FORTY-SEVEN

1.1K 23 0
                                    

- Amor -

Gabi. Dumating na rin ang mga pulis na kaninang nasa school nila Thalia at Artemis.

"Anong pong balita?" tanong ni mommy.

"Natagpoan na po namin ang van," napatingin ako sa nagsalita
"Ngunit inabandona na po ito at sinunog pa," dagdag pa niya.

Akala ko nabuhayan na ako ng loob pero ng marinig ang pangalawang sinabi niya ay para na namang gumuho ang katawan ko.

Napahilamos ako sa aking mukha at isinabunot ang dalawa kong kamay sa aking buhok.

"Nakita po namin ito," iniabot sa akin ng isang pulis ang I.D.

Napatingala ako. Nanginginig ang aking kamay na inabot iyon.

"Oh my god," nausal ko ng makita na kay Thalia iyon.

"My Thalia," hagulhol ko.

"Mom," napakapit ako sa braso ng ina ng yakapin ako nito.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, lungkot, pero mas matimbang ang panghihina.

Little by little, all the strength in my body is gone.
I feel suffocated. I feel my body tingling.

Napalingon ako ng mag ring ang cellphone ko na nasa aking bag.
Tinignan ko lang 'yun pero ayukong sagotin.

"Ma'am, maaari niyo po bang sagotin ang tawag baka po kasi ang mga kidnaper na iyan," saad ni SPO3 Santos.

Kinuha naman ni mommy ang bag ko saka iniabot sa akin ang cellphone.
Tumango si mommy na sagotin ko ang tawag.

Kagaya kanina nanginginig pa rin ang kamay kong inabot iyon at tinignan ang caller.
Unknown number, tama nga si SPO3 baka nga ito ang kidnaper.
Agad kong sinagot 'yun pero malakas na iyakan ang sumalubong sa akin.

"Mommy,"

"Mama,"

Ang mga boses nila ay parang nanggagaling sa pinaka ilalim kong saan man sila banda.

"Thalia, Artemis?"

Isang malakas na halakhak kasabay ng pagsigaw ng mga anak ko.

"Do you want to see them, E?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Who E?" takang tanong ko at malakas na naman siyang tumawa.

Nakakakilabot ang tawa niya. Tinataasan na ako ng balahibo dahil doon.

"Please give me back my daughters, Mister," pagmamakaawa ko.

Pero isang malakas na halakhak na naman ang narinig ko na para na siyang nababaliw.

"Idiot," galit na sigaw niya sa akin.

"Give me back my files and I will give you back your daughters," kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya.

"Files or corpse?" nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

"What files do you want," sigaw ko.

"Shhhhh," alo ni mommy.

"I don't know the files you are talking about," sigaw ko pa rito.

Wala akong narinig na nagsalita sa kabilang linya kun'di ang putok ng baril kasabay ang malakas na tawag sa akin ng mga anak ko at ang pag-iyak nila.

"Please. Please," hagulhol ko.

"Stop playing with me, Emerald," malakas na sigaw niya sa akin.

"Do you think you can fool me? Do you think I'm going to be silly with you again huh?" gigil na gigil nitong saad.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon