OBSESSION 17

416 4 0
                                    

"Jad, nakahanap na ako ng bagong apartment to stay." bungad sa akin ni Kianna.

Kumunot ang noo ko "At bakit ka naghahanap ng apartment?"

"Sayo naman itong condo hindi sa akin 'to. Nahihiya na rin ako kila tita, 2 days na lang naman at gagraduate na tayo makakahanap na ako ng work non." sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"What's mine is yours, love." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga palad niya.

She sighed deeply, "Kahit na Jad wala nga akong nagagawa dito para makatulong sa mga gastusin."

"Hindi mo kailangan mag bayad o kung ano pa man, you are my girlfriend, i have the rights to take care of you. Kahit wala pa akong karapatan na yan kung gusto kita alagaan, aalagaan kita sa ayaw at sa gusto mo." sabi ko sa kanya.

Gusto ko dito lang siya sa tabi ko, yung nakikita ko siya palagi. I gave her all of my assurance.

"But-"

I interrupted what she wanted to say, nilagay ko ang hintuturo kung daliri sa labi niya.
"Kapag sinabi kung dito ka lang, dito ka lang okay? Ayoko na pagtalunan natin 'to, gusto ko nakikita at na kakasama kita."

"Jad..."

"Please love?" i pouted my lips.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya, "Okay kung yan ang gusto mo." She smiled at me and caressed me on my cheek.

"Good, don't be mad. Nag aalala din ako sayo kapag hindi kita nakakasama, kung gusto mo mag work may shop ka naman para na rin maasikaso mo na rin yun if you want?" 

Hawak ko sa palad ko ang kamay niya na nasa pisngi ko pa rin. 

"Yan din ang naisip ko dahil ayaw mo naman ako pabukurin at pag trabahuin sa iba."

"Don't tease me about my decisions, pwede ka naman kumontra kapag ayaw na ayaw mo talaga. Just give this a try." Hinawakan ko siya sa bewang hinapit palapit sa akin.

I heard her gasp.

"No Jad i understand, malapit na rin naman ang graduation siguro aasikasuhin ko na lang muna ang shop ni mommy." she smiled.

Umupo ako sa sofa at hinila siya paupo sa kandungan ko, nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan siya sa labi. Nang maabot ko siya ay hinalikan ko agad yun at tumugon siya habang lumalalim ang halikan namin ay tumunong ang cellphone ko, pero di ko yun pinansin at patuloy pa rin na hinahalikan siya. 

"U-Uhm.. Jad your phone." Lumalayo sa akin si Kianna pero hindi ko yun pinansin at inaabot pa rin ang mga labi niya.

"Stop it Jad, just answer the phone baka importante yan." tumayo na agad si Kianna at naninigurado na sasagutin ko ang tawag.

"But love..." i hissed.

"Edrene Jad!" 

Patay! Buo na niyang binanggit ang pangalan ko, dapat na talaga akong matakot at sumunod.

"Ito na sasagutin na huwag na magalit misis ko!" i winked at her.

Nakita ko siyang humawak ng flower vase at ihahagis sa akin, tumakbo ako na tumatawa pa rin habang papasok sa kwarto namin at don ko sinagot ang tawag.

"Hay nagiging Amazona na si Kianna!" sabi ko habang dinudukot ang phone ko sa bulsa ng jeans ko.

Mama: Calling.

"Ma, napatawag ka?" Bungad ko sa kanya.

"Kanina pa ako tumatawag Edrene ang tagal mo sagutin."

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now