OBSESSION 21

299 3 0
                                    

Maaga pinatapos nila mama ang party dahil nagkakagulo na sa bahay, pagpasok ko sa mansion ay nakita kung sinampal ni mama si Felicia. Umaawat naman sila papa at Reign si Caleb ay kalalabas lang ng kusina at may dala na tubig at gamot ni mama.

"Umalis kana dito Felicia, kapag may nangyaring masama sa mama ko hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo!" galit sa sabi ni Caleb.

Kinaladkad ko si Felicia na ngayon ay umiiyak.

"I'm sorry po Tita hindi ko lang na pigilan ang sarili ko kanina, mahal ko pa rin po si Edrene." nakaluhod na siya ngayon at nagmamakaawa.

"Tumigil kana Felicia, lumayas ka dito. Dahil sa oras na may mangyari kay Kianna mag tago kana sa bawat sulok ng mundo, papatayin kita." galit kung sabi at tinulak siya palabas sa gate ng mansion.

"Wala akong pakialam kung babae ka, lumayas ka rito." padabog kung sinarado ang pinto.

Pag kapasok ko ng bahay ay inutusan ko agad si Ate Daisy na tumawag ng guard at wag na palapitin dito ang babaeng yun.

"Mahal, tara na iaakyat na kita kami na dito ng mga anak mo ang mag aasikaso baka mapaano ka pa." pagpapatahan sa kanya ni papa.

"Cut all of your connections sa pamilya ng babaeng yun, dahil pag hindi pati ikaw damay sa galit ko!" galit na sabi ni mama.

Tanging tango na lang ginawa ni papa bilang tugon, ayaw niya na rin siguro pag alalahin si mama. Ganito na kamahal ng pamilya ko si Kianna, kasalanan ko kung bakit nag layas siya ngayon. Kasalanan ko rin kapag may nangyari sa kanyang masama, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"At ikaw Edrene ayusin mo 'to, matanda kana." sabay baling sa akin ni mama.

"I'm sorry ma, mag papatawag po ako ngayon ng mga private investigators para hanapin si Kianna."

Hindi na ako pinansin ni mama at umakyat na sila ni papa sa kwarto nila. Hindi na rin ako mapakali dito at tinawagan ko na ang mga kaibigan namin na private investigators.

"Ipapadala ko ang mga information tungkol sa kanya, at pwede rin bang paki check siya sa pamilya niya ngayon? Baka lumapit na siya sa papa niya at magpadala kayo ng mga tauhan sa puntod ng mommy niya." utos ko aa mga 'to.

Nag report na rin ako sa pulis para mas mapabilis. Hindi na ako makatulog dahil wala si Kianna sa tabi ko alam ko kung gaano ko siya nasaktan, gusto ko matulog para bukas may lakas ako na hanapin siya. Pero hindi ako makatulog kahit anong pikit ko, pinaghahagis ko na ang mga flower vase dito sa kwarto at nag tatalsikan na rin ang mga bubog.

Binuksan ko ang drawer na nasa side table ko para kumuha ng sleeping pills. Pero may naka caught ng attention ko ang isang red notebook at may nakasulat sa ibabaw na sticky notes.

I hope you like it, Jad.♡

Love,
Kianna

Binuklat ko ang notebook at nakalagay sa unang page, 'Memories with Jad'. Napaiyak ako nang buksan ko na ang sunod na page picture namin sa beach date namin. Sobrang namimiss ko na siya.

"Kianna, love please come to me." umiiyak kung sabi habang yakap ang notebook.

Tinignan ko lang yun habang umiiyak, kinukuhanan niya rin ako ng palihim nung nasa beach kami. Tapos meron pa akong nakita kumakain naman ako, meron din na nagbabasa ako ng mga libro.

Ang pictures din namin nung graduation ay nandito din may nakalagay pang sulat sa ibaba, "This person gives me a second chance to live and to be grateful everyday, thank you Jad."

Iyak lang ako nang iyak dahil sa pangungulila sa kanya, niyakap ko yun habang umiiyak hanggang di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"TUMAWAG sa akin si Kianna kanina at ang sabi niya ay hayaan lang daw muna siya at 'wag na mag alala." bungad sa akin ni mama pag baba ko ng hagdan.

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now