Kabanata 28

149 6 0
                                    

Father


~~~🌸~~~


"You know what, Eya? Your curiosity will kill you someday."


Hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit ko na bang nakuha ang sermon na iyon mula kay Trevor. I told him what I saw last night kaya agad silang tumingin sa buong paligid. Sinuyod nila ang buong isla. Kasama sina Sky at Sarah but Trevor said that they didn't see anything.


But it doesn't mean na hindi sila naniniwala kaya nga at heto, halos sumakit na ang tenga ko sa paulit-ulit niyang sermon.


"Kung sinuman 'yon, it could be one of the Tenebris we saw, Eya." Si Sarah habang tulog sa kaniyang kandungan ang isa sa kambal na si Ayen. Nakaupo siya sa duyan na gawa sa kawayan. She was slowly swaying it kaya naman agad na nakatulog ang anak ko sa kandungan niya.


"I know. It's just that, I— I got curious." Nasabi ko.


Hindi pa rin talaga nawala sa isip ko ang nakita. Kagabi ko pa iniisip kung sino at ano ang ginagawa ng taong iyon. I also think that he or she is injured. Pero ang sabi nila Trevor, wala silang nakita na kung ano sa paligid. Walang kahina-hinala o kung ano paman. Kaya saan niya iyon nakuha? What happened?


"Maybe it is really time for us to move."


Nahinto ang mga iniisip ko ng biglang magsalita si Skyblu. She was holding Axel that was busy eating the fruits they bought. Nakaupo ito sa kaniyang mga hita. There's a oval shape table in front of us made of wood. At nakapaligid dito ang upuan habang sa harapan namin ay ang malawak na dagat. Nasisilungan din kami ng matayog na puno ng mangga kaya hindi mainit. Ang katawan din ng punong iyon ang nagsisilbing taga hawak sa tali ng duyan na inuupuan ni Sarah.


"Tumahimik na si Aidan. Wala na akong balita sa mga inutusan niya to search for you, Eya. Nakakapagtaka and this is really unusual."


Agad na kumunot ang noo ko lalo na at kitang-kita ang malalim na iniisip niya matapos ang sinabi.


"It's either, he stop looking for you or he is up to something."


"At sigurado ako na hindi ang una sa choices, Sky." Si Trev na umirap muna bago naupo sa tabi ni Skyblu. Ngayon ay pareho na silang nakaharap sa akin.


"Hindi tayo nag lalaro lang dito, Eya. Kaya imposible na tumigil na si Aidan sa paghahanap sayo. What happened three years ago ay hindi pwedeng basta na lang itapon. That's not how it works. Kaya naniniwala ako na he is up for something. Baka magulat na lang tayo isang araw nakatayo na siya rito sa tapat ng bahay 'no!"


Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kilala naming lahat si Aidan, at ang ginawa ko kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pwedeng isawalang-bahala o kalimutan na lang basta-basta. I mean, I was tagged as a traitor of two different organizations. Kaya malabo na basta na lang titigil si Aidan sa paghahanap sa akin. I know that he is mad at me.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now