Kabanata 10

137 3 0
                                    

Teardrop


~~~🌸~~~


"I am so happy that you accepted this, Xena." Nakangiting salubong sa akin ng Duces when he saw me. Hindi ako sumagot, ni hindi ko siya magawang tingnan.


Tanging pagtitig lang sa larawan na ibinigay nila ang nagawa ko. Hindi na roon naalis ang mga mata ko kahit ilang beses ko na itong nakita at natitigan.


Aidan Alexander Oliveros Kim.


Ngayon hindi na lang pangalan niya ang alam ko. Napag-aralan ko na rin ang ilan sa mahahalagang bagay tungkol sa kaniya.


Siya ang panganay na anak nina Ivan Gonzalez Kim at Samantha Ahava Oliveros-Kim. May apat na mga kapatid. Tatlong lalaki, na sina Kian Nakoa Kim, Ryle Rainer Kim at Kyle Armani Kim habang ang kanila namang bunsong kapatid at nag-iisang babae na itinatago nila sa lahat. Si Cassiopeia Kim which I am a year older.


Cassiopeia used a different name para linlangin ang lahat. Aphrodite Viaña, na sinasabing kapatid ni Alia Dayne Viaña na anak ng kanilang mayordoma.


Napangiti ako habang binabasa ang ilan sa mga ito. Sino nga naman ang magsususpetsya. Hindi nalalayo ang edad nilang dalawa noong Alia, at may konti ring pagkakahawig kaya hindi mahirap paniwalaan. At nasa kanilang mansyon pa rin ang anak nilang bunso kaya hindi mahirap sa kanila na protektahan ito kahit na hindi ito kilala ng lahat.


Cassiopeia was five years old when her mother, Samantha, died on assasination. At matapos din ang araw na iyon, doon ginawa ni Ivan Kim ang pagtatago sa totoong katauhan ng kaniyang anak. Ang sinasabi rito ay isa iyong paraan para protektahan ang anak sa maraming kalaban ng kanilang pamilya na kahit ang leader ng Cronus ay hindi nagawang protektahan ang kanilang pinagsisilbihan.


Ivan Gonzalez Kim, was the owner and ruler of an empire called Underground. In which you can find a group of famous, atrocious and dangerous assassins and reapers from Asia and Europe. Ivan Kim was also the leader of one of the dangerous clan but still, it serves as a big puzzle to us. Na kahit ang Duces ay hindi pa rin sigurado kung anong clan iyon.


"We are still gathering some data from them, Xena. Pero pwede ka ritong magsimula." Ngayon ay picture ng isang babae ang ibinigay niya sa akin.


"That's Shainna Sartorius. She's a friend of Alia. Kung magiging malapit ka sa kaniya, magkakaroon ka ng tyansa na mas mapalapit sa bunso ng mga Kim. Nalaman namin na hindi madali ang misyon na ito at hindi pwedeng hindi pagplanuhan ang mga bagay dahil baka lamang maulit ang nangyari kay Xera." Iyon ang kumuha ng atensyon ko kaya agad na tumaas sa kaniya ang tingin ko.


Hindi na nila kailangang banggitin pa si ate Aya. I can do this. I want them to let my sister rest in peace dahil kahit ang pangalan lamang ni ate ay hindi ko na makontrol ang galit na gustong kumawala mula sa dibdib ko.


"We need to plan this very well, Xena. Kapag malapit ka na kay Cassiopeia at kapag nakuha mo na ang loob at tiwala niya, mas madali kang mapapalapit kay Aidan. Malaki rin ang posibilidad na makapasok ka sa loob ng Underground. Gusto ko rin na alamin mo ang isa pang clan na hawak ni Ivan Kim. Gusto ko na malaman ang lahat ng grupo na hawak niya—

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now