Kabanata 24

152 6 1
                                    

Pity


~~~🌸~~~


It's been days at mula ng pag-uusap namin ni Kai, hindi ko na siya muling nakita. Hindi na kailanman nagtagpo ang mga landas namin. Alam ko naman na sinasadya niya iyon kaya naman nasasaktan pa rin ako. 


I care about Kai, at hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na nasaktan ko siya. If I could do something to ease his pain, I would but on the other hand, alam ko na ito ang tama.


"You seem too preoccupied these past few days, Eya. May problema ba?" Tanong ni Trev habang naghihiwa ng ingredients para sa lulutuin niya.


He's planning to cook menudo, so I let him be.


Wala rin naman siyang mision ngayon, kaya naisipan na dalawin ako rito sa condo ko. I was sitting on the countertop habang abala sa aking laptop. Hinayaan ko rin siya sa pagluluto dahil abala ako sa pagtingin sa mga si-nend sa akin ni Jade. Noong nakaraan pa pala ito pero ngayon ko lang nabuksan ang ilan sa emails niya. I was too busy thinking about other things na hindi ko na ito naalala.


"I am fine, Trev." I answered as I scanned the images attached to Jade's email.


Si Mr. Hermano ito ah? And this is Duces.


Zi-noom-in ko ang ilan sa larawan. Kuha ito sa isang party, hindi ko lang sigurado kung saan pero I know and it was clear that it was Duces, may hawak na wine glass sa kaniyang kanang kamay habang masaya  na nakikipag-usap sa kaniyang kaharap. Inilapit ko pa ng husto ang litrato at hindi nga ako pwedeng magkamali. It is Mr. Hermano.


Ibig sabihin ay magkakilala nga talaga sila? May kutob na ako ng ganun noong nakaraan, pero hindi ko alam kung paano patutunayan. And this picture says a lot. Damn it!


There was also a short video attached on Jade's email. She also puts a short message on it saying, "I think they made their way going to Underground."


Ilang pictures ang kasama noon, at hindi ako maaaring magkamali. Ang ilan sa mga iyon na kausap nina Mr. Hermano at Duces ay nakita at nakasalamuha ko na sa Underground.


I scanned one of the picture. It was a man, talking to Duces. I zoom-in his picture at saka ko tinawag si Trevor.


"Hey Trev! Do you know this man?" Inikot ko ang laptop ko paharap sa kaniya. Nagpunas naman siya ng kamay sa gilid ng kaniyang apron bago lumapit at pinagmasdan ang nasa screen ng laptop ko.


"Hmm, I don't know him personally. But, I think I saw him somewhere." Saglit siyang nag-isip na tila ba inaalala kung saan ito nakita when he suddenly stops na para bang may umilaw sa tuktok ng kaniyang ulo.


"Yes! I remember. He is one of the new recruits. They are under Leo's team. Sa kaniya naka-assign ang pag-train sa mga bago. Why?"


New recruits? Duces was known as the Tenebris leader, the number one enemy of Underground. Kilala nila ang isa't-isa? Paano at bakit?

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant