Kabanata 2

203 7 0
                                    

First


~~~🌸~~~


"Ayos ka lang ba, Eya? Mag tatatlong oras ka na rito pero mukhang hindi ka napapagod, ah?" Hindi ko pinansin ang lumapit na si Trevor at ipinagpatuloy lang ang aking ginagawa.


Ilan na ring ang napabagsak ko mula pa kanina. Si Teijie ang pinaka nagtagal. Magaling siya, pero ilang beses ko rin naman itong napagbagsak. Hindi ko masasabi na kaya ko siyang matalo sa hand to hand combat pero hindi ko naman siya binigyan ng madaling laban. Sa lahat ng naging partner ko sa training siya ang pinaka-gusto ko dahil hindi siya madaling sumuko hindi katulad ng iba.


Dumugo lang ang ilong o kaya ay mabaliaan ng buto e aayaw na. Hindi katulad ni Teijie na minsan ko ng nabigyan ng black eye ay hindi rin kaagad umayaw.


"Kita mo oh! Kahit si Takahashi iniwan ka na."


Nilingon ko si Teijie na tinutukoy niya. Nakaupo na ito sa isa sa mga bleachers matapos ibuhos sa kaniyang ulo ang laman ng mineral water na hawak.


Doon din ako nag-isip. Siguro ay oras na rin para magpahinga. Kanina pa ako pero hindi ko nararamdaman ang pagod kaya umabot ako ng mahigit tatlong oras ng walang tigil. Ganito lang talaga ata kapag masyadong ukopado ang utak mo at hindi ka makakaisip kaagad ng pagod. Hindi mabibigyan ng pagkakataon ang utak mo na mag-isip ng ibang bagay kahit ang mismong pahinga ay hindi sasagi sa iyo.


Inilahad ko ang kamay ko kay Leo na nakahiga sa harapan ko matapos kong mabigyan kanina ng isang side kick. It was too late when he noticed it kaya hindi niya kaagad naiwasan. Bumagsak ito habang iniinda ang sakit sa kaniyang tagiliran.


"Masama ba ang loob mo ngayon, Eya? Bakit parang may kasamang galit lahat ng sipa at suntok mo? Kanina ko pa napapansin." Si Leo matapos alisin ang kaonting dumi sa kaniyang tagiliran kung saan tumama ang paa ko kanina.


Pareho na sila ngayon ni Trevor na nakatingin sa akin at nag-iintay ng sagot kaya agad akong umalis. Lumapit ako sa pwesto ni Teijie dahil naroon ang mga gamit ko. I brought my duffel bag with my things. Dapat ay pupunta ako ngayon ng gym pero naalala ko na baka maraming tao roon ngayon dahil linggo. Kaya nagdesisyon na lang ako na dito sa Underground mag-ensayo. Mas okay dito dahil kapag ganitong araw, walang masyadong tao.


"Ano 'yan LQ ba?" Nagulat na lang ako at sinundan pala ako ng dalawa. Naupo sa tabi ko si Trevor with her crossed legs and confused face waiting for an answer.


"I can give you the best advices in the world when it comes to men, Eya. Magsabi ka lang."


Ilang beses ko na ata siyang nairipan simula pa lang ng lumapit siya kanina. Wala naman akong problema sa kaniya, pero hindi lang talaga siya marunong manahimik kahit na nakikita niyang wala na ako sa mood.


"Tell me, Eya. What the problem?"


Hinayaan ko siyang dumaldal mag-isa. Kinuha ko ang bote ng tubig sa loob ng bag ko. Sa loob pala ng tatlong oras hindi ko naisipan magpahinga na kahit uminom ng tubig ay hindi sumagi sa isip ko kaya ngayon ko naramdaman lahat. Gutom, pagod at uhaw.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Kde žijí příběhy. Začni objevovat