18. A MOMENT TO REMEMBER

22 2 0
                                    


Labis ang pagkamangha ko nang mapamilyaran ang lugar. Ang hospital ni Brent na tinatapakan ko ngayon, ito ang hospital na pinanggalingan ni Mama noon.

"Good noon, Doc, Dra." few nurses greeted us.

We greeted back. Hindi ko inaasahan iyon. Akala ko ay si Brent lang ang babatiin nila. Mas hinigpitan ni Brent ang pagkakahawak sa kamay ko bago namin tinahak ang hallway.

"Diba sabi sa'yo, may girlfriend na si Doc. Gimenez.."
"Ang ganda niya pala talaga sa personal.."
"Magaling pa.."
"Bagay talaga sila 'no?"

They were some chitchats from Doctors and Nurses every time we passed by. Hanggang sa narating namin ang opisina ni Brent.

I don't know what exactly to feel when we finally got inside his office.

Dahan-dahan ang pag-angat ng tingin ko sakanya dahil sa pagkamangha sa nakita.

The wall of his office are full of picture frames. And the pictures inside was us. There was the one when we we're in Tagaytay and Boracay. Yung litrato na nasa Skyranch kami. Yung iba naman ay madalas stolen shots ko na maganda naman ang kuha.

Tuwing bumibili ng libro para sa Dental at para sa reporting ko. Tuwing nasa Trish's kami at sumusubo ako ng blueberry cheesecake. Mayroon rin noong Junior High School pa kami.
Nasa may hagdan ako. Naalala ko, ito yung panahon na sobrang saya ko dahil nakapasa kami sa lahat ng exam.

A lot of memories that he turn into frames. Hindi ko namamalayan na may luha na pala sa gilid ng mata ko kung hindi lang ako kinalabit ni Brent.

"It's beautiful... isn't it?"he asked, chuckling a bit.

I nodded."Malamang ako yan e," I kid.

"Siyempre, may mas maganda paba sayo?" he teased too.

Napailing-iling ako sakanya."Bolero."

Hinila niya ako at pinaupo sa swivel chair. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng kaniyang coat at pinunasan ang pisngi ko na nabasa dahil sa luha.

"Noong nasa Seattle ako... pagkatapos ng daily check-up ko, pumupunta ako sa mga Photoshop para dyan."tinuro niya ang mga frames.

"You had a big smile before.."muli akong nag-angat ng tingin roon.

"At dahil yun sa'yo."

Hinayaan kong mamula ang tenga dahil sa ineresponde niya. Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang dalawang kamay ko.

"And now that I'm back...you will witness that smile everyday." he smiled sincerely at me.

Everyday.

For how long?

Iwinaglit ko yun sa isipan. Ilang saglit lang rin ay may kumatok sa pintuan ng opisina ni Brent. Iniluwa nito ang isang nasa mid 50's na lalaking Doktor, si Dr. Emelton Georis. Agaran itong ngumiti sa akin nang mapansin ako.

"Doc, si Dra. Shannel Vivaldi, girlfriend ko."hindi ko inaasahan ang pagpapakilala ni Brent sa akin.

Makahulugang ngumiti ang dating Doktor ni Mama at muling nilingon si Brent.

"Let's do your check up now, Doc."si Dr. Georis bago ako nilingon."You can come with us, Dra. Vivaldi."

Ngumiti ako at tumango kay Dr. Georis bago tumayo. Hinintay ako ni Brent, inabot niya ang kamay ko at sumunod kami kay Dr. Georis.

Nang narating na namin ang Room 101 ay napakagat labi na ako. Ito ang unang check up ni Brent na kasama ako. Napahigpit ang pagkahawak ko sa kamay niya at marahan itong napisil dahil sa pangamba ko.

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Where stories live. Discover now