OBSESSION 8

458 3 0
                                    

Kianna Sanchez

Simula noong bata pa ako masaya kaming pamilya kahit busy si daddy sa work niya binibigyan niya pa rin kami ng oras ni mommy. Pero sabi nga nila hindi lahat ng pamilya nabibiyaan ng masaya at buong pamilya. Iniwan kami ni daddy noong nabuntis niya ang secretary niya, kami nalang ni mommy ang magkasama at nagtutulungan. We have small business a flower shop, doon kami kumukuha ng pang gastos ni mommy sa pang araw-araw. Nasa 1st year college ako nong iwan kami ni daddy, nag apply nalang ako ng scholarship sa school ko sa Suarez State University noong nag 2nd year ako para ipunin na lang namin yung pera na ibabayad ko sa tuition.

Pero nawala rin sa piling ko si mommy nong nalaman ko na may diabetes siya at sobrang lala na she died, sinubukan kung manghingi ng tulong kay dad pero minamanipulate lang siya ng dating secretary niya. I hate him, I hate them kaya never na akong humingi ng tulong sa kanila at ayaw ko na silang makita sila ang sinisisi ko sa pagkamatay ni mommy dahil kung tinulungan nila kami buhay pa siguro siya ngayon.

Binenta ko noon ang bahay namin para sa pagpapagamot ni mommy pero nauwi rin sa wala, tanging flower shop nalang namin ang ala-ala ko kay mommy. Kaso lahat ng kinikita ko don ay hinuhuthutan lamang ako ng magaling kung tiyuhin doon ako nakatira sa kanila pero noong namatay si tita ang asawa niya ay lumabas ang tunay niyang kulay. Then i decided to run away from him pero nahabol niya ako at muntik pa ako masagasaan. 

The last thing i knew ay nasa magandang silid na ako at may lalaki na nakatayo sa pintuan na may dalang tray ng pagkain. Marami akong tinanong sa kanya tila naiinis siya dahil pinagbintangan ko siyang siya ang nagbihis sa akin. 

Nasabihan ko siyang Mr. Masungit para kasing bad trip. But in the end ako na ang nauna na magpakilala at sunod siya, Edrene Jad Sandoval yan ang pangalan niya.

He's handsome, Tanned skin, well built body and muscle, the jaw, his eyes color is attractive its gray, he is so tall. I'm a Tourism student pero matangkad parin siya. Masarap ang luto niya no wonder he's culinary student. I call her Jad, sounds unique.

I cried when i can't control my emotions the way he stares at me, its creepy. Umalis agad kahit hindi niya pa sinasabi ang sagot sa tanong ko kung naiinis ba siya sa akin. Desperate na nga rin ako na matulog sa bahay nila Cheska kahit andon  ang mga pinsan niyang lalake, baka naiinis na sakin si Jad tsaka tinulungan niya na ako sapat na siguro yun. 

Nagulat nalang ako at sinabi niya kay Cheska na ayaw niya akong magselos kaya snobber siya sa mga tao. "Magagalit ang girlfriend ko kapag may pinansin akong iba, i don't want her to be jealous right love? i was shocked pero binawe rin ang pagkabigla ko at sinakyan na lamang siya baka magtaka at umusisa tong si Cheska.

Andami niyang kasinungalingan na sinabi kay Cheska. Noong wala na si Che kinulit ko siya habang naglalakad pabalik sa condo niya, " Hoy ikaw ha di naman ako na inform na boyfriend pala kita at girlfriend mo ako. Crush mo siguro ako no? Ikaw ha."

I want to laugh out loud because he's face turned into crimson red, cute. Pero tumigil na rin ako nong pinagbantaan niya akong hahalikan.  Pero hindi pa rin ako papatinag inasar ko naman siya pagkarating namin sa condo.

But in a serious matter humingi ako sa kanya ng isang pabor sa kanya na kung pwede ay huwag siyang ganon tumingin sa akin at sa sobrang bait e pumayag naman siya siguro minsan nalilimutan niya yun pero it's okay as long as mabait siya. 

Jad is a sweet person every time he's around I'm happy, i feel safe and alive. I don't know what kind of feelings i have for him. Natatakot akong ayawan niya ako sa estado palang ng buhay niya walang wala na ako, he is very caring and kind. 

Kahit noong may tampuhan kami sa school ay hindi niya hinayaan na lumaki ang tampuhan namin, kahit may tampuhan kami inaasikaso niya parin ako. Naguguluhan ako sa kinikilos niya pero natutuwa ako sa kanya, sobrang bait at maasikaso. 

Nagulat na nga lang ako kanina pagbukas ko ng bag ko may nakita akong malaking dutch mill at may sticky note pang nakasulat 'Sorry, please don't be sad.'

