa ibang bansa, imbis na puntahan ito roon ay nanatili siya sa dito para mag celebrate kasama ako.

It feel so good, thinking that he has been by my side for decades. He was always been there for me. Through my ups and downs moments, he never left. Naalala ko pa dati, noong muntik na akong bumagsak sa exam ay umiyak ako sa corridor. Nakita niya ako, pinatahan niya ako at binilhan ng blueberry cheesecake kaya tumigil ako sa pag-iyak.

Hindi niya lang alam, doon ko simula nagustuhan ang blueberry cheesecake. It was because of him.

"Shan..."

Bahagya akong natigilan at hinarap si Brent. Hindi ako nagulat sa pagtawag niya, nagulat ako sa itinawag niya. I know, he is serious this time.

"B-bakit?"I tried to lighten up the tone of my voice.

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Where stories live. Discover now