Kabanata 9

132 6 0
                                    

Principle


~~~🌸~~~


Nobody can explain what Iam doing! Kahit ako ay halos hindi na mabilang, pero simula ng makita ko si Aidan sa coffee shop na ito, halos araw araw na ata akong nalalagi rito pagkatapos ng klase. Pati na rin sa tuwing weekends at kung wala naman kaming gagawin ni ate Aya dahil lately napapansin ko na masyado na siyang busy. Hindi ko nga lang alam kung saan at ano, pero hindi ko na siya masyadong nakakasama at napapadalas na absent siya sa mga trainings namin na hindi niya noon pinagpapaliban.


"One large cappuccino and a strawberry cheesecake please." Sabi ko sa babaeng kaharap na siyang kumukuha ng order ko.


Nginitian niya ako at hindi na nagtanong ng pangalan dahil sigurado ako na kilala na nila ako. Sa araw araw at halos walang palya ko ba naman dito malamang hindi na nila makakalimutan ang pangalan ko na ilang letra lang.


"Alam mo Miss Eya, minsan iniisip namin na sobrang sarap ata namin magtimpla ng kape rito dahil halos araw araw na po kayo." Biro sa akin ng isa sa mga staff. Sadly I don't remember his name. Siguro ay marahil hindi naman talaga ako nagfo-focus madalas sa ibang tao or maybe, hindi lang stable ang memory ko that I tend to forget a lot of things at the end of the day.


Pero sa sinabi niya, hindi ko alam kung mahihiya ba ako. That also means na pati sila ay napapansin na rin ang pagiging madalas ko rito. Well, it was a mere fact dahil talagang masarap naman ang kape nila pero maliban doon hindi ko ata maamin sa sarili ko ang totoong dahilan kung bakit araw araw na akong dumadaan dito.


"Hmm, yeah. And this was actually my favorite coffee shop." Palusot ko na lang which is half true.


Masayang ibinigay sa akin ng babae ang order ko. Naupo ako sa usual spot ko habang pinagmamasdan ang paligid. Medyo dumarami na rin ang customer kumpara sa mga nakaraan. Feeling ko ay nakikilala na rin talaga ang lugar na ito.


At katulad nga ng madalas kong gawin, ilang minuto pa akong naghinay habang tumatanaw sa paligid. This was my usual routine these past few days and most of the time, ako na lang ang sumusuko. After I finished my food and drinks napabuga na lang ako ng hangin.


Well, I guess that's it for today Eya!


Pinasadahan ko muna ang paligid bago ako muling napabuntong hininga. Aaminin ko, aside from the coffee of this shop, I am also hoping to see someone again. Hmm, I don't exactly know why. Pero sa bawat araw na dumaraan, napapasabi na lang ako sa sarili ko na that day could be the first and the last day I'll be able to see him.


Wala namang ibig sabihin. Gusto ko lang sana isoli iyong pinahiram niyang panyo sa akin. Nakakahiya. Iyon lang ang gusto ko. Nagmagandang loob siya kaya gusto ko lang sana ibalik.


Ilang araw pa akong ganun. Ilang araw ko pang sinubukan na bumalik sa coffee shop para sana makita si Aidan. Parati ko ring dala ang panyo niya pero ilang beses akong nabigo. Until one day, mukhang dininig na ng langit ang mga panalangin ko.


Habang nakaupo ako sa usual spot ko, isang pamilyar na bulto ang dumaan sa aking gilid. Naamoy ko rin ang isang pamilyar na pabango. Sinundan ko ito ng tingin at kahit nakatalikod siya, hindi ako maaaring magkamali. Nakilala ko ito.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now