Kabanata 6

130 5 0
                                    

Report


~~~🌸~~~


Hanggang sa pag-uwi ko ay hindi ko maalis ang mga mata ko sa imbitasyon na ibinigay ni Mr. Kim. Hindi ko alam kung anong dapat na gawin kaya naman hanggang makarating ako sa aking condo, hindi mawala ang mga mata ko sa kulang gintong invitation.


The letters says, October 15th. Fuck! And that is tomorrow already. Hindi ko alam kung sinadya ba ito ni Mr. Kim o biglaan lang ang lahat. Binigyan nga niya ako ng oras na pag-isipan ang kaniyang alok pero hindi man lamang tumagal kahit ilang araw.


Tumingin ako sa orasan sa gilid ng aking kama. It's already 2:34 PM. Goddamn!


Napahilamos ako sa aking mukha atsaka ko sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Kinuha ko rin ang aking cellphone na nasa gilid habang binabasa ang mga text messages na galing kay Kai. Hindi na pala ako nakapag-reply sa kaniya mula pa kagabi. Masyado akong naging ukopado dahil sa napakaraming bagay na walang tigil na naglalaro sa aking utak.


Ngunit kasama ng mga bagay na pilit gumugulo sa akin ay ang pagsisi ko. Ngayon, nagsisisi ako! Bakit ba ang tanga ko? Bakit ba ang tanga-tanga ko?


I only have one mission. Just one! And that is to kill Aidan Kim and to give his head as a gift to Tenebris Duces pero bakit ganito ang nangyari sa akin ngayon? Bakit at paano ako naipit sa sitwasyong ito at hindi ko na makita ang daan palabas?


Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Nang unang beses kong tanggapin ang misyon ay walang pag-aalinlangan akong pumayag. Killing Aidan Alexander Kim was an easy task when I first heard it from Duces. I never thought that it would be this hard afterward. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko noon na magdalawang-isip na gawin ang mission. Not until I met Cassiopeia. Pero hindi katulad niya, halimaw pa rin ang tingin ko kay Aidan kaya kahit papano buo pa rin noon ang loob ko kahit pagkatapos ng ilang taon. Hindi ko kailanman inisip na darating sa puntong mahihirapan ako magdesisyon.


And then, the time comes na pati si Kai hinila ko patungo sa kailaliman na impyerno kung asan ako ngayon. At ngayon, kung hindi ko itutuloy ang mission na ito si Kai naman ang mapapahamak. At hindi ko iyon makakaya.


Pero bakit nga ba ako naguguluhan? Para saan?


Umupo ako ng tuwid. Bakit ba sumasagi sa isip ko ang mga bagay na ito? Si Kai ang mahalaga sa akin ngayon. Siya lang. Hindi ko na kailangang isipin ang iba. Maliban kay Kai ay wala ng iba.


Muli kong hinawi ang aking buhok. Mayroon pa akong anim na buwan para tapusin ang mission ko kay Aidan, pero si Kai? Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa kaniya kung hindi ako mismo ang hahawak ng misyon na ibinigay ni Mr. Kim.


Muli kong kinuha ang imbitasyon na nakapatong sa aking tabi. I need to make a decision now.


Nakaharap ako ngayon sa isang malawak na karagatan habang mag-isa sa malaki at marangyang yate na pagmamay-ari ng mga Kim. Hinayaan kong dalhin ng maalat na hangin galing sa malawak na dagat ang aking kahabang buhok kasabay ng pagdala nito sa laylayan ng aking mahabang dress na kulay puti.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now