OBSESSION 20

338 4 0
                                    

"Pakilagay na lang po doon manang."

"Ate Daisy doon na lang po 'yan sa may sala."

Naririnig ko ang boses ni Kianna pag baba ko ng hagdan, I looked for her earlier in the bed but she wasn't there so I went down immediately. Nakatayo siya ngayon at may mga hawak na flower vase sa magkabilaan niyang kamay, tumikhim ako para mapansin niya ako at hindi nga ako nagkamali.

"Oh you're here na pala Jad, good morning." pagka sabi niya ay binaba nya ang hawak niyang mga vase.

Lumapit na rin ako sa kanya, "Good morning, love." i hugged her.

"Tara kumain na tayo nauna na kumain sila mama at papa mo kanina sumabay na rin si Reign si Caleb hindi daw umuwi." sabi niya habang hinihila ako papunta sa dining area.

"Okay let's eat."

Habang kumain kami ay nagkukwento ito sa mga gagawin niya mamaya, nag volunteer pala siya kila mama na siya na ang mag manage sa venue.

"And then sa mga drinks later it is assorted para may pamimilian ang guests, darating na yun mga 11:30."

"You seemed busy today."

Napatigil siya sa pagkain nya at napahawak siya sa sintido niya. 
"Are you okay?" napatayo ako at lumapit sa kanya

"I'm okay nahilo lang ako, maaga din kasi ako nagising kanina." sabi nya habnag nakapikit ang mga mata niya. I took her glass and filled it with water and made her drink it to somehow make her feel better.

"Huwag ka na tumulong sa pag aasikaso mag pahinga ka na lang ngayon. Gusto mo ba mag pa check up baka may sakit ka."

Natawa naman siya sa sinabi ko, "And why are you laughing?" kunot noo kung tanong.

"Stop overreacting Jad nahilo lang naman ako, mag papahinga na lang ako saglit tapos tutulong ulit ako mamaya okay ba yun sayo?" she asked me.

"NO!" tinitigan ko siyang masama. "Nahihilo na ka na nga tutulong ka pa kaya naman yan ng mga event organizer, mamaya mahimatay ka dyan what if mabagok ang ulo mo."

"Please Jad..." she pleaded and do her puppy eyes.

Goddammit i can't resist this woman.

I sighed wala na akong laban,"Okay pero be careful, you should rest first. Iaakyat na kita ngayon at aalis din ako pupunta akong office ni papa ngayon."

"Ano gagawin mo don?" tanong niya habang tumatayo sa upuan at inalalayan ko naman siya.

Hinawakan ko siya sa bewang niya at naguumpisa na kami maglakad paakyat. "Ako muna ang pipirma sa mga documents na naiwan niya, sinabi sa akin ni papa yun kagabi. may inaasikaso ata siya ngayon kaya hindi muna siya pumasok."

Nasa tapat na kami ng kwarto namin at binuksan ko na yun, "I thought Reign will manage your family business?"

"Yes, siya pa rin pero hindi pa naman binibigay sa kanya ni papa ang company. Dahil ako ang panganay ako ang pipirma sinabi na yun ni papa sa akin, dahil as of now ako ang mas pinagkakatiwalaan ni papa sa business." pinaupo ko na siya sa kama at sumadala naman siya sa headboard.

"So, hindi naniniwala si Tito kay Reign?" she asked.

"May tiwala naman si papa pero mas valid ang pirma ko dahil ako nilagay ni papa sa emergency notice niya na ako ang pipirma at mag manage habang hindi pa niya binibigay kay Reign. Pero for the meantime lang naman." hawak ko ngayon ang mga kamay niya at hinahawi ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya.

"Okay, gets ko na."

"Magpahinga kana don't stress yourself too much, may mga tauhan naman sa labas."

Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maligo nag tagal din ako mga ilang minuto, paglabas ko ay may mga nakahanda ng mga damit sa kama. Nakasandal lang si Kianna sa headboard hindi ito humiga dahil kakatapos niya lang kumain.

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now