Kabanata 25

159 6 0
                                    

Dangerous


~~~🌸~~~


Nanigas at nabato ang mga paa ko sa kinatatayuan. Ni hindi ako makagalaw dahil sa gulat sa ginawa ni Aidan. Titig na titig ako sa kaniya at ganun na lang din ang tingin nito sa akin. Umigting ang panga ni Aidan habang sobrang dilim ng mga tingin na para bang anumang oras ay manganganib ako kahit na sa mga tingin pa lang na iyon. Hindi ko tuloy malaman kung paano aalisin ang hawak niya.


Alam ko, sa naging kilos niya kanina alam ko na may bahagi na sa kaniya na nakilala na ako. Pero nagdasal pa rin ako na sana ay hindi at mali ako pero nang alisin na niya ang tela na ginawa kong pantakip sa mukha, doon na ako tuluyang nanghina. Kitang-kita niya ngayon ang kabuuan ng mukha ko at wala na akong takas.


Hindi ko rin malaman kung ano ang tamang bagay na makakapagsabi sa kung paano siya tumingin sa akin. Galit, poot, pagkabigo o pagkamuhi? Hindi ko na alam. The disappointment in his eyes is the only thing that is visible to me right now. It is very evident na kahit ako ay nararamdaman na rin ang pagkamuhi sa sarili.


Sinubukan kong hilahin ang palapulsuhan ko kahit alam ko na imposible at wala ng saysay pa pero mas lalo lamang iyong humigpit. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa galit, sa pagkagulo, at sa lahat. Sa paghigpit ng hawak ni Aidan sa akin, nasasaktan na ako. Pero hindi ko siya masisi. Alam ko ang gulat niya ng makita ako.


Ano kayang iniisip niya ngayon? Na isa akong traydor? Isang kalaban, isang masamang tao. Oo! Alam ko iyon. Iyon nga ako. Hindi ako tanga para magmalinis pero bakit iniisip ko pa lang na ganun ang tingin niya sa akin ay nasasaktan na ako?


"We've been waiting for this, Xena. You promised us! You give your words to Tenebris." Sumigaw muli si Duces kaya lalo akong naupos sa kinatatayuan ko.


Gusto kong sumigaw pabalik. Gusto ko siyang sabihan na mali ang mga sinasabi niya at manahimik na. Kahit kay Aidan ay gusto kong magmakaawa na huwag siyang maniwala pero kahit ang ibuka ang bibig ay hindi ko na nagawa.


"Xena, carry out your vow to complete your job!" Muling sumigaw si Duces mula sa hindi kalayuang parte sa aking likuran pero hindi ako lumingon.


Sinubukan kong iangat muli ang tingin para makita si Aidan. Nanatili ang mga tingin ko sa kaniya habang nilulunod ako ng sarili sa takot at pangamba.


Hindi ako makapagsalita pero sibukan kong basahin ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang ekspresyon, ang kaniyang mukha. Ngunit bigo ako. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya at kung ano ang tumatakbo sa utak nito pero sa tuwing iisipin ko na inaakala niya na isa akong traydor, may kung anong nababasag sa loob ko.


No, Aidan. I know how fucked up our situation is, but I hope you will let me explain. You hear me, please. I know that this may taint your trust in me, but please hear me out first.


Yes, I am a traitor. I was a traitor. I planned this. I planned this all out. But since day one, I have known to myself that I cannot hurt you. Hindi kita kayang patayin, at isang kalokohan ang magbitiw ng salita at pangako sa kapatid ko pati na sa grupo ng Tenebris.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora