Kabanata 33

180 7 1
                                    

Sacrifice


~~~🌸~~~


"I can't believe you, Uno. Alam mo na hindi ito pwedeng palampasin! What she did was a serious crime for the whole organization! Anong malay natin na hanggang ngayon ay kasapi pa siya sa grupong 'yon? Paano kung gawin ulit niya ang ginawa noon? Paano kung mag-traydor muli siya?"


All I can see is pitch black. I don't know where I am, and I don't know where those voices are coming from. Ang alam ko lang pamilyar ang mga iyon.


Sinubukan ko ring gumalaw pero hindi ko magawa. I don't even feel my body. I was feeling so numb that it took me minutes to even lift a finger.


Para bang napakabigat ng buo kong katawan. Parang may nakadagan sa aking kung ano. Hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan na kahit anong pilit ay hindi ako makagawa kahit konting kilos.


"My decisions are final, Vlad." Narinig ko ang matigas na boses ni Aidan.


Hindi ko man maigalaw ang buo kong katawan pero bukas na bukas ang tainga ko at kilala ko ang boses ng mga nasa paligid. At nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Aidan, doon ako lalong nagpumilit na makita siya at igalaw ang katawan.


"I believe her. I know she's not part of that organization anymore."


Aidan?


Lalong lumapit sa akin ang boses na iyon. At dahil sa pagpipilit kong kumilos, naramdaman ko na naigalaw ko ang isa sa mga daliri. Hirap na hirap ako kahit sa isang proseso pa lang na iyon. Halos ibuhos ko ang lahat ng lakas para lamang sa isang daliri.


"But Uno! You know that is not how it works! Hindi dahil naniniwala ka na, okay na. She still needs to—


"I said my decisions are final, Vlad!" Aidan's voice thundered.


Mukhang nag-aaway na sila ng kausap niya.


"Ano ba! Stop it, you two. Uno, I think she's awake." A woman's voice echoed in my ear after seconds of silence.


Pinilit kong igalaw ang buong katawan kaya hindi ko na nagawa pang pagtuunan iyon ng pansin.


"I'll call a doctor. Tumigil na muna kayo sa pagtatalo. Pwede naman 'yang pag-usapan sa ibang araw." The same voice from that woman said.


"E-eya? Eya!" Binalot ako ng malambing na boses ni Aidan at sa wakas ay may naramdaman na rin ako.


Naramdaman ko ang marahang hawak niya sa kamay ko at doon din ako kumuha ng lakas para unti-unting buksan ang mga mata.


Sa simula, sobrang labo ng paningin ko. Kulay puti lamang ang nakikita ko na halos sumilaw sa akin kaya hindi ko matandaan kung asan ba ako.


MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now