FORTY-TWO

1.9K 20 2
                                    

     Shawarawt kay babi Chinniann 🫶🫶

     Woii mga babiss charowtt lang 'yung
      chap forty-two na nauna 🤣🤣 Ito talaga
     'yung totoo.

- Amor -

Hinatid na namin sila Cassandra pasakay sa yate. Sumabay sa kanila si Duke dahil may pinabibili akong pagkaen.

Bago siya sumakay ay niyakap muna ako ni Cassandra at sinabing pag-isipan ang sinabi niya.
Kahit lang daw humingi kami ng kapatawaran sa isa't isa. Para rin daw mawala na ang depression ko at wala na akong isiping makakasakit sa akin.

Puwedi naman talaga iyon, maganda rin ang kanyang suhisto pero ang tanong? Handa na ba akong muling harapin sila. Handa na ba akong muling makita sila.

Masakit pero may halong pangungulila ang nararamdaman ko ngayon.
Nag-aalala rin ako dahil sa sitwasyon nila kung totoo ngang nalulugi ang kompanya nila sayang naman iyon. Sayang dahil pinag pagoran din nila 'yun.

"May problema ba?" tanong ni Derick.

Kanina pa nakaalis ang yateng sinasakyan nila Cass pero ako nanatiling nakatanaw sa karagatan.

Sana ganito rin kalinaw ang isip ko ngayon tulad ng tubig sa dagat na ito.
Mahina ang hampas ng alon at mainit naman ang ibinibigay ng ihip ng hangin.

Para ngang kino-comfort ako ng mga ito.
Inakbayan ako ni Derick.

"Galit ka ba kay Dastian?" tanong niyang muli.

"May karapatan ba ako?" tanong ko rin sa kanya.

Hindi ko rin naman alam kung boyfriends ko pa sila diba, dahil alam na nilang kasal ako kila Quirro at Queven.

"Please, don't be like that, Darling," pinaharap niya ako sa kanya.

"Nagugulohan ako sa nararamdaman ko, Derick," I see his deep look.

Mababanaag mo rin ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Saan ka ba nagugulohan?" tanong niya.

"Does Dastian realy love me?" balik na tanong ko.

"Oo naman, Darling," hinimas niya ang buhok ko.

"Sa totoo lang nasasaktan ako sa nakita ko. Pero alam ko namang wala akong karapatan dahil hindi ko kayo boyfriends," wika ko.

Tahimik lang siyang nakatitig sa akin.

"Gusto ko na kasi kayo," saad ko.

Hmm. Totoo naman kasi. Gusto ko na sila noong nasa Japan pa nga lang 'di ba.

Mabait sila at maalaga. Lagi nila akong pinapasaya kaya nakagaanan ko rin sila ng loob.
Sa totoo lang hindi ko rin alam na puwedi pala ang ganitong sitwasyon. 'Yung mahigit sa isa ang kasintahan mo.

"Kami rin naman, Darling. Mahal ka namin," sagot ni Derick.

"I can't see you hurting, Amor, please don't think too much," hinaplos niya ang pisnge ko saka pumatak ng halik sa nuo ko.

Bumalik na kami sa bahay. Kung kanina ay mahina pa ang hampas ng alon ngayon lumalakas at umiingay na iyon.
Lumalamig na rin ang hangin dahil pagabi na.

Dumating na rin si Duke na dala ang mga pagkaen na gusto ko kaya inumpisahan ko na iyong lantakan.

Matapos mag haponan umalis si Derick dahil nagkaroon ng biglaang tawag sa kanya sa main company nila.
Si Duke naman nag pi-paint siya kaya nasa labas pa.
Nauna na akong pumanhik sa taas para maglinis ng katawan. Matapos nahiga na rin ako habang hinahaplos ang may kalakihan ko ng tiyan.

"Be healthy inside, Girls, okay," nakangiti kong saad sa aking tiyan.

"Hi," hindi ko namalayang nakapasok na pala siya.

Nginitian ko lang siya saka tinapik ang kamay upang lumapit siya sa tabi ko.
Lumundo ang kama kaya alam kong umupo na siya.

