FOUR :

4.5K 37 0
                                    

- Quirro -

Agad kung binatukan si Dylan ng makalabas na kami sa aming office.

"Stop flirting my baby," inis na turan ko rito.

He laughs at me at pinaningkitan pa ako ng mata "She's not yours," ngisi nito sa akin.

"What about you Queven?" baling naman niya sa kambal ko.

"Do you feel the same way about Amor?" ngiti nito kay Queven.

"Nonsense," maikling sagot lang nito saka nauna ng nag lakad pa sa amin.

Kibit balikat lang kaming sumunod sa kanya, habang tumatawa si Dylan sa tinuran niya.

-
-
-

- Queven -

"Did I feel the same way?" natawa ako sa aking isip sa tanong ni Dylan.

Nauna na akong nag lakad papunta sa conference room at naupo na sa aking upuan.

"Start the meeting," saad ko sa mga taong na rito na kasama ko.

Seryuso akong nakikinig sa bawat usapan na nasa silid na ito.
Sasagot sa tanong, hihingi ng kanilang opiniyon o mag tatanong.

Magtatanghalian na rin ng matapos ang aming meeting kaya bumalik na kami sa aming office.
Hindi na sumama si Dylan dahil may lunch meeting pa raw ito.

"Mandy, order some food for us," saad ko sa aming secretary ng madaanan namin ito sa kanyang table.

I entered our office first and then looked around to find Thea.
She was sitting on Quirro's swivel chair and bowed down.

Narinig ko ang mahinang pag hilik niya ng lumapit ako.
Inalis ko ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha para makita ang kabuoan nito.

"Wake up, Little pig," mahinang tapik ko sa pisnge nito ng bumukas ang pinto.

"Hey," awat naman ni Quirro sa akin.

"Mamaya na pag nandito na ang food," saad pa niya saka lumapit kay Thea at tinanggal nito ang suot na suit na inilagay niya sa balikat ng babae.

After a few minutes dumating na ang mga pagkaen.
Ginising na ni Quirro si Thea habang ako nauna na akong nag sandok ng para sa akin at bumalik na sa table ko.

-
-

- Amor -

Masaya kaming kumakaen ni Quirro habang hindi ko pinapansin ang unggoy niyang kapatid.
Kala niya ba hindi ko narinig ang itinawag niya sa aking 'little pig' kanina.
Mukha ba akong baboy, tssk.

Actually, hindi naman na talaga ako tulog kanina ipinikit ko lang ang mga mata ko kasi nabobored na ako sa loob ng office nila.

Nalibot ko na ang buong office nila dahil sa tagal ng kanilang meeting.

"Don't touch anything," saad pa ng secretary nilang mukhang hilaw na hipon.

Hindi ba niya alam kong sino ako.
Ilang months na lang din ay magiging isang ganap na akong Marquiz because mommy and tito Anthony decide to give his last name to me.

Actually, ayuko talaga, umabot na nga ng isang taon kakapilit niya sa akin kaya pumayag na rin ako.
Nagtampo rin kasi si mommy na kesyo raw hindi ko tanggap si tito Anthony.

Tanggap ko si tito Anthony pero ang maging totoong kapatid si Quirro? REALLY?
Sino namang gugustohin maging kapatid ang lalaking gusto mo.

Minsan pinagsisisihan ko ang naging pag payag ko pero hmp naka process na kasi kaya wala na akong magagawa.
At saka heler alangan namang sabihin ko kila mommy at tito na 'ayuko po kasi crush ko si Quirro' puwedi ba 'yon? Shocks. Baka mapingot pa ako ng nanay ko.

So ayun na nga habang masaya kaming kumakaen ni Quirro ng lunch napapansin ko ang madalas na pag sulyap sa amin ni Queven lalo na pag mapapalakas ang tawanan namin.

Ako na ang nag ligpit ng pinag kainan namin saka dumungaw ulit sa glass window nila.

"Kuya, can you call Mommy?" saad ko habang nasa labas ang tanaw.

"Quirro isn't here," saad ng isang boses.

Hindi ko napansing kaming dalawa na lang pala ang narito.

"Can I borrow your phone...." huminga ako ng malalim "K-kuya," shit bakit ba ako kinakabahan sa pag tawag sa kanya no'n "Tatawagan ko lang si Mommy," dagdag ko na lang para maalis ang awkwardness sa dibdib ko.

"Natawagan ko na sila kanina. As of now, they're in Paris now," sagot nito habang nasa folder ang tingin.

Napangiwi na lang ako damot.
Umupo ako sa L-sofa saka binuksan ang malaking t.v.

I watched Netflix at doon na lang itinuon ang tingin.

Ilang oras pa ng naramdaman kong umaangat na ako sa ere.
Nakatulog na pala ako habang nanunuod.

Itinaas ko ang kamay ko upang iligay iyon sa kanyang batok at doon kumapit 'tsaka mas isiniksik ang ulo sa braso nito.

Napangiti akong lihim ng hindi siya mag reklamo, kaya mas lalo ko pang naamoy ang manly scent niya.

But... pero napamulat ako bigla.

"Q-Queven?" tanong ko sabay tanggal ng kamay sa batok niya.

Tumingin lang siya sa akin sabay ngisi.

"Seems you like it," tudyo nito sa akin.

"Paki baba na ako.... kuya," umiwas ako ng tingin.

"Look at me, Thea," matigas niyang saad ngunit umiling ako.

"I said...."

"Ayuko," matigas ko ring sagot.

Kahit pinatigas ko ang aking boses ay hindi ko maikakailang nanghihina ako.
Nanghihina ako sa muling pag didikit ng mga katawan namin.

Ibinaba niya ako sa back set at umikot na sa driver set.
Gusto ko sanang tanungin kong nasa'n si Quirro pero nanatili na lang akong tahimik.

Minsan mapapansin ko siya na susulyap sa rearview mirror kaya umiiwas pa rin ako.
Pag dating sa bahay ay hindi ko na siya hinintay pang pag buksan ako, bumaba na ako agad at pumasok sa bahay.

Sumalubong sa akin si nanay Karmen at bumati, binati ko rin siya pabalik saka nag tungo na sa aking silid.

I slammed the door at pabagsak na dumapa sa kama.
Inabot ko ang aking cellphone sa side table saka nag punta sa gallery, seeing our private photos is so damn pain.

Photos that we shared. Photos that we meant to... meant to.
Napabangon ako sa kama ko saka pumasok sa cr.
Doon na bumuhos ang muling naungkat na sakit.
Mga alala-alalang hindi na dapat binabalikan.

I know I was young before, sixteen?
Oo labing anim na taong gulang ako ng makilala ko siya.

Nang makilala ko ang lalaking una kong minahal, ang lalaking nag paranas sa akin ng pag mamahal kahit na tago ang relasyon namin.
Minahal? Minahal nga ba niya ako, kong gano'n din naman niya kabilis akong isinuko.

----

Hi 👋
Like and comment💙

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon