OBSESSION 25

300 3 0
                                    

Kianna Sanchez

They said that "Sometimes the people you wanted as part of your story are only meant to be a chapter." That's true because now I don't think of going back to my past, for my children I have to be strong. My life now has another chapter and i will make sure my babies my children are the ones who will benefit from the chapter of my life now, because they gave me hope to live and continue despite the cruel world i faced. 

Three days passed and same routine everyday, inaayos namin ang nursery ng mga anak ko ang swerte ko sa mga kaibigan ko ngayon na handa akong tulungan with judging me and my past. 

Inaayos ko na ang mga damit ng anak ko dito sa cabinet, yung cabinet na gamit ko ay ito yung mga pinag lalagyan ko ng damit noon. Gusto sana bilhan ni Matt ito ng bago pero hindi ako pumayag malaki naman itong cabinet masasayang lang, nahihiya na rin ako sa kanya dahil ang dami niyang gastos sa amin mag ina. Hindi ko naman pwede makuha ang sweldo ko sa flower shop ko dahil malalaman yun ni Jad, ang sabi sa akin ni Matt noon na si Jad ang nag manage ng shop ko ngayon. 

"Kia, hindi ka ba nagugutom? Nagluto sa baba si Linda at may sasabihin daw siya sayo." bungad ni Matt na nakasilip sa loob ng kwarto.

"Sige susunod ako mauna kana doon." 

Tumango na lang siya at umalis na, tumayo na rin ako at inayos muna ang mga tinupi ko mamaya ko na lang yun ilalagay sa cabinet.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakain na ang ulam nagluto si Linda ng sinigang na bangus. 
"May sasabihin ka daw Linda sabi ni Matt, ano yun?" sabi ko pag ka upo sa upuan.

"Eh bestie uuwi ako ng probinsya bukas, nagkasakit kasi ang nanay ko dadalawin ko lang sa hospital." sabi niya habang nag sasandok ng kanin 

Nilingon ko si Matt na ngayon ay tahimik at nakatingin lang sa pagkain niya. "Ihahatid mo ba siya Matt?" tanong ko kaya napaangat naman siya ng tingin sa akin.

"Yes!" he said in a cold voice.

"Huwag na bantayan mo na lang dito si Kianna."

"Okay lang ako dito, ilang araw ka ba doon?" tanong ko habang humihigop ng sabaw.

"2 days lang siguro sabi naman ng kapatid ko na bukas makakalabas na si nanay gusto ko sana ako na ang sumundo sa kanila sa hospital." 

"Ihatid mo na Matt, dito lang naman ako sa bahay at aayusin ko lang ang mga gamit ng mga bata. Mga damit na lang naman yun at konting ayos ng mga kailangan nila." 

Alam ko naman na gustong samahan ni Matt si Linda hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman yun, hindi ko na tinanong anong status nila hahayaan ko na sila mismo ang magsabi sa akin.

Nag usap lang kami habang kumakain pinag balatan na rin ako ni Linda ng mangga at ang sabi niya ay dadalahan niya daw ako ng marami kapag nakabalik na siya dito. Nag paalam na rin daw siya sa amo niya na uuwi muna sa probinsya nila at mababait sila at pinayagan si Linda. 

"I just remembered that you are about to give birth, have you thought of a name for your twins?"
Tanong ni Matt nandito kami ngayon sa sala at kumakain ako ng mangga, nagbabasa naman ng dyaryo siya sa kabilang couch, at si Linda ay umuwi muna sa bahay ng amo niya dahil may gagawin daw ito.

"I haven't thought of anything yet but maybe later or if I'm not doing anything when I think about it." i replied

"At kaninong surname ang ilalagay mo?" tanong niya habang binababa ang dyaryo.

"Of course sa akin ako ang nag pakahirap sa kanila, wala naman inambag yung magaling nilang ama." may inis kung sabi

"You know that's not true, hinahanap ka niya hindi naman kayo aabot sa ganito kung walang Felicia sa buhay ninyo."

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now