OBSESSION 23

324 3 0
                                    

Kianna Sanchez

"Linda, can you help me with my shoes. Hindi ko na kaya magsuot dahil sa tiyan ko." 

Nandito si Linda ngayon sa bahay dahil sasama siya ngayon sa OB-gyne ko, tinawagan ko si Matthew kanina kung malapit na ba raw siya at sinabi niya na mga 30 minutes pa siguro bago siya makarating dito. Kaya nag ayos na lang ako ng sarili ko dahil mabagal ako ngayon kumilos dahil malaki na ang tiyan ko, mamaya na rin malalaman ang gender ng kambal ko. Kinakabahan ako na excited pero alam ko na kakayanin ko ang lahat ang sabi naman ng doctor sa akin na healthy ang mga anak ko, wala rin palya si Matthew sa pagbili ng mga vitamins at gatas para mas lalong maging healthy ako at ang mga anak ko.

"Maupo ka diyan at ako na mag susuot para sa aking Cinderella." panunukso nito sa akin.

Nginusuan ko siya, "Huwag ka na lang kaya sumama si Matthew lang naman ang ipinunta mo doon at hindi ako." kunwari ay nagtatampo ako

"Ito naman 'wag kang malungkot diyan, papangit 'yang mga anak mo sige ka."

"Oo na, tapos ka na ba sa ginagawa mo?" inalalayan niya ako tumayo.

"Yas! Dala ko na rin yung cellphone ko kukuhaan kita ng pictures mamaya."

Parang mas excited pa siya kaysa akin pero nakakatuwa rin siya dahil inaasikaso niya ako dito sa bahay, kahit papaano ay gumagaan ang trabaho ko. Minsan kapag may cravings ako ay siya ang bumibili nun nahihiya na nga ako sa kanya, pero sinasaway niya naman ako na 'wag na mahiya dahil masaya daw siya na matulungan ako.

Suot ko ngayon ang maternity dress na bigay niya sa akin noong nakaraan, bumabagay ito sa akin marunong talaga siyang pumili. Kulay puti ito at may crisscross V-line sa dibdib at maliit na sleeve, bagay na bagay sa akin flat shoes lang ako ngayon na nude color. 

"Nga pala bestie, kaunti pa lang ang mga damit ng mga anak mo kailan mo balak dagdagan sasama ako." tanong niya habang tinutupi ang mga ginamit niyang damit.

"Itatanong ko kay Matt, ayaw niya ako palabasin dito sa village at naiintindihan ko naman siya." sabi ko habang hinihimas ang umbok kung tiyan.

"Kung sa bagay baka mapaano ka pa, pero pwede ka naman mag disguise kung gusto mo at magpasama tayo kay Matthew." 

Gusto ko rin sana na ako ang pumili ng gamit ng anak ko dahil responsibilidad ko rin yun bilang magulang. 
"Sige magpapaalam ako kay Matt, bibili na rin siguro ako mamaya habang nandito pa siya Baguio. Nahihiya na rin akong istorbohin siya dahil may trabaho din naman siya." 

"Hindi na nga rin siya sumakay ng barko para doon maging chef, luckily may family restaurants sila at maraming branches yun na lang muna ang inaasikaso niya." dugtong ko.

"Ang bait talaga niyan ni papi Matthew, gusto ko tuloy siya maging asawa." kinikilig niyang sabi sa akin.

Nako! Kung alam mo lang gaano kaloko ang lalaki na yan.

BEEP! BEEP! BEEP!

"Matt!" tawag ko sa kanya, binuksan ko agad ang pintuan at pinapasok siya.

"How are you here Kianna?" tanong niya sa akin habang paupo na siya sa sofa si Linda naman ay dinalhan siya ng tubig.

"Thanks Linda." sabi niya nang mailapag na niya ang tubig sa mesa.

Nakangiti lang si Linda at pinipigilan ang kilig.

"Mag pahinga ka muna Matt, mamaya na lang muna tayo umalis naka ready naman na kami." sabi ko habang paupo sa sofa.

"Gusto mo bang kumain Matt? Pinagluto ko kanina si Kianna ng pagkain may natira pa naman." si Linda naman ngayon ang nagsalita ang formal niya kapag nasa harap ni Matt natatawa na lang ako sa isipan ko sa ginagawa niya.

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now