Kabanata 15

170 4 0
                                    

Quit


~~~🌸~~~


Pinagmasdan ko si Aidan na napakapayapa ng tulog. I've been awake for more than an hour, but I still don't know what to do. I am sore all over. I wanted to stay beside him, sleep, and enjoy this quiet and cold night with his arm. But the fact that I should do my job now makes my head ache.


Napaayos ako ng higa habang nakatanaw sa kisame at iniisip ang mga nangyari. Nakapulupot sa aking tiyan ang kanang braso ni Aidan na hindi ko magawang alisin. Patuloy kong iniisip kung paano kami dumating sa ganito. Why did I give in? What was I thinking when I agreed to this?


Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga katangahan ko. At ngayon, tila nawala na rin ang alak sa sistema ko at malinaw na sa akin ang mga nangyari kagabi. I looked at my body, suot ko na ngayon ang isang puting oversized tshirt and I am wearing my underwear again. Hindi ko matandaan na isinuot ko ito kagabi dahil halos bumagsak ang katawan ko kasama ng alak na halos lumunod sa akin kaya hindi ko na nakontrol ang ilan sa mga ginawa ko including this. Maybe it was Aidan who put these clothes on me. I don't know anymore. I am fuck up!


Maingat akong umupo at dahan-dahang inalis ang braso ni Aidan sa akin. I made sure that I wouldn't create any noise dahil tulog na tulog ito sa tabi ko. Tiningnan ko ang maliit na orasan sa gilid ng kaniyang kama. It was already 2:30 in the morning kaya nagpasya na akong tumayo. Nang makaupo ako sa gilid ng kama ay maingat kong binuksan ang maliit na drawer sa gilid kung saan nakapatong iyong maliit na orasan at tama nga ang hinala ko. Sa loob nito, a Glock 43X was hiding. Of course, after having this mission for a long time, kabisado ko na ang ilang bagay tungkol kay Aidan. And that includes a gun wherever he is. Even the places on where he normally puts it, lahat kabisado ko na.


Maingat ko itong kinuha ang baril and checked. It was fully loaded. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Lahat ay halos sumasang-ayon sa mga plano ko pero hindi ko alam kung ano itong bumabagabag sa akin.


Napahugot ako muli ng malalim na hininga bago ko muling nilingon ang pwesto ni Aidan at saka ako tumayo. Mahimbing pa rin ang tulog nito, nakikita ko ang mga malalim niyang paghinga. Pero ngayon na nasa kamay ko na at napakalapit na sa akin ng tagumpay, hindi ko naman alam kung ano ang susundin. My mind was telling me that this was the right thing, but something inside me was bothering me. Hindi ako makapag-isip not until I found myself slowly pointing the gun at him. Itinutok ko rito ang baril na hawak, pero doon din nagsimula sa panginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung para saan pero hindi ko ito mapigil.


Kahit kailan ay hindi ako nangimi na kumitil ng buhay. Noon, I can kill without blinking my eye. Noon, I can cut someone's throat without hesitation, but what is this? What is this?


The gun was very light, pero kinailangan ko pang gumamit ng dalawang kamay para lamang iangat ito ng mas maayos at upang masuportahan ko ang kamay kong nanginginig. Nanginig ito at kasunod noon ay isang patak ng luha ang hindi ko kaagad naagapan. Nang tumulo ito ay mabilis kong hinawi.


Fuck!


Wala sa sarili kong naibaba ang hawak kong baril at halos sabunutan ko ang sarili.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Onde histórias criam vida. Descubra agora