OBSESSION 31

383 6 0
                                    

Kianna Sanchez

Nagising ako around 2am in the morning dahil nauuhaw ako, tumayo na ako ng dahan-dahan at nakita kong naka bihis na ako ng duster at tulog naman si Jad sa gilid ko. May tubig naman dito sa kwarto para hindi na ako bumaba at mini fridge incase na magutom ako.

Pagkainom ko ng tubig ay biglang kumirot ang tyan ko para akong naihi, wala naman akong natapon na tubig kanina. Binuksan ko ang ilaw na ilang hakbang ko lang para makita ko kung ano yun.

Pumutok na ata ang panubigan ako at napaaga ang panganganak ko, tinawag ko si Jad dahil kumikirot na ang tyan ko.

"Jad!" tawag ko pero hindi pa rin nagising.

Ayoko mag panic dahil alam kung hindi naman nakakatulog at nakakabuti yun.

"Jad! Jad! WAKE UP." nilakasan ko ang boses ko

"Hey! What happened bakit ka andyan?" tanong niya habang pumupungas pungas ang mata niya.

"Pumutok na panubigan ko."

Kinunutan niya ako ng noo, "Bakit mo pinutok?"

The fuck!

Napahawak ako sa noo ko at sa bewang, "Nananaginip ka pa siguro. Manganganak na ako punyeta ka."

Lumaki naman ang mata niya at biglang lumapit sa akin, "Halika kana pumunta na tayo ng hospital. Dalhin mo 'tong cellphone ko contact mo si Doctora Maddy, then call Matthew and Linda while I am driving."

Inalalayan niya ako pababa sa hagdan at sumakay ako sa kotse bumalik naman siya sa loob para kunin ang mga nakahandang gamit ng mga anak namin.

Nilagay niya yun sa backseat at pinaandar na ang kotse, ako naman ay tinawagan muna si Doctora. Hindi si Doctora mismo ang sumagot ng tawag kung hindi ang staff nya.

Pagtapos nila ay si Matthew naman naka dalawang tawag ako bago niya sagutin at halata sa boses niya ang antok.

"Ano ba yun Sandoval?" bungad niya.

"Si Kianna 'to Matt. Tinawagan kita kasi manganganak na ako nasa byahe na kami ni Jad, paki puntahan naman ng bahay at pakuha ng ibang gamit ni baby alam na yun ni Linda." sabi ko habang hinahaplos ang tyan ko.

Binaba ko na rin ang tawag dahil ayaw ko na magsalita pa, mabuti at walang traffic dahil madaling araw na.

"Are you okay, love? Saan pa ba ang masakit sayo?" sunod-sunod na tanong niya.

"Focus on the road, I'm okay."

After how many minutes nakarating na kami sa hospital may nakaabang agad doon na wheelchair para sakin.

"I will do some test to you iha" sabi ng isang midwife.

"Saan po si Doc Maddy?" i asked her.

"She's on her way."

Tumango na lang ako at hinayaan silang kuhaan ako ng mga test, nasa tabi ko lang si Jad at hawak ang kamay ko.

"I will call mama, do you want me to call your dad?" Jad asked me like he was making sure that I am not going to mad.

"Sure" i smiled to him

Narinig kong tinawagan niya na ang mga magulang niya sunod si daddy.

"Mag chochopper sila papa dito kasama ang mga kapatid ko. Ang daddy mo naman nasa malapit lang sa Baguio for some business matters, and he's on his way na dito." he smiled at me and caressed my hands.

"Mrs. Sandoval i suggest na maglakad lakad po kayo kaunti para mas lalong mabilis ang paglabas ng kambal, malapit na po si Doctora." sabi nong babaeng nag last ultrasound sa akin.

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now