OBSESSION 12

456 5 0
                                    

Kianna Sanchez

Days passed at naging mabuti ang takbo ng relasyon namin ni Jad. Sinamahan niya ako sa flower shop namin nung pauwi na kami dinalaw ko lang ang shop to check and monitor, sabi naman ng staff at pinagkakatiwalaan kung manager ay marami naman ang bumibili sa kanila mostly couples and pang birthday ang inoorder. 

Pupuntahan ko siya sa canteen ngayon and as usual kasama ko si Cheska, pero bago pa man kami makarating doon ay hinarang ako ni Jared ang ex ko.

"Hi there Kianna sexy." bungad nito sa akin at hinimas niya pa ang chin ko.

"Ano ba Jared layuan mo nga ako!" galit kung singhal sa kanya.

Hinapit niya ako sa bewang ko at ako naman ay pinaghahampas siya sa dibdib.
"Let go of me!" sinampal ko siya.

"Bitawan nyo ako mga gago!" galit na sabi ni Cheska dahil hawak na rin siya ng mga kaibigan ni Jared.

"Bro palaban pala tong si Cheska ganito ang mga tipo ko e." pambabastos niya dito.

"Humanda kayo sa akin kapag ako nakawala dito isusumbong ko kayo sa principal mga gago!" Cheska in her deep and loud voice.

Nababastusan na ako dito kay Jared dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, andito kami sa ground ng school namin. Kailangan muna kasing tawirin ito mula sa Tourism department para makapunta sa canteen.

"Bitawan mo ako ano bang gusto mo!?"

"Ikaw bumalik ka sa akin" pang aakit niya sa akin.

"Ayoko ko sayo manloloko ka! Ang pangit ng ugali mo let go of me you bastard!" i shouted with frustration. 

Nakakadiri ang taong ganito mayaman nga pero napaka bastos hindi katulad ni Jad na mayaman din pero ang laki ng respeto at hindi mayabang. Speaking Jad sana makita niya ako dito para matulungan niya kami ni Cheska, may mga tao na rin na tumitingin sa amin pero hindi sila lumapit takot sila kay Jared dahil sa pwede nitong gawin sa kanila.

"Bitawan nyo na kami mga gago kayo!" singhal ni Cheska. Ako naman ay patuloy pa rin ang nagpupumiglas sa kanya

"Bakit ba ayaw mo sa akin Kianna ha? Mayaman naman ako hindi ka pa nag papahalik sa akin nung tayo pa, siguro nahihiya ka lang no?" he smirked at me.

Nagulat ako at bigla siyang lumapit sa mukha ko at pinag hahampas ko siya at nagpupumiglas ako, hahalikan niya na dapat ako at pumikit na lang ako at naiiyak. Pero maya-maya pa ay wala akong naramdaman i opened my eyes and saw that Jad punched Jared repeatedly while Jeremy and Matthew also punched Jared's friends.

"Jad stop please, tama na yan!" naiiyak kung awat sa kanya.

Nagbabawian lang sila ng suntok ni Jared, sinigawan ko ang mga estudyante na nakikisilip sa away nila. "Tumawag kayo ng guard bakit kayo nakatingin lang dyan?! Bilisan ninyo!"

"Oh my God Jeremy tumigil kana, tumigil na kayo!" nagpapanic na si Cheska.

"Jad stop! Jared umalis kana tumigil na kayo!" awat ko sa kanila.

*pprrrtttt*

Dumating na ang guard at inawat sila. 
"Tangina mo Sandoval ano bang problema mo ha?!" hawak-hawak ni Jared ang panga niyang may sugat at dumudugo.

"Problema ko? Ikaw. Don't you ever lay your filthy hands of my girlfriend!" Jad said with no emotions at makikita mo na madilim ang awra niya.

"Oooohh so she's your girlfriend ha? Oh well she is so boring hindi nga nya ako hinahalikan baka rin ikaw magsasawa ka rin sa kanya." He smirked.

"Gago ka talaga Jared layuan mo na nga si Cheska!" galit na singit ni Cheska.

"I don't care about your rants Sy, umalis ka dito bago pa kita patayin!" Madilim pa rin ang awra niya at seryoso ito, hawak ko lamang si Jad sa braso niya dahil baka ambahan niya si Jared mag aaway na naman sila.

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now