OBSESSION 24

296 3 0
                                    

Kianna Sanchez

Nililipat na ni Matthew ang mga gamit na naroon sa kwarto na tinutulugan ko, nilabas niya dito sa sala ayaw niya naman ako pa tulungin kaya nagluto na lang ako. Natuto na rin ako magluto simula nung nandito na ako sa Baguio tinuruan ako ni Linda pero yung mga basic lang muna karamihan halos mga prito.

I cooked hotdog and eggs for our breakfast, luckily ang mga anak ko hindi ako pinapahirapan sa pagbubuntis ko ngayon. Noong 1st semester ko ay nagsusuka ako sa umaga normal day sa mga buntis, hindi ako iniwan noon ni Matt. Palagi niya daw palusot ay nasa bakasyon siya o kaya naman ay may inasikaso, nakakapag sinungaling siya sa parents niya dahil sa akin i felt bad that time until now. 

Pero noong nasa 2nd trimester na ako ay nakakayanan ko naman sa umaga , my morning sickness usually lessens by this time, and the extreme tiredness and breast tenderness usually ease up. Kaya nakakauwi na rin si Matt sa kanina kaya sabi ko sa kanya umuwi na lang siya sa kanila at tuwing weekend na lang pumunta kung gusto niya. 

"Breakfast is ready, Matt. Kain ka muna para may lakas ka." sabi ko sa kanya habang dumudungaw sa kwarto.

"Coming." sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

Inalalayan niya ako bumaba ng hagdan at pinaghila niya na rin ako ng upuan bago siya umupo sa upuan niya. "Bibili ako mamaya ng mga pintura anong kulay ang gusto mo?" tanong niya habang nilalagyan ako ng pagkain sa pinggan ko.

"Wait, mag search ako ng color." sabi ko habnag inaabot ko ang cellphone na nasa tabi ng upuan ko.

"Isasama ko si Linda mamaya kapag namili ako ng kailangan dito, huwag ka ng sumama  malapit na mag 7 months yang tyan mo." 

"Okay, bilhan niyo na lang ako ng mangga tapos alamang. Yun mangga hilaw ah o kaya maniba hehe nag crave ako." sabi ko habang nginunguya ang pagkain ko.

"Sige dadamihan ko stock mo na rin, ano nakapili ka na ba ng kulay?" tanong niya dahil tapos na siya kumain.

Ang bilis naman nito kumain, "A-Ah oo ito oh..." pinakita ko sa kanya ang color na gusto ko.

"Iceberg #74b3ce and Skye blue #87ceeb, okay got it." sabi niya habang nililista sa phone niya ang napili kung kulay. "Finish your food dito lang ako sa kusina may gagawin lang ako."

"Okay." at pinag patuloy ko na ang pagkain ko.

"Good morning Bestieeeeeeeeee!" tumitili si Linda palapit sa akin.

"Huwag mo akong gulatin Linda baka mapaanak ako ng wala sa oras." pagtataray ko sa kanya.

"Ito naman si buntis sorry na may binili kasi ako sayo."

Tinigil ko ang pagkain ko at hinarap siya, "Parang araw-araw na lang may binibigay ka sa akin HAHAHAHA ano ba yan?"

"Ito LED lights para sa kwarto ng kambal." 

Pinakita niya sakin yun ang ganda moon shape na LED tapos mga stars na maliliit.
"Ang ganda naman nito baka mahal ito Linda ha." pangaral ko sa kanya.

"Ano ka ba libre lang yan, binigay yan ng kaibigan ko dito sa village hindi daw yan nagamit ng anak niya." sabi niya habang binabalik sa ayos ang mga yun.

"Salamat, ilagay mo yan doon sa taas para ayusin mamaya. Bibili daw muna ng pintura at ibang kailangan sa nursery si Matt sabi niya sa akin samahan mo raw siya." 

"Sige, gusto ko na rin tumulong sa pag aayos para matapos na." sabi niya habang inaayos pa rin ang na buhol na wire sa LED na hawak niya. 

Nagpipigil lang ito ng kilig i feel her.

"Matt!" tawag ko sa kanya at lumabas na man agad galing sa sala.

"What do you want?" sabi niya habang hawak ang newspaper.

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now