"I'm sorry," pag-uumpisa niya.

Umiling ako "I just want to hear your explanations,"

Sumandal ako sa headboard ng kama at siya kinuha ang kaliwang kamay at hinalikan ang palad ko.

Nag-umpisa na siyang magkuwento habang ako nakikinig lang at hinihimas ang tiyan. Nararamdaman ko na kasi na naglilikot sila.

"The girl at restaurant," umpisa niya "She's just a daughter of my investor. May ipinaabot lang ang Daddy niyang contract so I go there. Hindi ko naman alam na gagawin niya iyon," seryuso at sensero nitong saad.

Magsasalita pa sana siya ng biglang matawa. Nakatingin siya sa tiyan ko umaalon alon. Natawa na rin ako habang pinagmamasdan siyang namamangha sa nakikita.

Si Duke at Derick lang kasi ang madalas makakita niyon. Dahil nga sa laging busy si Dastian sa trabaho.

"Hi, Babys," bati niya sa akin tiyan at banayad na hinimas ito.

"Sayang wala ka kanina. Nakita mo sana sila," inabot ko sa drawer ang ultrasound papers na doon ko nilagay.

Nakangiti niya iyong inabot.

"Twins?" mangha niyang tanong kaya nakangiti akong tumango sa kanya.

"We have twin baby girls," sagot ko.

He gently caressed my tummy while he was happily looking at it.

Matapos mag-usap ay inaya ko na siyang maghaponan hindi pa raw kasi siya kumakaen.

Bumaba kami at naabotan naman namin si Duke na papasok galing sa labas ng bahay.

Inaya ko na rin siyang kumaen dahil kanina pa namang alas sais kami nag dinner.
Alas dyes na nang gabi kaya alam ko gutom siya.

Pinaghanda ko na rin sila ng letche plan na kanina ay ginawa namin ni Ate Sarah - kasambahay namin dito.

Si Derick hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi nag paalam naman siya kaya okay lang.

Ang mga bantay din sa palibot ng bahay ay rumoronda.
Hindi ko alam kung sino ba ang kaaway ng triplets pero mas okay na rin siguro na may mga bantay kami para sa seguridad.

Hindi ko rin naman maaatim kung may masamang mangyari sa akin at sa anak ko.

Hindi pa ako inaantok kaya inaya ko muna ang dalawa na mag movie marathon.
Inaya ko na rin si Ate Sarah pero tumanggi siya dahil napagod siya kaninang maglinis.

"What do you want to watch, Honey?" tanong ni Duke.

Kasalukuyan kasi siyang naghahanap ng palabas sa Netflix.

"I want a horror," sagot ko na lang.

"Horror?" panabay pa nilang saad ni Dastian na ikinangiwi ko. Daig pa kasi nila ang nakalunok ng megaphone sa lakas ng pagkasabi nila tapos ang lalaki pa ng boses. Jusmii.

"Ang OA naman," irap ko kay Dastian.

"Alam mong buntis ka tapos gusto mo horror," inilapag nito ang isang bowl ng chips at popcorn, kasama na rin ang gatas ko at can beer sa kanila ni Duke. Naka tray naman kaya nabuhat niyang lahat.

"Pft!" tanging nasabi ko.

"Find some funny movies, Duke," saad nito sa kambal na ikinatango naman ng huli.

Gusto ko sana ng Vampire movies eh. Wala na kung nagawa ng comedy ang ipalabas. Kaya nanuod na lang rin ako habang nilalantakan ang mga chips.

Ramdam ko naman ang paghaplos ni Dastian sa likod ng buhod ko habang si Duke ay nakaupo sa carpet at minamasahe ang paa ko.

Matapos ang isang palabas pumanhik na ako sa taas. Mag aalas dose na kasi ng gabi kaya pinagalitan na ako ni Derick.

Tumawag siya at sinabing baka bukas pa raw siya makakauwi.
Pati tuloy ang dalawa ay napagalitan dahil alam ng buntis  pinupuyat pa ako.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon