THIRTY-SIX

2.6K 29 15
                                    

- Amor -

ALAS DOS na nang madaling araw pero wala pa ang dalawa.
Kumaen na ako kanina dahil nagutom na rin ako.

Hanggang ngayon nanunuod pa rin ako dahil hindi makatulog.
Hindi ko sila hinihintay. Sadyang hindi lang talaga ako makatulog.

Nagpunta ako sa kusina para sana uminom ng tubig ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok.

Nagtataka akong naglakad dahil kung sila iyon hindi na nila kaylangang kumatok pa 'tsaka nakalock nga ako rito pa 'no ko mabubuksan 'yun tsk.

Pinabayaan ko na lang ang kumakatok at nag punta na sa kuwarto.
Hinayaan ko na lang din na naka bukas ang t.v.

Nahiga na ako sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Napasinghap ako ng makarinig ng pagbasag sa labas.

"Amor?" tawag sa pangalan ko.

Sumibol ang kaba sa dibdib ko ng makarinig ng mga yabag palapit dito.

"Amor?" mahinang tawag na naman sa pangalan ko.

Tumayo ako para magtago sa likod ng pintoan.
Nakita ko ang isang bulto ng lalaking pumasok sa silid. He's wearing black pants, a black sweater, and a black bonet.

Nang makita nitong walang tao sa higaan ay nagtungo siya sa banyo. Tahimik niya itong binuksan at gano 'n din sa pagsara.

"Shit. Were are you," inis niyang tinanggal ang bonet saka humarap sa gawi ko.

Tahimik lang ako nasa sulok at nagmamasid sa kanya.

May inilabas siya sa kanyang bulsa - cellphone iyon. Lumiwanag sa kanyang mukha kaya nakita ko ang kanyang itsura.

"Derick," sigaw ng utak ko.
Mabilis na kumabog ang dibdib ko ng makita siya. Pero bakit ganito?
Bakit nagdadalawang isip akong lumapit sa kanya. Bakit parang.

"Hindi, Amor, kaylangan mo ng makaalis dito gusto mo nang makita ang mommy mo hindi ba," anas ng isip ko.

"Tayo na, Amor, bilis," dagdag pa nito.

Mabilis ako umalis sa pinagtatagoan at tumakbo papalapit sa kanya.

"D-Derick," halos utal kong saad.

"Oh! God," nausal niya sabay himas sa buhok ko. Mahigpit ang yakap namin sa isa't isa.

"Did you see her?" tanong ng nasa cellphone.

"Yes. I found our girl," tingin niya sa akin.

"Faster, Derick, they might come," saad pa nito.

Mabilis ang naging pagkilos ni Derick. Agad niya akong binuhat ng pa bridal. Nakita ko ang basag na sliding door sa balcony banda sa kusina.
Ibinaba niya muna ako saka may isinuot siyang belt sa kanyang bewang.

"Ready?" he smiled at me, tumango ako.

Binuhat niya ako saka tumalon sa building. My eyes were shocked when I see the city, ang lakas ng hangin. Pero imbes na pababa, pataas kami.

Mahigpit ang kapit ko kay Derick habang naka pikit. Abot-abot naman ang aking dasal.

"Open your eyes, Sweetheart," wika niya sa akin.

Umiling ako "No,"

"It's okay, Sweetheart, sasakay na tayo sa chopper," sabi pa niya.

Dumilat na ako at iginala ang tingin nasa rooftop na pala kami ng hotel. Tumingin ako sa chopper saka nakita roon si Duke na masayang tumakbo papalapit sa amin.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon