02. HATID-SUNDO

29 1 0
                                    


SHAN.

"Sure kang hindi pa kayo sa lagay na 'to, tiningnan mo teh oh. Ang gwapo ng driver mo! Kung ako yan, jojowain ko agad."maingay na pag-uusisa ni Acel sa tabi ko habang ngumunguya ng chicharon.

"Isusumbong kita kay Timothy,"

"Hoy huwag! Biro lang e."

Kakatapos lang ng class namin at naglalakad na kami palabas. Malayo palang ay tanaw na tanaw ko na ang BMW ni Brent, at siya na nakasandal rito habang may nanunuyang ngiting pinapanood ako papalapit.

Pinagsusundot pa ako ni Acel sa tagiliran bago siya mabilis na nagpaalam sa amin ni Brent. Sabi niya ay may naghihintay raw sa kaniya sa kabilang parking area.

For sure si Timothy yun.

"Hi love,"di pa man ako nakakasagot nang mabilis na nagnakaw ng halik si Brent sa pisngi ko.

Marahan ko siyang hinampas at tiningnan ang paligid. Buti nalang ay abala ang mga tao. Tumawa lang siya sa reaksyon ko bago kinuha ang tote bag ko kasabay ng pagkuha niya sa kamay ko.

"How's your day love?"he asked while placing my bag inside the car.

"Well, we had a long quiz. Perfect ko lahat!"masayang balita ko.

Ginulo niya ang buhok ko."Ang galing talaga ng bebe na yan."

Ngumiti lang ako at ibinaba ang tingin sa magkahawak naming kamay. Saka ko lang namalayan na dinala niya pala ako sa may street foods malapit sa main gate ng school.

"Anong gusto mo?"

"Fishball at kikiam, tig-dalawa. Tsaka buko juice."

Medyo maraming tao kaya nag volunteer siyang siya na ang kukuha para samin. Pinalagay nalang namin sa cellophane para sa sasakyan na kainin. Nag-abot ako sakanya ng 50 para sa bayad ko pero sabi niya ay libre niya raw dahil perfect ako sa quiz.

"Uy Love... birds, hehe."paalis na kami nang makasalubong namin ang isa sa dating ka-block mate ni Brent.

Kahit sila ay di nawawala sa isip ang tawagan namin ni Brent. Nanatiling nakahawak si Brent sa kamay ko habang nagkakamustahan pa sila saglit ni Aaron.

"Ito, pareho kaming Med. Pero Dentistry siya, Med-Tech naman ako."
pagkukwento niya.

"Wow, couple goals."Aaron teased.

Brent and I just smiled at him. We all know that no one's a couple here.

"Sige A, una na kami. Ihahatid ko pa 'to."nagpaalam na kami kay Aaron.

"Ingat pauwi mga love!"pahabol pa nito na ikinatawa ko lang.

Kahit kailan talaga mapang-asar ang mga taong nakapaligid kay Brent.

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Where stories live. Discover now