Napaka sweet kahit hindi naman talaga totally may relationship kami, basta ba wala siyang girlfriend ay okay lang maging sweet siya sa akin.

Gwapo e tatanggi ka ba don? 

Kinakabahan pa nga ako pumunta ngayon sa kanila dahil gusto ako makilala ng parents dahil nasabi niya daw sa kanila yung nangyari noong nakaraan, mabuti at nasa tabi ko lang si Jad para damayan ang nanlalamig kong kamay dahil sa kaba.

PAST 1:30 am in the evening i badly want to rest because of a tiring day andito ako sa mansion nila Jad dito na ako pinatulog ng parents niya kasi gabi na at medyo masama pa ang panahon. Malikot ako sa kama dahil hindi ako komportable naririnig ko kasi ang hangin sa labas ng bintana sa tingin ko may bagyo o kaya ulan lang.

"Ugh bakit ba kasi ang lakas ng hangin wala naman ako nabalitaan na may bagyo," inis kong sabi habang tumatayo tatakpan ko sana ng kurtina ang bintana pero bigla itong bumukas at napatili ako.

Sa bilis ng adrenalin rush ko ay sinirado ko agad ito at patakbong pumasok sa kwarto ni Jad, hawak ko pa yung isang unan ko. Ginigising ko siya dahil natatakot ako kahit dito nalang ako sa sofa niya ayoko na don natakot ako sa kidlat.

"Jad please wake up, Jad, Jad." ginigising ko siya at niyuyogyog konti baka masuntok ako nito kapag binigla ko ng gising.

Bumangon siya at halatang inaantok pa rin, pero ang gwapo pa rin kahit namumungay ang mata kahit nga ata may muta at tulo laway nito ay ang gwapo pa rin.

"What are you doing here? What happened?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Pumatong ako sa kama niya dahil kumikidlat na naman pero mas nakakagulat pa rin ang bintana don. "I'm scared Jad, kumikidlat dito na lang ako please. "naiiyak kong sabi para akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba.

"Okay baby dito ka na lang matulog, SHSHSHSHS don't be scared." inaalo niya ako at hinihimas ang likuran ang init ng kamay niya para akong nakukuryente.

Tila nawala ang takot ko, this man in front of me is my home and safe place. He gave me life and light again.

"You can hug me if you are scared." niyakap ko siya ng sobrang higpit baka nananaginip lang ako, ayoko siya mawala.

Tinignan ko siya sa mata niya napaka ganda pero nakakaakit para akong hinihigop, nagulat na lang ako at hinalikan niya ako at ng makabawi na ako sa pagkakagulat ay tinugon ko ang halik niya. Kinagat niya ang lower lips ko kaya napaungol ako konti, nainis ako at bigla niyang tinigil at nag sorry siya. Pero tama rin ang ginawa niya he respect me, another green flag for me, hinalikan ko rin siya ng biglaan para patas kami.

Dahil sa katahimikan nasabi ko na I like him, I'm shy but of course I'm scared dahil baka ayaw niya sa akin. Kaya sinabi ko na hindi ko naman siya pinipilit na magustuhan rin ako sapat na sa akin na alam niya.

Nagulat lang din ako at nauutal niyang sinabi na gusto niya din ako. At lalong hindi magkamayaw ang puso ko dahil tinanong niya ako kung pwede niya ba akong ligawan. Sobra-sobra pa ang blessing na binibigay sa akin ng Panginoon.

Magkayakap kaming natulog ni Jad na may ngiti sa mga labi pero hindi rin ako agad naka tulog dahil sobrang saya ko pa din lalo gusto ako nang taong gusto ko ang isang Sandoval ay magkakagusto sa isang tulad ko? Lahat ng first namin ay nagawa namin sa isa't isa; first kiss and first love.

May biglang pumasok sa isip ko ang hindi na lang namin nagagawa ay--

Hindi ko na tinuloy ang iniisip ko dahil nag iinit ang mukha ko. "Ano ba yan Kianna bakit mo pinagnanasaan ang tulog ha, bakit ang halay mo???" pangaral ko sa sarili ko.

"Muntikan na nga yung kanina kung hindi nag pigil si Jad ano ka ba mag tapos ka muna ng pag aaral mo at mag explore bago yang iniisip mo ha!" pagalit kung sabi sa utak ko.

Pero tinignan ko ang kanyang maamong mukha at iniisip ko na lang paano niya ako liligawan, sobrang swerte ko dahil ang panganay ng mga Sandoval ay gusto at liligawan ako.

May ngiti ako sa labi bago matulog sana hindi panaginip ang lahat sana ganito lang kami palagi.

I always admire the whole you my love, Jad.





Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now