SEVENTEN

2.4K 28 0
                                    

- Amor -

"Stop it, Cass," saway ko sa kaybigan habang patuloy na nilalaklang ang laman ng bote ng Fireball Cinnamon whiskey.

"Stop what?" tawa nito.

"Kj naman," komento pa niya.

Minsan nakakapikon na rin mga ginagawa niya pero hindi ko naman siya maiwan at pabayaan na lang.

"Let's go home," aya ko.

"Maya na," she ordered orange juice para ipares sa kanyang whiskey.

"Lasing ka na, Cass," agaw ko sa bote na hawak niya.

Ilang araw na kami dito sa Japan at laging alak na lang ang laman ng kanyang tiyan.

"Hindi pa ba nasusunog baga mo sa kakainom?" iritang tanong ko.

Tumawa lang siya na parang baliw saka inirapan ako.

"Punta lang ako sa restroom," ismid niya.

Tatayo na sana ako para alalayan siya pero iniharang niya ang kanyang kamay para huminto ako.

"I am not drunk yet, stupid," irap niya sa akin sabay tawa.

Napailing na lang ako sa kanyang sinabi saka inihatid siya ng tingin. Nang mag laho sa aking paningin si Cassandra ay inilibot ko naman ang mga mata ko sa club.

I drink my cassis grapefruit while wandering my eyes.
Roppongi club ( Tokyo Japan ) is a large international crowd, customers who visit the club are elite, businessmen, wealthy people, and politicians.

The luxurious establishment is decorated with select artwork and furnishings and lit with sparkling chandeliers so the customers can experience elegant moments with live piano music.

Hindi ko alam kung paano kami napasok ni Cassandra dito pero sabi niya gusto niya rito dahil kahit anong klase ng alak ay meron sila.

Ilang minuto na pero hindi pa rin bumabalik si Cassandra, sakto namang pagtayo ko ang pagtapon sa akin ng malamig na alak.

"Gomen'nasai," ( I'm so sorry ) he took a handkerchief to wipe me.

"Daijoubu," ( It's ok ) saad ko habang pinapagpagan ang sarili.

"It's ok, don't worry," ngiti ko sa lalaki.

Kunot nuo siyang tumingin sa akin.

"Daijoubu kinishinaide," ( It's ok, don't worry ) ulit ko pero may pag tataka pa rin siyang tumingin sa akin.

"E-Emerald?" he asks na parang gulat na gulat siyang nakita ako.

"Huh?" kunot nuo kung tanong.

"Oh! C'mon," he smirks at me.

"I'm sorry, Mr, but I don't know who you're talking about," tatalikod na sana ako ng mahigit niya akong hawakan sa braso.

Napatawa siya ng hagak sabay higpit ng hawak sa aking braso.

"I'm not done talking to you, Bitch," tiim bagang niyang saad, rinig ko na rin ang pagkiskis ng kanyang ipin.

"Nasasaktan ako ano ba," angil ko sa kanya, I'm not good at Japanese kaya tinagalog ko na lang sa inis ko.

Surprisingly he understands me kaya tumawa siya.

"Masasaktan ka talaga pag hindi mo ibinalik sa akin ang mga files ko," halos mamula na ang kanyang mga mata sa galit.

I slapped him hard, dahilan para makalikha iyon ng malakas na tunog at pagtinginan kami ng mga taong naroon.

"Are you insane?" anas ko sa lalaki.

"First, I didn't study to call you a bitch. Second I don't know whose Emerald you're talking about. And last I'm Thea Amor Marquiz, Ass-hole," kinuha ko na ang aking bag saka nag mamadaling lumabas ng club.

I heard him yell kaya napatakbo na ako sa takot baka kasi sundan pa niya ako.

Pumara na ako ng taxi pauwi sa condo ni Cassandra.
I swipe the card key, at nakita kung nagkalat ang mga damit sa sala.

Naka bukas ang ilaw sa kuwarto ni Cassandra kaya tumuloy na ako sa kabilang silid, ayuko namang istorbohin pa ang milagrong nangyayari.
Kaya naman pala ang tagal bumalik dahil may ka-churbahan na.

Pagtapos mag half-bath ay nahiga na ako sa kama, I put my headset on para naman hindi marinig ang alam niyo na.

Pero dahil sa hindi ako makatulog kaiisip sa buwesit na lalaki kanina sa club ay bumangon ako at nag bihis.

Natsu or summer ngayon dito sa Japan kaya hindi na kami nag dala ng mga panglamig ilang araw na lang rin naman balik na kami sa pilipinas kaya hindi na kami aabotan ng winter.

I wore tattered jeans na pinarisan ko ng black t-shirt, nag suot na rin ako ng malaking jacket at white shoes.
Kinuha ko na rin ang wallet ko sa aking bag saka lumabas na ng kuwarto ng mapansin kong may facemask sa tabi ng t.v ay kinuha ko na ito saka lumabas na ng condo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero siguro sa malapit na lang din para hindi ako maligaw.

Mga ilang minuto pa at nagutom ako sa paglalakad kaya ng makakita ng konbini or minimart ay pumasok ako roon upang bumili ng pagkaen.

Nag bayad na ako sa counter, sandwich at milk lang ang binili ko. Sa 'di kalayuan ay nakakita ako ng playground hindi naman madilim doon dahil may mga streets light, wala ng tao pero ok na rin 'yon para hindi maingay.

Naupo ako sa bakanteng swing saka inumpisahang kainin ang sandwich.

Nasa huling subo na ako nang biglang may humawak sa aking likod kaya nanlaki ang ang mga mata ko at nahulog ang hawak ko.

"Tasukete," ( help ) hinihingal na sambit ng lalaki habang mahigpit ang hawak sa aking balikat.

Napatayo ako sa swing saka hinarap ang lalaki, duguan ang kanyang balikat at may mga pasa sa mukha.

"Watashi wa tasuke ga hitsuyōdesu," ( I need help ) he said but I don't understand it.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Oh god!" napasapo sa aking nuo.

"Ilang stranger pa ba ang ipapakilala mo sa akin ngayong araw na to," anas ko sa sarili.

"Oh! Great," parang natutuwa pa nitong sabi.

"Please, I need your help," saad niya.

Nakarinig kami ng sunod sunod na yabag at mga lalaking nagkakaingay.

"Soko ni wa," ( There )

"Isoge," ( Hurry up )
Sunod sunod na sigaw ng mga lalaki.

Nang malapit na sa amin ang mga ito ay hinila ako ng lalaki para magtago kami sa likod ng padulasan.

Napasandal ako sa hagdan ng slide habang ang mga kamay niya ay nakahawak doon at sa isa ko pang kamay.

Hingal na hingal siya at patuloy sa pagdurugo ang kanyang sugat sa balikat.

"Are you ok?" tanong ko pero nangtignan ko siya ay nakatingin siya sa akin.

His face lowered to meet mine, at nang kaunti na lang ang pagitan ay bigla na niya akong hinalikan.










-------------

Luh! Who are the two strangers?

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon