04. SLEEPOVER

21 1 0
                                    


BRENT.

"By next week, you will practice overtime for your incoming championship game with Freston University.."

I was currently drinking in my tumbler when our Coach had an announcement. Nag high-five kami nila Deo at Timothy. Nakisali rin ang iba pa naming teammates.

"Easy lang 'yan, Dencel Ong ba naman team captain,"pagyayabang ni Deo.

"Action is better than words, kaya practice more at galingan niyo nalang sa final."

Marami pang reminders si Coach bago kami nakauwi. Madilim na sa labas at makulimlim pa ang ulap. Binuksan ko kaagad ang cellphone nang maisip si Shan.

I click the call button and excitement run through my heart as it flutter by just seeing her answering the call.

"Hello?"

I bit my lower lip while opening my car's door. After a long day, mapapawi lang ang pagod ko kapag narinig na ang boses niya.

"Hi love.." I responded right away."Nasa bahay kana? Have you done already your report?"

Sunod sunod na tanong ko.

Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko pagkatapos akong atasan ng nanay ni Shan na samahan siya sa bahay nila dahil aalis siya patungong probinsya.

"Oo, hinatid ako ni Wyatt. Ikaw? Tapos naba practice ni'yo?"

I felt relieved after hearing it. Buti nalang ay hinahatid siya ni Wyatt kapag wala ako dahil mababaliw talaga ako sa pag-aalala kung hindi niya ihahatid si Shan.

"Hmm, yes love. Pauwi na'ko, may ipapabili kaba?"

"Blueberry cheesecake lang, thank you!"she answered adorably.

Anything for you my love.

"Got it. Just wait for me, okay?"

"Okay!"

Bata pa lang kami ay mahilig na si Shannel sa blueberry cheesecake. Kung hindi naman cheesecake ay street foods. Sa tuwing sinusundo ko siya ay tuwang tuwa akong makita siyang ine-enjoy ang kinakain niya.

Just by seeing her happy enjoying her food, mabubusog na rin ako.

I stop by Trish's to buy the cheesecake she wants and I directly head home to her after. Malayo pa man ako sa gate nila ay tanaw ko na siyang naghihintay sa pagdating ko.

By then, I realized gaganahan lang akong umuwi kapag siya ang uuwian ko.

"Hi! How's your day?"she smile lively, getting the paperbag from my hand.

"Sobrang pagod kanina, pero nandito kana, kaya pwede bang magrequest ng yakap?"panunuya ko.

Inirapan niya lang ako at nagngingiting pumasok sa loob ng bahay nila. I chuckled and happened to brought my bagpack with my clothes and personal things.

Nalanghap ko kaagad ang mabangong amoy ng sinigang. Hahanap paba ako ng iba kung ang lahat ng paborito ko ay alam na niya?

"Magbihis ka muna sa taas, maghahain ako ng hapunan."

"Yes, madam."she just chuckle at my response.

Dumiretso na siya sa kitchen at pumanhik naman ako sa taas. May tatlong kwarto dito sa bahay nila Shan kaya doon ako sa guestroom nagtungo. Nang makitang may cabinet roon ay inayos ko na ang mga gamit ko bago naligo.

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Where stories live. Discover now